Chapter 4: First Day

28 3 1
                                    

I look at myself at the mirror. I am wearing a short dark brown wig na shoulder level lang and yes may manipis din akong bangs. Then, sinuot ko na rin ang glasses. Pang nerdy look? Yes. I don't want to flaunt my long wavy hair sa campus in fear that some students might recognize me to be the Pennington student who seems to be lost sa campus nila 2 days ago. I dont want to take the risk.

Inayos ko na rin ang uniform ko. Unlike sa uniform namin na medyo maikli lang ang skirt and naka black jacket kami with a white polo inside plus heels, ang uniform sa Armona ay blue skirt na hanggang tuhod na parang jumper and then sa ilalim is white na polo na sinapawan ng brown na sleeveless sweater. Hindi strict ang school kaya some students wear rubber shoes or black shoes. As for me, I wear a pair of simple doll shoes. Pero personally I really prefer my boots pero hindi pwede, poor ako poor.

Aalis na sana ako nang biglang bumukas yong isang cubicle at may babaeng dahan dahang naglakad palabas na nakalugay ang basa at mataas niyang buhok almost covering her face, nakayuko rin siya, nakauniform. Nagkalat rin yong eyeliner sa mata niya na naaninag ko. Napahawak ako sa dibdib ko. May pagkadim rin ang lights ng C.R. nila. Creepy. Huhuhuhu. Napaatras pa ako sa hugasan ng kamay. Is this trueee? Para akong maiihi ayaw kumilos ng mga paa ko. Napatigil ang babae sa harapan ko at lumingon sa akin, gulat na makita ako. Nakikita ko ang lungkot sa mata niya.


Atras pa ako ng atras sa kinatatayuan ko kahit wala ng maatrasan pero napatigil ako ng magsalita siya.

"Why do you look so scared?" Naguguluhan at sa mahinang boses

"Waaah-huh?" Napatigil naman ako.
Nakita kong medyo lumingon siya sa salamin at napangiti at tumango tango.

"I see. Sorry."

Lumapit siya sa salamin at nanghilamos siya habang ako nakanganga at pinoprosesa ang sitwasyon. At ng makarecover ako, sinusuklay na niya ang buhok niya gamit ang daliri. Wala na yong eyeliner sa mata niya.

Nakita kong basa rin ang uniform niya. I wonder what happened.

"May tshirt ka ba? I think kaylangan mong magbihis. Heto, towel ko pwede mong gamitin para punasan ang mukha mo. May suklay rin ako at polbo."

Nakatingin lang siya sa salamin. Hindi parin nawala ang kaba sa dibdib ko.
Nilingon lang niya ako at bumuntong hininga.

"Salamat." Tinanggap niya ang towel at nagpunas, nagsuklay rin siya at nagpolbo.

" T-Teka, hindi ka ba magbibihis like a tshirt perhaps?"

" Wala akong dala ngayon. Ok lang, matutuyo rin to." Sinauli niya ang suklay at polbo at umalis leaving me alone.

I think kailangan ko na ring umalis para hanapin yong room ko. Magtatanong nalang ako para mas madali. Yong babae! Agad-agad akong lumabas sa C.R. para sana habulin ang babae pero ang dali niyang nawala. Bilis naman nun.

Nilapitan ko na lang yung lalaking nakaupo sa bench at nagtanong.

"Ah, LGU building ba. Eto na yun. Pero ang III-F section ay nasa third floor. Hanapin mo nalang doon."

"Salamat po." Napaangat ako ng tingin sa building. 4 floors siya and I think kailangan ko ng magsimulang umakyat. Para akong malula sa hagdan pero KAYA YAN!

..20..
..39..
..56..
..99...110..120 steps. Huhuhu. Napahawak pa ako sa hawakan sa hagdan. Finally nasa third floor na ako. Hinahabol ko pa ang hininga ko. Kaya pa!

Ng okay na ako ay nagpatuloy na ako sa paghanap sa room.

Room III-D
Napatingin pa ako sa estudyante doon at ang iingay nila may ilan pa na nag babatuhan ng papel. Walang teacher.

Lakad lakad at finally!

Room III-F

Hindi kalayuan ang ingay mga estudyante sa room dito sa nauna at finally nasa pintuan na ako!

Nawala yung ngiti ko ng makita kung gaano kagulo sa room nato. May ilan rin na nagbabatuhan ng notebook, may ilan rin na nagvavandall sa dingding, may iba na natutulog, may iba na naglalaro sa selpon, may iba na nagsusuntukan, may ilan na nag aayos ng buhok pero ang pamilyar na nakakuha ng atensiyon ay yong tatlong babaeng may color coding na pink, violet and orange. I forgot their names. Nasa gitna sila at kumakain ng isang box ng pizza. Tig iisang pizza both left and right hands. Habang ngumunguya ay nagsipagtawanan.

Delikado ako nito. Bakit kailangang maging kaklase ko pa sila? 3rd year rin pala sila? This is baaaad. Sana sana di nila ako makilala. Tahimik akong nagpatuloy sa paglalakad at dumaan sa back door ng room. Nahagilap ng mga mata ko ang babae sa C.R. kanina. Waaah! Buti may nakilala akong kaklase ko rin!. Huhuhuh. Nakayuko siya habang may ginuguhit sa notebook niya. Nilapitan ko siya at ng maramdaman niya ako ay dali dali niyang tiniklop ang notebook.

"Hi! Magkaklase pala tayo!" Ngiting sabi ko.

Kinunotan lang niya ako ng kilay atsaka tumingin sa harap kaya napatingin rin ako sa kung saan siya nakatingin.

Krungkrung. Bakit sila nakatingin samin? Lahat sila ay parang nakafreeze at nakatingin sa amin. Ang awkward. Huhuhu.

"H-hi! I'm Ava. Your new classmate." Ngumiti pa ako ng pilit. Hindi naman nila ako pinansin at nagkanya kanyang nagpatuloy sa ginagawa nila.

But I heard some were whispering.

"Another wirdo."
"That only means mas masayang klase. Hahahahah. Another clown."

What are they saying? Para akong kinabahan. Tama ba tong pinasok ko? Ah basta! I am Pen, I shall finish what I started!

Binaling ko ang tingin sa babae kanina.

"San pwede maupo?"

Tinuro niya yung sirang arm chair na nasa isang sulok. Kinuha ko iyon at itinabi sa kanya. Siya ang nasa last row at wala siyang ibang katabi sa linyang yon pero meron na ngayon. Ako!

Ngiti ngiti pa ako sa kanya.

"I'm Ava. Ikaw?"

Tiningnan niya lang ako with a blank and uninterested face.

"Margot." Ikli naman ng sagot. Tsaka niya pinatong ang ulo niya sa mga kamay nakapatong sa arm rest.

"Transfer student ako. Pwede ba kitang maging kaibigan?"

Napaangat siya ng tingin. Tiningnan lang ako at bumalik sa ganoong posisyon. I think she's taking a nap.

Snob naman niya. Sad. I let her be baka pagod lang talaga.

I'm so excited to meet Laire! I even asked dad with his connections to put me in the section same as her. Ayaw sana niyang pumayag kaya binigyan niya ako ng kondisyon.

1. If he hears anything or negative report na pagtrato sa akin, balik Pennington ako.

2. I should maintain my grades at kung may grades ako below 85 sa anong subjects, uwi ako. Pero I know kaya ko yon. Going back sa Pennington before, I used to have 95% as an average. My lowest grade was 89. Strict kasi nung isang teacher at nagkaline of 8 ako.

Tumunog yung bell. I mean d pala siya bell. May lalaki sa labas na nagpukpok sa malaking metal gamit ang bato. Cool. Sa amin is alarm sa Pennington. It's already 7:30. Minutes after, may dumating na rin na teacher.

She's cute and has fair skin. I think early 20's, fresh grad, maybe.

May napasipol sa mga lalaki at patuloy na nag ingay parin sila.

May sinasabi ang teacher but hindi siya marinig. Napatihimik lang ang lahat sa malakas na pagsarado ng pinto. And there, the girl with a black aura with her piercing eyes looking at everyone. Laire.

Biglang nag iba ang ihip ng hangin. Nagsipagbalikan ang lahat sa kanya kanyang seat at inayos ang mga upuan. May ilan rin na namulot ng basura at ang iba ay kumuha ng walis. Ang power puff girls ay dali daling inubos ang pizza nila at sinalibay ang lalagyan.

"Good morning, miss." Sabi ni Laire

"G-good morning"

Dahan dahan siyang naglakad sa mabibigat niyang hakbang papunta sa gawi ko. Oh my! Ayiiieeee. She's coming.

"Hey!"

"Ay sorry!" D ko namalayang hinampas hampas ko na ang katabi ko. Kinilig akoo. Pero no, hindi ako tomboy no.

Akala ko lalapitan niya ako pero she stopped in front of me and sit down. Nakaupo pala siya sa harapan ko!

Kinalabit ko siya.

"Oh?" With matching salubong na kilay.

"Hi! I'm Ava! You're Laire, right?"

"Oh?" She looked confused. Stupid me. I should have asked her name! She might think I'm weird.

"I heard from our classmates about your name. I'm a transfer student. Can you be my friend?" ako na defensive!

Ngumisi lang siya at tinalikuran ako. Choco marshmallows. Bakit hilig nilang tumalikod habang may kumakausap sa kanila?

Kinilabit ko ulit siya. Nilingon niya naman ako.

"Ano?" Irita niyang tanong.

" You see, I'm new here. Can you please help me get familiar with the place?"

Brilliant idea! Mwehehehe. By that, I can get closer to her. Lumingon siya sa katabi kong nakatalukbong parin.

"Pwede kang itour ni Margot after class. Yan, kung okay lang sa'yo."

Nanglumo ako. Of course not! Bat mo naman ako ipapasa?

"Ahh.."napaisip ako ng isasagot.

"Okay lang sa'kin." Margot answered na nakatalukbong parin.

Hindi pala ako ang tinanong? Buti hindi ko sinagot. Hindi ba niya ako tatanungin?

Huhuhuhu. Tiningnan lang ako ni Laire at balik sa harapan ang tingin.

Kinalabit ko ulit siya.

"Ano na naman?" Galit niyang tugon. Napatingin pa ang ilan na nakarinig. Grabe naman.

Lumapit ako ng konti sa kanya at bumulong.

"You haven't answered my first question yet."

Napaisip naman siya at hindi pa rin nawala ang salubong niyang kilay at nung magets niya yung sinabi ko, ngumisi siya.

This is it! Yuhooo!

"No." Sabay talikod niya ulit.

Huuuuh? Bakit ayaw? Kakalabitin ko sana siya ulit nang pigilan ako ni Margot at iniling ilingan ako. Psssh.

Napasandal nalang ako sa upuan at muntikan pa akong matumba kasi sira yung sandalan. Hay naku. Napaayos ako ng upo at humahalukipkip na nakatingin kay Laire.

When everyone settles, nagsalita si Laire.

"Pwede ka nang magsimula, miss."

"O-oh. Thank you." Napaayos pa siya ng tayo. "Hi, everyone. I am Mavel Marie Velez, your advisor for this year. I'll be teaching Mathematics."

Nagreklamo ang ibang estudyante.

"Ano ba'yan. First subject sa morning Math agad?"

"Kaloka, madudugyot tayo ng ke aga aga eh."

"Sinabi mo pa. My poor brain cells"

Reklamo ng power puff girls.

" I understand your reactions. Ganyan rin ako before when we had Mathematics as our first subject and to think 7:00 A.M ang klase namin. No worries, hindi ko kayo pahihirapan, with the best of my knowledge I'll impart it to you in the simplest way I can do." Miss Mavel proceeded

"Simple daw. May simple ba sa Math. Complicated lahat eh!" Sabi nung isang lalaki.

Nagreact naman lahat at umingay ulit.

Laire clears her throat.

"Sorry, miss Pres." Sabi nung lalaki.

Whutt? President siya dito? Kaya pala ang lakas makautos kay Margot tapos grabe matakot sa kanya mga kaklase namin. Pero sa Pennington hindi naman ganyan trato namin sa class president namin. Lagi ngang sumasakit ulo non. Para namang militar to si Laire. Cool.

" Bakit ka nakangisi diyan mag-isa?" tanong ni Margot.

"Huh. Ah, nothing."

" Sorry at ngayon lang ako nakareport. I was sick the past days. Kaya for now, introduce yourself lang ang activity natin." Sabi ni teacher.

Narinig kong bumuntong hininga si Margot.

"To make it more exciting and mas mapadali ang pagkilala ninyo sa isa't-isa, you'll introduce yourselves by pair. Your partner will introduce you and you will introduce your partner. Your seatmates will be your partner. You'll impart to us your names, age, motto, your parent's name and occupation and your dream carreer."

Huh? Bakit kelangan may parent's name and occupation pa? Kelangan pa yun?

"Miss! Tatlo kami, okay lang? Total may isa naman kasing excess. 31 kami lahat included yong baguhan." Sabi nung pink girl.

Laire raised her right hand.

"I prefer not to have a partner. I can introduce myself. Lielaine, you'll work with Shaine." Sabay turo niya sa katabi niya.

"Sumimangot naman si Lielaine. Tama! Lielaine yon. Yong dalawa nalang ang di ko maalala.

"Yes, Miss Pres." Simangot niya at sabay iyak iyak pa sa friends niya. Hahaha. Ang cute tingnan/ Hindi naman sila magkakahiwalay forever.

"Okay! Then it is fixed, you may start now. I'll give you 10 minutes to introduce yourself sa partner ninyo."

Tumalima ang lahat at lumingon ako kay Margot na nakayukong nakatingin sa kamay niya.

Weird talaga ng isang to.

" Hi, Margot. Ano complete name mo?" ngiting tanong ko.

Hindi niya ako pinansin. Kumuha lang siya ng papel at nagsimulang magsulat. I see. So she'll write her infos.

"Okay, I'll do the same." Kumuha ako ng papel. Mas maging madali to. At least makapag isip ako sa gagawin kong identity ko. This will be tough. Pero sinimulan mo yan, Pen! Tapusin ang nasimulan! Aja! Cheer to myself. 


......................................

Aloha! How's everything ay How's chapter 4 pala? HAHAHA

Please vote and don't forget to leave your comments! Thank you.

Keep safe. :)

In  Search Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon