NOTE:
Some of you already read this story when I published it last 2021 so I just want to tell you that this work of mine was revised, I changed the characters name and I edited some parts. The plot? Hindi ko babaguhin. Thankiee!CHAPTER 1
It's 11:30 in the morning and it means it's already our lunch time. Naglalakad kami ng mga kaibigan ko papuntang canteen para sana kumain nang may nakita kaming nagsasagutan. Kumunot ang noo ko nang makita ko sila. Si Shaine at Kim yata ang mga 'yon.
Tumigil ang dalawang kaibigan ko para tingnan ito kaya wala akong choice kundi tumigil din. Nang tingnan ko, sina Shaine at Kim nga.
"Hala, tingnan niyo sila." pabulong na sabi ni Mia habang pinapanood ang dalawang babaeng nagsasagutan habang vini-videohan naman ng mga ibang employees.
Tumaas ang kilay ko dahil dito dahil imbes na awatin nila ang nag-aaway, vini-videohan pa ito at pinagtatawanan. Grabe talaga ang mga tao ngayon.
"Ang tagal naman!" rinig kong sigaw ng isa sa mga nanonood. Kumunot ang noo ko dahil dito.
"Anong matagal? Magsasabunutan na ang mga 'yan! " May pagkalakas na sabi naman ng isang babae. I know her. She's Kristel.
Tiningnan ko si Mia at Jasmine na ngayon ay seryosong nakatingin din kay Kristel. Napailing iling nalang ako.
Maya maya pa ay nagkantyawan na ang mga ibang employees dahil sa pagsampal ni Kim kay Shaine na ngayon ay nakahawak sa pisngi niya dahilan para mapasinghap ako. Kita rin ang gulat sa mukha ng mga kaibigan ko dahil sa nangyari. Sino bang hindi?
"Holy crap." mahinang usal ni Mia sa nakita.
"Nasa loob ang kulo mo malandi ka! Ano? Kunwari ang tahimik mo pero nilalandi mo pala ang boyfriend ko? Isa kang higad, malandi!" malakas na sigaw ni Kim kay Shaine. Nagsigawan naman ang mga ibang empleyadong nakarinig.
"Woaaaaaaa!"
"Sabunot na 'yan!"
"Nasa loob ang kuloooo!"
"Yuhoooooooo"
Umiling iling lang si Shaine habang tumutulo ang luha sa mga mata niya.
Naninikip ang dibdib ko dahil sa nasasaksihan. Wala silang karapatang husgahan si Shaine nang hindi alam ang totoong nangyari. They didn't know anything, they just know how to judge easily.
My fist clenched and gritted my teeth because of it. May humawak sa kamay ko kaya napatingin ako rito.
Umiling si Jasmine sa'kin na parang pinapahiwatig na hindi ko ituloy ang nasa isip ko.
Mapait ko siyang nginitian at tumingin ulit kina Shaine at Kim na ngayon ay nagsisigawan na. Natigilan ako nang sinampal nanaman ulit ni Kim si Shaine ng dalawang beses.
Napasinghap ako . Hindi ko na kaya!
Tangina!
"Sweetenia!" someone shouted my name at my back. Hindi ko sila liningon, binilisan ko ang lakad ko papunta kay Shaine na ngayon ay napaupo sa sahig dahil sa natamong sampal.
"Hoy! H'wag kang umepal diyan!" sigaw ng isang lalaki, mukhang 'yong trainee sa kabilang kompanya. Oh boy.
"Pabida ka! Umalis ka diyan!
"Hoy, Sweetenia!"
"Sweet, comeback here!" sigaw ni Jasmine sa'kin ngunit nagtuloy tuloy lang ako kung saan napaupo si Shaine. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang hinila patayo.
Rinig ko ang sigawan at reklamo ng mga ibang employees dahil sa ginawa ko.
"Are you okay?" tanong ko rito. Tumango lamang siya habang humihikbi parin. Tiningnan ko si Kim pero tinaasan lang niya ako ng kilay...Kilay niyang drawing.
BINABASA MO ANG
The Possessive Idol
RomansaShe just accidentally heard a song but who would thought that because of that music, it will be the start to finally find her lifetime partner. "He's the idol who stole my heart." she stated.