"You're the crime I want to commit... kahit buhay ko pa ang kapalit."
-
JAYDEN DAWN'S POV
"Putangina!" napaigtad ako sa sigaw ni Jamie mula sa likod ng sasakyan ko.
Kunot-noo ko siyang binalingan. "Ano ba?! May mga batang tulog!" saway ko dahil naroroon ang anak niya at pati anak ni Jaxine.
"Ang bilis makarating nila Jiyuri sa tuktok! Naroon na sila!" gulat na gulat na sambit ni Jamie.
"Oo na, Jamie! Huwag kang sumigaw at baka magising sina Thewixane at Dimarci! Ano ka ba?!" saway ni Jaxine.
Binalingan ko siya. "Parehas lang kayong maingay! Ano ba?!"
"Isa ka pa, eh!" turo ni Jamie sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako at nagfocus sa pagdadrive. Hindi ko lubusang maisip na may mga anak at asawa na sila, pero heto at nagbabangayan pa rin!
Babalik kami sa bundok kung saan kitang kita 'yong city lights. Plano ito ni Jaxine, magkaroon daw ng picnic doon. Sakto at madilim na rin, maganda at kitang kita ang city lights doon.
Tsss... sinama pa ako, ako na nga lang single sa amin! Napabuntong hininga ako at hininto ang kotse. "We're here."
Agad na ginising ni Jamie ang dalawang bata. Napatitig ako sa mga pamangkin ko. Si Thewixane ang pinakamadaldal at makulit sa kanila, pero bata pa lang ugaling negosyante na. Si Dimarci, siya 'yong tipong chill lang at go with the flow na sarkastiko.
Naglakad kami kung saan ang pwesto namin at nakita roon sila Jiyuri, Martin at Dionysus. 'Ayun si Dionysus, siya ang pinakaseryoso sa kanilang lahat. Kaugaling kaugali ni Jiyuri pero malamig ang pakikitungo. Hindi naman sa malamig, pero napakatipid niyang magsalita.
Malaki ang banig na nakalatag, saktong sakto kaming lahat doon. Pumunta kami ro'n at nilapag din ang dala namin.
"Say hi to them, Dionysus," sabi ni Martin kay Dionysus.
Dionysus looked up to us and waved his hand. "Hi," he said, not even smiling. Napailing ako dahil nakuha niya nga talaga ang lahi ni Jiyuri. Lakas ng genes!
Nagsama-sama ang tatlo. Sila Thewixane, Dimarci at Dionysus. Nag-uusap sila na para bang matatanda at nagkumpol pa! Napailing ako at sumulyap sa mga asawa-asawa ng aking kapatid at pinsan. Ganoon din! Halos masapo ko ang noo. Like father, like son! Goodness!
"Sabi ko sa inyo, babalik tayo rito nang masaya eh," parang maginhawang sambit ni Jaxine.
Napangiwi ako. "Nice, single ako rito."
Napahalakhak si Jiyuri at inakbayan ako. "Ba't kasi ayaw mo pag magboyfriend? O kung ayaw mo, mag-asawa ka na agad!"
Jamie scoffed. "Takot nga sa commitment, ano ka ba?" Pang-aasar niya sa akin.
Napairap ako. "Letse kayo!"
Kahit na wala pa akong sabit, masaya ako para sa kanila. Iba't ibang hirap at sakit ang pinagdaanan naming lahat. Worth it lahat 'yon dahil naging masaya sila.
"Alam mo, Jayden, you're not getting any younger. May tatlong pamangkin ka na, baka kami, gusto mong bigyan?" nakangiwing sambit ni Jaxine sa akin.
"Hesh!" saway ni Jiyuri sa kaniya at malokong ngumiti sa akin. "Gusto mo bang bigyan kita, mi hermana?"
Tumaas ang kilay ko. "Sino naman?"
Umangat ang sulok ng labi niya at ngumuso sa likod ko. "'Yong nasa likod mo."
Napalingon ako at nalaglag ang aking panga sa nakita. Ang napakagwapong lalaki na nakita ko. Maayos siyang nakadamit ngayon. Naka-polo at pantalon, ibang iba sa kaniyang mga damit noon na puro itim. Ang kislap ng hikaw niya ay mas lalong nakakapagpaangat ng kaniyang appeal at ang anino ng kaniyang ngiti, 'yon ang mas kapansin-pansin.
Tumayo ako para harapin siya. Nakamot niya ang batok sa hiya at inilahad sa akin ang bulaklak.
"For you..," malalim ang boses niyang sambit, halatang kinakabahan, nanginginig pa nang kaunti!
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tinanggap 'yon. "Thank you, Doz."
Dinilaan niya ang nanunuyong labi saka tumango. "Welcome..."
"Ayiieeeee!" tili ni Jamie sa sarkastikong paraan. "Tara na rito, mga tanga! Gutom na ang mga bata!"
Nakagat ko ang labi ko at napailing na lamang saka nahihiyang tumingin kay Doz. "Tara?"
Bahagyang umangat ang gilid ng labi niya at nilahad niya ang kaniyang kamay. "Hm."
"U-Uh," umusbong ang kaba ko sa dibdib. "Anong gagawin ko dyan?"
"Hahawakan?" walang kwentang sagot niya sa akin.
Napangiwi ako. "Walang kwenta ang sagot mo."
"Walang kwenta rin naman kasi ang tanong mo," pasinghal na sagot ni Doz. "Kapag binigay ko sa 'yo ang kamay ko, huwag mo na akong pakawalan. Higpitan mo ang kapit at huwag mo na akong bitawan. Kuha mo, Santiago?" seryosong sambit niya, walang pagbibiro sa mukha.
Napalunok ako at napatitig lang sa kaniya. Naestatwa ako sa kinatatayuan at nanatili lamang ang paningin ko sa kaniya. Ang lalaking 'to... masyadong kakaiba!
Napabuntong hininga si Doz at siya na mismo ang kumuha ng kamay ko. "Tara na."
Hindi na ako sumagot at nagpahila sa kaniya. Wala akong ibang naisip kundi ang aking puso na sobrang lakas sa pagpintig at ang mga paru-paro sa tiyan ko. Hindi ko maintindihan pero ang saya ng ganitong pakiramdam. Bagong pakiramdam na napakasarap.
Ano 'tong nararamdaman ko para sa 'yo, Dozen Mendrez?
To be continued . . .
Para 'to sa pinsan kong kinukulit ako na magkaistorya si Jayden! Haha, gotchu.
-Gemstone
YOU ARE READING
The Committed Crime [JDDS SERIES #4] [ON-HOLD]
RomanceShe is the loving sister of the darkest moon star and a good cousin. The protective and willing to sacrifice for her loved ones. She is back now and happy with her family despite of everything that happened to her. Then there's this guy named Dozen...