Chapter 26

3 0 0
                                    

"Ingat kayo. Text me later okay?" paalala ko sa kanya.

He smiled and stared at me. Itinaas niya ang kamay para paglaruan ang dulo ng buhok ko at inikot ikot iyon. Ngumiti ako nang marining ang mahinang asaran ng mga kabanda niya sa likod ng van.

"Hmm, take care."

They have their gig tonight, sa bar pa din nila Dylan. Inihatid lang nila ako ngayon galing sa bahay ni Zach para manuod ng practice nila. Sadly, I can't watch them tonight, mayroong party sa company mamaya and my parents want me to come.

Binuksan ko ng kaunti ang pinto sa sasakyan para bumaba pero mabilis niya akong nahila palapit sa kanya. He wrapped his arms around me and rested his head on my right shoulder. Namula ako nang muling marinig ang mga hiyawan nila sa likod.

I heard him chuckled and slightly shook his head.

"Don't wear something so showy tonight, hmm?" he whispered on my ear.

Gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko iyon. Kumalas ako sa yakap niya ng may pumasok na naman sa isip ko na kalokohan.

"And if I did?" hamon ko.

His brows instantly shot up and tilted his head, assessing me. Maya maya pa'y pumaskil ang ngisi niya sa labi. Napakurap ako dahil alam kong mas may naisip pa siyang kalokohan kaysa sa naisip ko.

I glared at him but he just chuckled. Saglit siyang sumulyap sa likod kung nasaan ang mga kaibigan niya at nang makitang nakatingin din ang mga ito sa amin ay mas lalong lumawak ang ngisi niya. Damn you, Fuentes! You just won't back out.

He clicked his tongue and licked his lips. "Should I cancel the gig for tonight then and go with you?" he countered.

Umawang ang labi ko sa sinabi niya at ng makabawi ay hinampas ko siya sa braso. I heard the guys on the back groaned and teased how whipped he is on me.

"Sige na! Baka kanina pa kayo inaantay ni Austin," sabi ko.

He nodded his head at me and kissed me on my forehead.

"Text me later too," he said.

Ngumiti nalang ako at bumaba ng sasakyan. Hindi ko na hinintay na makaalis pa sila bago pumasok sa loob.

Pagkapasok ko sa sala ay naabutan ko doon si Mommy na may kausap na dalawang babae. Nakamake up na siya ngayon. Nang mag angat ang tingin niya ay nakita niya ako.

"Ganda, you're here."

Saglit siyang nagpaalam sa kausap at naglakad palapit sa akin.

"Halika, sila ang mag aayos sayo."

Kunot noo akong humarap kay Mommy. "P-Po?" I can fix myself alone."

Hindi na ako nakaangal pa ng huminto kami sa tapat ng dalawang babeng kausap niya kanina.

"Is she your daughter? She look so beautiful," sabi noong isang babeng nakabun ang buhok.

My mother chuckled and nodded her head. "Yes, introduce yourself ganda."

Nahihiya akong tumingin sa kanila at ngumiti. "Ayana po," maikli kong sabi.

They laughed together. "She's so cute. Anyway, we're going to be your make up artist for today."

I glanced on my mother. She nodded at me.

"Sige na, dun na sa kwarto mo."

Hinayaan ko silang nakasunod sa akin hanggang sa kwarto. Naligo muna ako saglit bago nila ako inayusan. They made my hair into a messy bun, some strand of my hair on the side.

Our Timeless LoveWhere stories live. Discover now