Chapter 3

157 16 0
                                    

Jara's POV

It's already morning, so I finish all my morning rituals habang tulog pa ang dalawa. Si Xenon naman ay kakatapos lang gamitin ang banyo. Kaya pumasok na ako after niyang gamitin ang banyo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis sa loob ng banyo ay lumabas naman ako kaya sumunod naman si Kleinon na kakagising pa lang. I don't know kung ako lang pero I can feel the awkwardness inside this room. Seguro ay dahil may babae silang kasama.

"Let's go first?" Biglang pag-yaya ni Xenon. Kaya napatingin ako sa kanya ng may pagtataka. Pero tumango rin kalaunan. Nagtataka lang kasi ako dahil ngayon ko lang ata siya narinig na magsalita.

Sa kalagitnaan ng aming tahimik na pagkain ng almusal ay dumating sina Kleinon at Xyrus. Nakasimangot namang umupo ang dalawa kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"Bakit hindi niyo kami hinintay?" Asar na tanong ni Kleinon. Pero sabay lang kaming nagkibit-balikat ni Xenon at ibinalik ang atensyon sa pagkain. Umalis naman ang dalawa para mag order.

Pagbalik ng dalawa ay kasama na nila ang tatlong lalaki na nakilala namin kagabi. Yung mga kapatid ni Kleinon at si Kendo.

"Hi Jara! Yo Xenon! Pwede maki share ng table?" Napairap naman ako sa kawalan dahil kay Kleion. Nagtanong pa siya kung nakaupo na siya. Mas nauna pa nga siyang umupo bago magtanong. Tsk!

"Handa na ba kayo sa leveling?" Biglang tanong ni Kleinton. Ngayon ko lang ata siya narinig na magsalita.

"Aba! Syempre naman no! Kami pa ba?" Masiglang sagot ni Xyrus.

*Attention to all representatives from different regions. The leveling is about to start at exactly 9:00 o'clock. Make sure that before we start, all representatives must be here in the arena.*

*I repeat.... The leveling is about to start at exactly 9:00 o'clock. Make sure that before we start, all representatives must be here in the arena.*

Sabay kaming nagkatinginan kaya dali-dali namang inubos ng dalawa ang kanilang pagkain. Ng matapos ay sabay na kaming pito na nagtungo sa arena. Marami na ang naunang dumating para manuod pagdating namin. Ayos lang kayang manuod ang mga estudyante? Wala ba silang pasok?

"Alam niyo bang nagbunyi ang lahat dahil walang pasok ngayon dahil sa leveling?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Kleion pala.

"Why?" Tanong ko. Gulat naman siyang napatingin sa akin. Na para bang may ginawa akong nakakagulat.

"Nagsasalita ka!" Di makapaniwalang sambit niya. Napairap naman ako sa kawalan.

"Natural, may bibig siya eh." Sarkastikong saad ni Kleinon. Habang nagtatalo ang dalawa ay kinulbit ko naman si Kendo para humingi ng kasagutan sa tanong ko kanina. Nabasa niya naman ata ang nasa isip ko.

"Nakagawian na." Sagot niya na ikinatango ko. Napansin ko namang gulat na napatingin kay Kendo sina Kleion at lalo na si Kleinton na ngayon ko lang nakita ang ganyang gulat na reaksyon.

"D-did you just speak?" Ani Kleion. Bumalik naman sa cold ang aura niya. Kung hindi ko lang nalaman na mula siya sa Lithia region ay baka napagkamalan ko pa siyang mula sa region ng Acean.

Naagaw ang atensyon namin ng may apat na babaeng lumapit sa amin. Base sa kanilang presensya at ang pagtabi ng mga estudyante palayo sa kanila ay hindi sila basta-bastang estudyante dito.

"Welcome representatives. I see you have a brother in this new group, Feiro brothers." Saad ng nangunguna sa kanila.

"Mas lalo ko ng hindi mapi-pinpoint who's who sa kanilang tatlo. Ang hirap namang malaman kung nasaan si Kleinton sa inyo." Pagmamaktol ng babaeng nasa gilid ng babaeng naunang magsalita. Napatingin naman ang nangungunang babae sa gawi ko saka ngumiti. Ngiting peke.

"Oh hi! I'm Allena and I am not please to meet you. Especially knowing that your from Horos." I like her frankness. And I am sure that we're not going to get along well with each other. But that doesn't mean that I will let her bully me. No one can do that. So I release some dark aura of mine and use my coldest voice to scare her.

"Jara. And the feeling is mutual." I saw how her expression change but force herself to put her fierce facade infront of us.

"S-so good luck guys. I hope we'll see each other on the same group. Especially you, Jara. Let's see each other in Superior Class." Tumalikod na ito at umalis kasama ang tatlong babae. Kaya itinago ko na ang itim kong aura. Mula pala sila sa ikalawa sa pinakamalakas na section ng academy. Ang Superior.

"That was..... tense." React ni Kleinon.

"I just realized na ang galitin ka is not a good idea." Ani Xyrus saka umaktong kinikilabotan. Tss.

"I did not expect you to have that strong aura hidden by you." Komento ni Xenon. Tumango naman ang ilan sa kanila at tumingin sa akin na parang nanghihingi ng kasagutan. Pero nagkibit balikat lang ako. Mabuti nalang at may nagsalita na sa entablado kung saan nakaupo ang mga faculties ng academy.

"Good morning students! The time has arrived for us to watch again a new sets of representatives to undergo the leveling phase in order to know the section they will belong to. Ready students?! Let's call now the four new representatives here inside the arena field. From Manipular, Acean, Horos and Valir region!" Nagsigawan naman ang mga estudyante dahilan na halos takpan ko na ang aking tainga. Ang ingay! Tsk!

Ng makarating na kami sa gitna, bigla nalang may barrier sa loob ng arena. Akala ko ay magsisimula na ang leveling pero nagsalita pa ang facilitator ng leveling. Giving directions and rules.

"Simple lang naman ang gagawin niyo. Pagdating nyo sa lugar na pagdadausan ng leveling, kailangan niyong hanapin ang hugis parisukat na krystal na ang kulay ay brown. Bawat krystal ay may nakaatas na pagsubok o tagapagbantay na kailangang talunin. Kapag nakuha niyo na, magbibigay ito ng mapa kung saan ang lokasyon ng susunod na krystal which is ang kulay gray. Bawat kulay ng krystal ay magre-represent sa rank ng section na maaari niyong mapapabilangan. Ang brown ay sa Beginner. Gray ay sa Higher, Green ay sa Inferior, Red ay sa Superior at Black para sa Eligere (Elite). Mapupunta kayo sa lugar na diverse sa kapangyarihan niyo. Ibig-sabihin, hindi kayo magkakasama sa isang lugar. Medyo unfair yon maliban sa representative ng Horos dahil maaari nilang makontrol ang kahit anong nasa paligid nila. Kaya katulad ng nakagawian kapag may mula sa Horos na representative, kakaibang pagsubok ang kakaharapin niya. At siya na ang bahalang tumuklas non. So, let's start!" Pagkatapos niyang magbigay ng direksyon ay may pumalibot na usok sa aming apat, kaya napapikit nalang ako. Pagmulat ko ng mata ay nasa ibang lugar na ako.

*Sigh*

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kaya agad na akong naglakad papunta sa hindi ko alam kung saan.

Third Person's POV

Pagkatapos maiteleport ang apat na estudyante sa ibat-ibang lugar ay lumabas ang isang hologram na kung saan ay makikita ang pangyayaring nagaganap sa bawat kalahok.

Si Kleinon ay napunta sa lugar na lahat ng nakapalibot sa kanya ay tubig. Pasalamat nalang siya dahil malaya siyang makakahinga sa ilalim ng dagat, dahil kung hindi ay baka mawawalan na siya ng pag-asa na makakuha ng krystal na magsisimbulo ng kanyang kabibilangang section. Si Xyrus naman ay napunta sa lugar na puro lupa ang makikita. Ibig sabihin, nasa kinailalimang bahagi siya ng lupa.

Sa kabilang banda, parang ang unfair tingnan na si Jara ay napunta sa lugar na malaya niyang magagamit ang kanyang kapangyarihan, ang gubat. Hindi katulad ng mga napuntahan ng mga kasamahan niya na napunta sa lugar na kahinaan ng kanilang mga kapangyarihan, dahil hindi nila basta-bastang magamit ang kanilang kakayahan. Katulad nalang sa nangyari kay Xenon na napunta sa lugar na purong apoy ang makikita. Mabuti nalang at hindi siya gaanong naiinitan.

The Tale Of The First Legend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon