Chapter 14

76 11 0
                                    

Third Person's POV

Kakagising palang ni Jara ng may kumatok sa pinto ng kanyang silid. Walang gana siyang tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad naman sa kanya ang kanyang nobyo na nakabihis na.

"Morning." Bati nito. Napansin niyang hindi maganda ang gising ng dalaga.

"Morning din. Ang aga mo." Komento ng dalaga.
"May pupuntahan tayo bago tayo pumunta sa arena. Kaya you should get yourself ready." Tumango naman ang dalaga bago ginawa ang rutina sa umaga.

Pagkatapos ng laban niya kahapon kay Dark ay minadali niya ang pagtalo kay Kleion. Good thing ay marami siyang natirang oras kahapon para magpahinga.

Magkahawak kamay na naglakad ang dalawa patungo sa isang portal na ginawa ni Kendo gamit ang kanyang kapangyarihan. Dinala ni Kendo si Jara sa isang enchanted paradise na ang tanging nakakaalam lang ay ang pamilya ni Kendo. Located ang lugar sa region ng Lithia, kaya gumamit si Kendo ng portal.

"It's beautiful. I wish to live in a place like this." Ani ng dalaga. Nawala ang pagka bad mood niya dahil sa nakita. Yumakap naman sa kanyang likuran si Kendo

"I'll see what I can do then." Ngiting saad ng lalaki. Nag umagahan ang dalawa at sinulit ang oras para sa isa't isa. Ilang oras ang lumipas ay bumalik na sila sa Akademya.

Jara's POV

Sinadya ko talagang talunin ang mga naunang kalaban na sina Kleinon at Xenon sa madaling paraan. Habang tinutukan ko naman sa laban si Meilton. Sinadya kong magtagal ang laban naming dalawa para makita ko kung karapat-dapat ba siya sa pwesto na ibibigay ko sa kanya o hindi.

Seryoso naman siyang nakipaglaban sa akin. Kahit may nakaraan kami, maayos naman ang naging hiwalayan namin kaya naman ng magkita kami ulit ay para nalang mga estranghero.

Kaharap ko ngayon si Kendo sa loob ng arena. Nakisabay sa tensyon ang napakatahimik na manunuod. Wari ba'y nag-aabang sila kung ano ang mangyayari sa magiging laban naming dalawa. Napag-usapan na naming, we will not hold back in this fight. We will give a good fight to everyone. Ngunit nawala ng parang bula ang tensiyon ng may magsalita. Ang Headmaster.

"Napagdesisyunan ng mga Faculty na sa Field gaganapin ang labanang ito. We have this feeling na marami ang masisira pagkatapos ng laban." Hindi na namin hinintay ang mga susunod pang sasabihin ni Headmaster dahil sabay kaming nagteleport ni Kendo sa field gamit ang kanya-kanyang kapangyarihan.

In just a split second ay pinagcombine naming dalawa ang aming kapangyarihan para makagawa ng isang malaking barrier para protektahan ang mga estudyanteng tumatakbo na ngayon malapit sa pwesto namin.

Wala na kaming sinayang na oras at sabay na sinugod ang isa't isa. Nagbitiw siya ng malakas na suntok sa tiyan ko gamit ang kamay na nababalot ng kidlat. Mabuti nalang at nasalag ko ito at pinalitaw ang mga damo gamit ang hangin. At pinatulis ko ang bawat dahon ng damo at pinatama sa kanya.

Mabilis naman siyang nagteleport sa likuran ko at binigyan ako ng malakas na sipa pero nakatalon ako ng mataas at nagpalabas ng mga ugat para igapos ang kanyang mga paa pero pinatamaan niya lang ito ng kidlat kaya agad ring nasunog.

Pinalabas ko ang katanang gawa mismo sa kapangyarihan ko ng makitang inilabas niya ang espadang gawa sa kidlat.

Malakas ang naging impact ng pagtagpo ng aming mga sandata, dahilan na sabay kaming napaatras ilang metro ang layo mula sa pinagsalubungan namin.

Nauna akong makabawi kaya nauna akong sumugod sa kanya. I thrust my sword to his side but he deflect it using his sword and tried to kick me. Ganun din ang ginawa ko kaya sabay kaming tumilapon palayo sa pwesto namin.

Nabalanse ko naman ang sarili kaya maayos akong nakatayo. Pagtingin ko sa gawi niya ay ganun din ang ginawa niya. Kinontrol ko naman ang kinatatayuan niya at gumawa ng earthquake at pinalitaw ang mga lupa para ikulong si Kendo sa loob pero gumawa siya ng malaking thunder ball na siyang naghati ng lupa sa ilang parte. Pinalitaw ko naman ang mga bato sa ere saka ibinato sa kanya pero gumawa lang siya ng malaking pader ng kidlat kaya hindi rin siya natamaan.

Kaya gumawa ako ng mga air spears gamit ang hangin at pinatama sa kanya. Magaling siyang makaramdam kaya nadedeflect niya ang karamihan gamit ang espada niya. Pero marami parin ang tumama sa kanyang katawan.

Napakislot naman ako ng makaramdam ng kuryente sa buong katawan. Saka ko lang narealize na pinadaan niya sa ilalim ng lupa ang kapangyarihan niya. Napaluhod ako dahil sa naging epekto nito.

Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo at pinalutang ang mga tibak ng lupa saka ibinato sa kanya na halos magkasabay lang. Eksperto niya naman itong iniiwasan o di kaya ay hinihiwa gamit ang sandata.

Gumawa ako ng mga air daggers at pinatama sa kanya. Habang busy siya sa pagsalag at pag-iwas sa mga ito ay gumawa ako ng maraming invisible air needles. Invisible dahil hindi ito maramdaman ng kahit sino. Nilagyan ko ito ng mga lasong nakakapag paralisa ng katawan.

Pero bago ko pa man ito maipatama sa kanya ay napaluhod ulit ako ng tamaan na naman ako ng kidlat. Kaya napatingin ako sa kalangitan at nakitang kinontrol ni Kendo ang langit para magkaroon ng kidlat.

Tatamaan sana ulit ako pero mabilis akong nakagawa ng shield gamit ang hangin at itinuloy ang naisip kong plano. Binato ko ulit siya ng mga air daggers sabay ng mga nagawa kong invisible needles. At dahil busy siya sa pag-iwas sa mga air daggers, hindi niya napansin ang mga needles ko.

Hindi nga ako nabigo dahil natamaan siya ng mga ito. Napatigil siya at gulat na napatingin sa akin. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngisi saka nagpalabas ng isang invisible na tinik ng rosas. Pinatama ko ito sa balikat niya at dahil hindi na niya maigalaw ang katawan ay hindi niya na ito naiwasan kaya naman ay agad na siyang nahimatay.

Mabilis akong tumakbo sa kanya sabay ng pagkawala ng force field na gawa namin kanina. Hindi na rin maitsura ang lugar na pinagsakupan ng force field dahil sa naging laban namin.

Mabilis ko siyang pinasan at nagteleport sa silid niya. Tinanggal ko ang suot niyang damit pang-itaas at agad na kumuha ng bagong damit. Agad kong sinimulang gamutin ang mga sugat niya at pagkatapos ay isinuot ang T-shirt sa kanya. Ngunit napatigil ako ng makita ang dugong umaagos sa itaas na bahagi ng tuhod niya.

Wala akong nagawa kundi ang tanggalin ang pang-ibaba niyang suot. Fortunately, nakasuot siya ng boxer. Nakita ko kaagad ang malaking sugat nito kaya walang atubiling nilinis ko ito bago gamutin. Pagkatapos kong magamot at malagyan ng bandage ang binti nito ay kumuha ako ng jersey short sa walk-in closet nito. Pagbalik ko ay gising na pala siya.

"Komusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko dito.

"Ayos na ako. Bat hindi pa nagamot yang mga sugat mo?" Umiling lang ako saka umupo sa gilid ng kama niya.

"Suotin mo muna ito. Kakatapos ko lang gamutin yang mga sugat mo kaya wag kang gumalaw masyado." Napatingin naman siya sa ibabang parte ng katawan niya at muntik na akong matawa sa naging reaksyon niya. Akalain mo yun, namumula pala ang isang Kendo.

Mabilis pa sa alas kwatrong nahablot niya ang jersey sa akin at agad na nakapasok sa banyo. Napailing nalang ako saka sinimulang gamutin ang sariling sugat.

"Ako na ang gumamot diyan." Ibinigay ko naman sa kanya ang panlinis ng sugat. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa magsalita siya.

"Salamat nga pala sa paggamot sa mga sugat ko."

"Responsibilidad ko naman yun." Tumango lang siya saka ipinagpatuloy ang pag gamot. Nang matapos ang paglagay ng bandage sa mga sugat ko ay nagpaalam na ako sa kanya dahil magpapahinga na rin ako. Ihahatid niya pa sana ako pero pinigilan ko na dahil kailangan niya ring magpahinga. Pareha lang naman kasi kami ng building, nasa itaas nga lang yung sa akin.

Pagpasok ko ay agad na akong nagbihis at dumapa sa aking kama.

The Tale Of The First Legend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon