VisitorNagising ako dahil sa narinig kong kaluskos.
Agad akong napatayo sa kama ko ?
Bakit ako nasa kama?
Tiningnan ko kung saan galing ang kaluskos na iyon at nakita kong galing iyon sa pinto.
Pumasok si kuya Jheybie mula doon at tiningnan ako sandali bago umupo sa gilid ng kama ko.
Taka ko syang tiningnan.
"Kuya? Bakit ako and---."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil naaalala ko na. Ang alaala nanamang iyon!
Kulang nalang ay ipatanggal ko ang utak ko para lang hindi ko na ulit maalala ang pangyayaring yon.
Lagi ko iyong naaalala ngunit ngayon lang nangyaring sa harap ng ibang tao ko iyon naalala.
Lagi ko lang kasing napapanaginipan iyon o kaya naman ay naalala pero ako lang mag Isa.
"Jack? Anong nangyari sayo kanina? Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo?" Sunod sunod na tanong ni kuya saakin.
Tiningnan ko sya. "Si aling loleng? Kamusta sya kuya? Hindi ko po talaga sinasadya." Paunang sabi ko.
Please sabihin mong ayos lang sya.
"Ayos naman na sya, pero mag reresign
na din sya saatin." Mahinahon pero bakas ang diin na sabi nya.Naayuko ako, alam ko namang mangyayari na ito eh. Ang saakin lang ay gusto kong maayos ang lagay ni aling loleng.
"Jack? Ano kakong nangyari saiyo kanina? Bakit si lolo tanda ang sinigaw mo kanina?" Bakas ang pag aalala sa boses nya. Napaayos ako ng upo at tumikhim.
"Namimiss ko lang po si lolo Tanda." Simpleng sagot ko. Pasimple ko din na pinunasan ang mga namumuong luha sa mga mata ko.
Nababakla nanaman ako.
Nakakainis kasi! Bakit ba kasi sinama nya pa si lolo tanda sa usapan? Nananahimik na yung tao oh.
Baka multuhin pa ako!
"Pero bakit ka sumigaw? Nawalan ka pa ng malay" Takang tanong nanaman nya!
Tanginang yan! Andami namang tanong!
"Nalipasan siguro ako ng gutom kanina kaya nawalan ako ng malay, atsaka napasigaw po ako sa tunog nung vase."
Totoo naman yung sa vase. Yung gutom lang Hindi.
Andami ko kayang nakain kaninang umaga! Paano ako mahihimatay sa gutom?!
"Sige. Kaya mo binato yung unan dahil?"
Napatingin ako sakanya. Bakit ba ang tsismoso nito? Kung hindi lang to matanda saakin ay baka nakutusan ko na din to.
Nag-isip ako ng maaaring dahilan sa tanong nya.
Alangan namang sabihin ko sakanya na naalala ko ang araw na yon kaya nagwala ako.
Baka isipin nilang nababaliw ako.
"May nakita akong ipis na dumaan doon kanina. Akala ko matatamaan ko kaso lang bigla nalang nawala, Ewan ko ba. Bala namamalikmata lang ako." Palusot ko sakanya.
YOU ARE READING
Gift Of Love. (On-going)
JugendliteraturGirl with dirty mouth. Hindi sanay mag ayos. Magaslaw ang kilos. Laging may kaaway. Puro lalaki ang kaibigan. BABAE ang gusto. Sigang maglakad. Pag nakita ka sa daan mumurahin ka kahit Wala ka namang ginagawa. May kadal dalan. In other word TOMBOY! ...