Chapter 13

0 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa sakit ng aking ulo at katawan. Ano bang nangyari sakin?

Bumaling ako ng higa at kinapa kapa ang kama. Puro kumot lang naman yung nakakapa ko. Nasaan na yung tandayan kong mahaba?

Pati yung paa ko ay nilikot likot ko na din para makapa iyong aking tandayan. Wala pa din.

TANGINA pag nakita kitang unan ka susunugin kita!

Dinilat ko ang isa kong mata. Bakit iba yung kwarto? Kinusot kusot ko yung mata ko para maging malinaw ang nakikita ko.

Mabilis akong napabangon sa kama ng makumpiramang wala ako sa kulay itim kong kama! Kulay asul to.

Niligid ko ang paningin ko at nalamang nakila Ronan ako. Alam ko kasi ang itsura nitong kwarto. Pamilyar ako sa kwarto nya, bukod sa may nga picture nya sa dingding ay may picture ko din sa side table.

Kyut ko dito.

Kaming apat ang magkakasama dito nung graduation ng highschool.

Mahihiga pa sana ako pero... BAKIT AKO NANDITO?!

Mabilis akong tumayo sa kama pero nadapa din ako. Ang tanga naman jack.

Tiningnan ko ang binti ko at nakita kong napakadami kong gasgas dito. Anong nangyari? Pati ang magkabilang kamay ko ay may nakabalot na benda. Naramdaman ko ring may nakabalot sa noo ko.

Mabilis akong nagtungo sa banyo ni Ronan dahil sa kuryosidad.

Ano bang nangyari?

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kabuuan ng mukha ko sa salamin. Puro pasa ang magkabilang gilid ng mata ko at putok ang isang kilay. May nakabalot din sa noo ko.

Pag kakita ko sa sarili ko ay tsaka ko palang naramdaman ang sakit mula sa tinamo kong sugat.

Naalala ko na. Napaaway nga pala ako kay Leandro. Kamusta na kaya yon? Hindi naman ako ang nag-umpisa n'on eh.

Tapos nun ay... ay dumating si kuya, Hindi nya ako pinansin at sinabihan ng masasakit na salita.

Nagdrive ako at naaksidente. Tapos si Ronan. Si Ronan! Nakita ko si Ronan bago ako mawalan ng malay.

Kaya ba andito ako sakanila? Si tita ba ang gunamot saakin? Doctor iyon.

"Jack?" Narinig kong tawag ng kung sino sa labas ng banyo.

Mabilis kong pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko bago buksan ang pinto.

Naabutan ko si Ronan na may hawak na pagkain at nag aalalang nakatingin saakin. Ngumiti ako ng bahagya para  mapanatag ang loob nya.

"Salamat, Ronan." Nahihiyang sambit ko sakanya.

Ngumiti naman sya saakin at minuwestra ang coffee table malapit sa balcony ng kwarto.

Umupo ako doon at gano'n din ang ginawa nya.

"Okay ka lang ba? May masakit pa ba sayo?" Nag aalalang tanong nya pagkatapos idikit saakin ang pagkaing hawak hawak.

Ngumiti naman ako kahit may nararamdaman akong kirot sa gilid ng mga labi.

"Wala na. Nasaan pala sila tita?" Tanong ko sabay subo ng itlog sa bunganga. Sarap.

"Umalis siya kanina pa. May pasok eh." Sagot naman nya at sinimulan naring kumain.

Isusubo ko na sana ang isang hatdog na may ketchup ng may pumasok sa isipan ko.

Gift Of Love. (On-going)Where stories live. Discover now