Chapter 11

0 0 0
                                    

Snob

Sabado ngayon at nakatambay ako sa harap ng pinto namin habang nakatanaw sa gate.

Kanina pa ako dito at nilalangaw na din ang binti ko. Bwisit na langaw, ginawa pa akong dapuan.

Maya maya ay may naramdaman akong presensya sa likuran ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin dahil amoy nya pa lang ay kilala ko na.

"Jack."

Napapikit ako ng tawagin nya ang pangalan ko. Hindi ko parin sya binalingan kahit medyo kabado ako sa tono ng pananalita nya.

"Ano nanaman bang ginawa mo? Ryker called me and he told me what you did to his car." Mariin nyang sambit sa likuran ko.

Ako? Ako nanaman. Iniiwasan ko na nga yung taong yun eh. Sya lang naman itong lapit ng lapit at lagi akong pinipikon kaya nagagantihan ko.

Bakit ba hindi nya muna alamin kung ano yung nangyari? Hindi yung ako nalang lagi yung may kasalanan para sakanya.

Bahagya ko syang nilingon dahil sa sinabi nya saakin. Hindi ko alam pero sa pagkakataon na ito ay nakaramdam na ako ng kaunting inis at tampo sakanya.

Lagi nya akong pinapagalitan at sinesermonan twing may ginagawa ako sa Zach na 'yon. Pero never nya akong tinanong kung ano ang nangyari. Lagi ako yung mali para sakanya.

Sa twing ipapaliwanag ko ang side ko ay lagi nya akong pinuputol. Sasabihan ako ng sumasagot ka nanaman!. Paano ko maipapaliwanag yung side ko kung lagi syang ganito saakin?

"Kuya, hindi naman ako ang nag--" napautol nanaman ang pagsasalita ko dahil sa biglaang nyang sigaw.

"Jack! Tumatanda ka na! Besides babae ka, hindi dapat ikaw ang nag uumpisa ng mga away na 'yan! Lagi nalang tayong ganito. Hindi ko alam kung nakikinig ka ba o nagbibingibingihan lang! Paano na ngayon yung kotse nung tao?! Lagi nalang jack. Napapagod na ako kakasuway sa'yo." Walang hingahan nyang sigaw saakin. Nahilot nya ang sentido nya at parang pagod na talaga kakasaway saakin.

Mabilis na nawala ang inis at tampo ko at napalitan ng awa dahil sa kalagayan nya. Lagi nalang akong lumalambot pag pamilya ko ay nakikita kong nahihirapan.

Hindi ko sila matiis. Ganito na ata talaga ako, hindi ko kayang magalit sakanila ng matagal.

Napayuko nalang ako at tumingin sa dalawang kamay ko na magkawak ngayon. "S-sorry kuya." Mahinang sagot ko sakanya.

He look at me and shook his head. Nilagpasan nya lang ako at dumiretso sa kotse nya sa gilid.

Bumalik ulit ako sa pagkakaupo at pinagmasdan ang paalis na kotse ni kuya.

Sana sa susunod kuya, alamin mo rin kung anong nangyayari sa prinsesa mo.

Iniiling ko ang ulo ko at pinatong ang noo sa dal'wang tuhod. Kailan kaya nya aalamin ang buong pangyayaring bago ako harapin?

Hay buhay.

Naramdaman ko namang may umupo sa tabi ko. Nung una ay hindi ko muna ito nilingon ngunit ng may marinig akong pagnguya sa parang malutong ng pagkain ay mabilis kong inangat ang ulo at diretsong naglanding ang kamay papasok sa lalagyan ng Pringles.

"Oy, oy! Baka naman! Sakin to!" Sigaw ni Jackson at pilit na inilayo ang kinakain nyang junk foods.

Nainis naman ako sakanya. "Napakadamot mo! Isa lang eh, pumunta ka pa dito kung magdadamot ka lang din naman?" Inis na asik ko sakanya sabay subo ng titsirya sa bunganga.

Gift Of Love. (On-going)Where stories live. Discover now