AIRA's POV
Umaakyat na kami ni Aya sa hagan ng eroplano. Wew 'di halatang excited ako ah.
"See you Korea after four hours" sabi ko bago pumasok sa eroplano.
Magkatabi kami ni Aya as usal sa may bintana nanaman siya, dala niya yung music player niyang pinahahalagahan niya at nakaearphone. Yung ganon ko kasi nasira kaya matutulog nalang ako. Kami lang magkasama ngayon ni Aya, last year kasi kasama namin ni Aya sila Jake na pumunta ng Korea.
Ito nalang ang travel na kinikilala ni Aya ngayon wala ng iba, parang pangalawang bansa niya na rin kasi ang Korea, kaya ito nalang ang kinikilala niyang travel. Yung mga importante lang, yun na lang.
After 3 years, ito nalang talaga. Haaaay sad
"Gusto mo makinig Aira?" tanong niya sa'kin.
Pero bago pa ko makasagot binigay niya na yung kabila ng earphone niya.
"Nagtanong ka pa beh" bulong ko sa sarili ko.
Ang ganda talaga ng mga music na nandito sa player na 'to.
Napatingin ako bigla kay Aya nang tumugtog ang kantang kinanta ni Jake sakaniya noon, "Your Song" by Parokya ni Edgar. May pa sing-along pang nalalaman umiiyak naman talaga sa loob.
x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+&+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+
"Hello Auntie! I miss you po!" sabi ko habang nagba-bow. Siyempre show some respect ang number one rule rito sa Korea. Before we enter sa condo ni Auntie o sa main door tinanggal muna namin ang shoes namin at nagsuot ng panloob na slippers bawal kasi rito ang magpasok ng sapatos na sinuot sa labas.
"Si papa, ma?"
"Umalis kanina di na kayo nahintay maaga yung pasok. Mamaya aalis na rin ako kayo na bahala rito, alam niyo naman yung PIN number" sagot ni Auntie kaya tumango nalang kami.
"Tara Aira pahinga tayo, may jetlag ako" sabi ni Aya at agad na dumiretso sa kwarto namin kapag pumupunta rito. Pahiga na rin sana ako nang tumunog ang phone ko sa Messenger, may nagmessage.
GwapongBulol
Bhie saan location niyo?You
Pyeongchang-dong, Jongnogu, Seoul BHIE
hahahah kakatawa ka BHIE. Papahinga muna
kami ha message ka nalang pag andito ka na.GwapongBulol
HAHAHAHAH sorry naman nadare lang
ako na gumamit non. Alis ako Monday
ng umaga rito sa Pilipinas. Nasa bahay
na kayo?You
Oo na, nasa bahay na. Bahala
ka, basta before friday dre
kasi birthday ni Auntie.GwapongBulol
Oo alam kong birthday yun ni tita, don't
worry. Sabi ni eomma pumunta raw ako
tulungan ko raw sila tita sa shop kasi
busy raw sila ng isang buwan ni eomma
sa Busan doon kasi yung bagong
business.You
Oo tama, sige na magpapahinga pa koGwapongBulol
👍Abah, makalike zone si koyah kala mo peymus.
"Mamaya ka na nga magpost Aira, pahinga muna" sabi ni Aya at tumalikod sa'kin. Ang lakas naman ng internet connection dito grabe, nahiya yung mga loading kumpara sa Pilipinas na masmatagal pa yata ang loading kaysa sa oras na pinapanood ko eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/231907206-288-k967039.jpg)
BINABASA MO ANG
Until We See Each Other Again
Teen FictionI am Hyacinth Jane Cañizares, Aya for short. I'm a vlogger, painter, photographer, singer, dancer, and last but not the least but the best traveler. Yep, I'm a traveler, I don't know kung papaano ako naging traveler since graduated ako as engineer...