Chapter Two

9 2 0
                                    

Aira's POV

Birthday ko ngayon, sooooobrang saya. Every birthday ko kasama yung celebration ko sa celebration ni Aya, para wala na kong gastos hahahah. By the way asan na kaya yun? Lumabas ako ng cottage at naglibot ng tingin at nakita ko ang ex-love birds na magkasama maydalang plastic na maylamang mangga, ang paboritong mangga ni ayatot bow.

"Haaaay, di ako makapaniwalang naging magbest friend pa rin silang dalawa after nilang magdrama last year na birthday ni Aya" bulong ko sa sarili ko. Tandang-tanda ko pa yun May 5, 11 ng gabi nagdrama ang dalawang yan. Kala nila sila lang nakakaalam alam ko rin yun narinig ko eh.

"Nagka-closure na sila eh, perk kita mo naman halatang-halata naman na mahal pa rin nila ang isa't-isa, the way they look and talk to each other ibang-iba eh. Para silang nagde-date" narinig niya pa pala yun? Tsk tsk tsk

"Alam mo? Ang chismosa mo talaga Jessa ang hina na nga nung sinabi ko narinig mo pa rin?"

"Siyempre kahit naman nung nasa office tayo ako na talaga ang dakilang chismosa hindi ba?" napangiti naman ako "Those times" masayang-masaya pa noon, wala pang problema.

x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+&+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+x+

"Kumain ka nga muna Aya ng lunch bago yang mangga sasakit ang tiyan mo niyan eh" psh walang pakialam sa sarili.

"Aira kumain na ko kanina. Uubusin ko lang tong isa tapos susunod na ako sa pool" Ewan ko sa Ayang to kung nagpapapansin kay Jake o ano.

"Ikaw Jake? Sasabay ka nalang kay Aya?" kumakain ng Lunch si Jake kaya tumango nalang. Psh kapag si Aya nagtatanong sakaniya napapahinto pa sa pagkain tapos pagkami pshhh favoritism.

Umalis nalang ako nakakathird-wheel ako eh. Makapagsight seeing nga heheheh.

Bago pa ko makalayo ng cottage hinatak ako at kinarga ako ng palaka-este ni Helix bwiset talagang palaka to di ako tinitigilan.

"Aray! Wag ka nga magpumiglas! Magsa-sight seeing ka nanaman 'di mo ba ko nakikita?" sabi niya habang buhat ako papunta sa somewhere hindi ko alam di ko makita.

"Helix! Ibaba mo nga ko! Hindi kita gusto!" hindi ko man makita pero ramdam ko na nasa maypool kami maymgatumatalsik kasing mga tubig.

"Sige ibababa na" bago pa ko makapagsalita hinulog na 'ko ni Helix sa pool lintek na to alam ba nito na birthay ko? Parang hindi eh, maybalak yata akong patayin sa birthday ko. Para akong pusa na hinulog sa pool nahihirapang iangat ang sarili. Lubog ng lubog.

"Helix! Helix! Tu-tulungan mo ko! La-lang hiya k-ka ta-talaga! Di-dito pa ta-talaga k-ko hi-hinulog e-eh!" Ang hirap palang sumigaw pag nasa malalim ka na part tapos lulubog lilitaw ka pa. Nakakainom na rin ako ng tubig huhuhu hindi ako marunong lumangoy!

Pagtingin ko sa place kung nasaan si Helix wala na! Aba maybalak talaga yung patayin ako.
ANG GAGO LANG HELIX!? Di ko alam kung bakit pero may mga tao naman sa paligid ko pero di ako tinutulungan. Mga wala ba silang awa?

Mayumalalay sa'kin pataas buti nalang, sino kaya to? Sana gwapo.

"Bakit ka natatakot na malunod kung andito naman ako?" ay letse kabaliktaran pala ng gwapo.

"Eh bwiset ka kasi tinapon mo ko dito pa sa malalim alam mo naman na di ako marunong lumangoy" sabi ko hinayaan ko nalang na inaalalayan niya ko baka lunurin niya nanaman ako.

"Kung di kita hinulog sa tingin mo tatawagin mo ko?" natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko ba talaga siya napapansin ng ganon para gawin niya yung bagay na mapapansin ko siya? Ayaw ko lang siyang masaktan, tinutulak ko siya palayo para di na siya masaktan pa.

Until We See Each Other AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon