Chapter 32

22 6 0
                                    


Me: Sure na ba talaga na
di kayo makakasama
guys?

Pichichay: Hindi talaga
bakla eh, uuwi kasi si
daddy kaya di ako pedeng
umalis. Sorry na baklaaa!

Judiday: May biglaang
lakad kasi kame ni mama
bakla, eh importante daw
yon kaya dapat nandon ako.
Babawi nalang ako bukas
promise!

Napabuntong-hininga ako. It was supposed to be a happy day for me but all I can feel now is disappointment.

It's my birthday, alright. Matagal nang nakaplano na may lakad kame para sa araw na ito but look at them, kanya-kanyang dahilan bigla na hindi makakasama. Nakaka-tampo. Tradisyon na ng barkada na kapag birthday ng isa, dapat lahat magkakasama—It's our only way to keep the bond since hindi na nga kame magkakaklaseng lahat.

I'm always present on their birthdays—nangunguna pa nga sa pag-paplano ng mga pakulo ng mga surprise. Pero ngayon lahat sila wala? I mean, don't get me wrong.. maiintindihan ko sana kung may absent lang na mga dalawa pero literal na lahat sila bigla nalang na hindi pwede. We are nine in our squad and they're all unavailable? Pakiramdam ko pinag-kaisahan ako bigla. Tsk.

Me: It's okey.. No big
deal guys, birthday lang
naman yon eh. Lilipas
din hahahaha!

Ofcourse ayoko namang isipin nilang mababaw ako. Kasi syempre may mga valid reasons naman sila. Hindi ko lang talaga maiwasang sumama yung loob ko kasi syempre, we already planned this a month ago eh. Asang-asa na ako.

'drew: Ayaw mo ba
akong kasama? @Jane

Me: Syempre gusto..
Nalungkot lang naman
ako ng konti kasi wala sila
but it's fine, I understand
naman.

'drew: Masaya nga yon
eh kasi solo tayo. Hayaan
mo na yang mga yan,
mga walang bisa! HAHAHA

Judiday: Pakyu ka drew!

Pichichay: Yan bakla
okey lang din naman
siguro diba? Solo bonding
nyo na rin ni drew.

Camia: Oo nga mame.
Sorry talaga ah? Biglaan eh.

I sighed. Panay lang ang sorry nila pero lalo lang naman bumibigat ang pakiramdam ko. Nagpaalam nalang ako sa gc para makapag gayak na. Lunch time pa ang usapan namen ni drew and I still have plans for this morning.

Naligo nalang ako at bumyahe na papuntang bayan para makapag simba.

Naglalakad na ako mula parking lot papasok ng simbahan nang bigla kong makasalubong si judy na nakapang-bahay lang at hawak ang kambal nyang kapatid sa magkabila niyang kamay. Parehas kameng nagulat.

"Oh bakla? Akala ko ba paalis kayo ng mama mo?" takang tanong ko.

"Ha? Ahh oo nga. Sinasamahan ko lang itong kambal na bumili tapos maliligo na ako. Hahahaha" aniya saka awkward na tumawa. Tumango-tango naman ako sa kanya. "Ahhh"

"Oo bakla. Ikaw bakit nandito ka pa? Akala ko may lakad kayo ni drew?"

"Meron nga. Mamayang hapon pa yon diba? May ibang lakad ako ngayong umaga"

"Ahhh? Ay oo nga pala hahahaha" napakunot ang noo ko.

"Amnesia ka girl? Sadya namang yun ang plano diba? May lakad muna ako sa umaga tapos saka tayo magkikita-kita sa hapon.. Dapat. Pero ngayon si drew nalang kasama ko"

"Oo nga haha. Sorry I forgot" maarteng sagot niya. Napailing-iling nalang ako.

"Sige na bakla, pasok na ko sa loob"

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now