Chapter 27

330 22 0
                                    

Ronnie's POV

Ang bilis ng panahon no? Wala next month December na at malapit na ang magpasko and this year and next year will be my saddest celebration ever. Syempre wala mga magulang ko sa aking tabi.

Today is Monday and balik iskwela na Naman. Napansin niyo siguro na hindi ko kasama ngayon si Gabriel, hindi kasi ako nagpasundo sa kanya Sabi ko nasa school na ako at yon naniwala.

" Good morning kuya Guard " bati ko sa guard ng aming school.

Pagkatapos Niya akong batiin ay diritso naman akong naglakad patungo sa aming classroom. Sa kasamaang palad makakasalubong ko ang grupo ni Dindina. Siguro iiwas na lang siguro ako.

" Oh hey fagg how are yah? " Maarte niyang tanong sa akin.

" I'm good thanks for asking " Sabi ko sabay lakad.

As usual pinigilan ako ng bruha.

" I don't have time for you Dindina so let go of me bago pa Kita masuntok diyan. At kayo umalis kayo sa dinadaanan ko " Sabi ko sa mga alipores ni Dindina.

Umalis Naman sila at Malaya na akong naglakad papunta sa aming room.

Nang marating ko ang aming room ay nakatingin Naman sila sa akin. Nagtataka tuloy ako.

" Ano ba bat ganyan Kayo makatingin sa akin " tanong ko sa Kanila.

" Kasi bakla lagot ka ngayon Kay Gabriel hahaha " Sabi ni Mariel sa akin.

Naalala ko nagsinungaling ako sa kanya. Akala ko naman Kasi mauunahan ko siya dito pero nagkamali ako.

Napangiwi na lang ako dahil sa nalaman ko. Uupo na Sana ako ng marinig ko ang boses ni Gabriel.

" Nasa school na pala huh " Sabi nito sabay lapit sa akin.

" Oh nasa school na ako ah " casual Kong Sabi sa kanya sabay lagay ng aking bag sa upuan.

Lumabas naman ako ng classroom dahil gusto Kong bumili ng makakain in fact maaga pa naman we have 30 minutes pa to prepare.

" San ka pupunta bakla, imbes na ako magalit siya pa tong may gana magalit tsk . May regla ka ba " Sabi nitong Isa.

" Anong Sinasabi mong galit huh? Haler Ang ganda ng gising ko ngayon Ramos kaya tumigil ka diyan Kung ayaw mong sabunutan kita " sagot ko sa kanya habang pababa kami ng hagdan.

" Tsk pasalamat ka Mahal Kita " Sabi nito. Napangiti naman ako sa aking narinig.

Narating naman namin ang canteen kumuha ako ng Chuckie at nagbayad sa tindera.

Para tuloy akong may body guard dahil Kay kumag na nakasunod lang sa akin.

Nakita ko Naman si Darwin na paliko pa Lang kaya tinawag ko ito.

" Darwinnnnnnn "

Lumingon naman siya at nang makalapit ako niyakap ko siya dahil namimiss ko na siya ng bongga.

" Tsk bakla nga una na ako " Sabi ni kumag.

Patay mukhang may kailangan akong suyuin mamaya. Bahala na ayaw ko naman Maging bastos sa harap ni Darwin no.

" Kamusta kana namiss Kita " Sabi ko sa kanya matapos Kong humiwalay sa yakapan namin.

" Okay Lang umuwi kami kena papa don kami namalagi nung nakaraan. " Sagot niya sa akin.

" Nice mukhang nag enjoy ka nga " Sabi ko sa kanya.

Nagsimula na Naman kaming maglakad papunta sa taas.

The Uncertain Life of Ronnie ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon