Chapter 37

274 24 4
                                    

Ronnie's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa malamig na sahig habang dinadama ang mga pasa at sugat na siyang dahilan ng panghihina ko ngayon.

Hindi ko na halos maibuka ang bibig ko at parang wala na akong boses dahil sa panunuyo ng aking lalamunan.

Apat na araw na akong nagtitiis sa mga ginagawa ni Don Roman. Mukha na siyang baliw sa pinaggagawa niya sa akin or sadyang baliw na talaga siya?

Napadaing naman ako sa sakit ng bigla na Lang ako tadyakan ng isang lalaking paulit-ulit ko ng nakikita rito.

Tumingala naman ako rito ng walang kahit anong emosyon. Hindi ko akalain na may ilalapag siyang pagkain ngayon para sa akin.

"Kumain ka raw ng madami dahil may gagawin daw kayong laro ngayon ni Boss," sabi nito sabay tawa ng malakas at lumakad paalis sa aking harapan.

Tiningnan ko ang pagkain na inilapag ng lalaking iyon. Mukhang madami nga ito At ano na naman kayang kademonyohan ang naisip ng baliw na iyon ngayon sa akin.

Dahan dahan ko Naman niyuko ang aking ulo para makakain. Hanggang ngayon hindi parin Kasi nila tinatanggal ang pagkakagapos sa aking mga kamay at paa kaya hindi ako makakain ng maayos.

Nagmumukha akong asong baldado sa pagkain ko ngayon. Minsan nga pinagtatawanan nila ako pag nakikita sa ganitong ayos.

Ang dress ko na puno ng dugo naging gutay-gutay na rin dahil sa mga kademonyohang ginagawa sa akin ni Roman.

Ng matapos akong kumain medyo gumanda ang aking pakiramdaman dahil nakakain na ako at nagkaroon na muli ng lakas. Sumipsip naman ako ng tubig na dala rin kanina ng hindi ko kilalang lalaki.

Matapos uminom inayos ko naman ang aking pag upo dahil sumasakit ang likod ko kakayuko sa pagkain.

Nakita ko naman na bumukas ang pintuan at nakita kong may dala dala silang itlog.

Nang mapagawi ang kanilang tingin sa akin Nakita ko Naman ang mga nakakalokong tingin nila sa akin.

Ano na Naman Ang gagawin sa akin ni Roman? Sa loob ng apat ng araw halos ginawa ako nilang katatawanan . Samantala ako nagdudusa sa mga pinag gagawa nila.

Makalipas ang ilang minuto, dumating naman si Roman na malaki ang ngisi sa kaniyang mga labi.

"Are you ready Fuentabella?" tanong niya sa akin na animo'y isang demonyo.

Hindi naman ako sumagot sa kaniya. Tinititigan ko lang ito gamit ang walang emosyon kong mukha.

"Tumayo ka riyan!"

Isang malakas at galit na boses niya ang umalingawngaw sa silid ngayon dahil hindi ko siya sinusunod.

Hindi ko naman ito pinakinggan nanatili akong nakatigtig sa kaniyang galit na mukha.

Nagulat Naman ako ng bigla na lang itong may hinugot at itunutok sa akin na isang baril.

"Ano tatayo ka riyan o papatayin Kita ngayon din?!" bulalas nito gamit ang kaniyang nakakatakot na boses.

Dahil ayaw ko naman na mamatay ng maaga, tumayo ako ng dahan-dahan.

"Tatayo rin naman pala arte-arte pa," turan nito sa mahinahong boses.

" Pumunta ka sa gitna bakla!" sabi niya naman sabay turo sa puwesto kong saan niya ako gustong tumayo.

'' Bilisan mo ang bagal mo!'' inis niyang sabi sa akin sabay bato ng itlog sa akin na tumama sa aking dibdib.

Hindi niya ba alam na nakatali ang aking paa kaya nahihirapan akong lumakad o sadyang bobo talaga siya? Hindi naman ako nagsalita pa dahil baka mamaya bumalagta na lang ako rito at wala ng buhay.

The Uncertain Life of Ronnie ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon