Chapter 23

310 25 0
                                    

Ronnie's POV

Ang bilis ng araw heto kami ngayon sa classroom todo aral for the last day of examination kasi next week bakasyon na.

Kung iisipin mo sa bawat gabi ay may lungkot ngunit sa bawat umaga nama'y puno ng pag-asa pero sa bawat gabi at umaga maraming nangyayari masama at mabuti.

" Hoy bakla Kanina pa Kita tinatawag bingi ka ba " nagulat naman ako sa biglang pagsigaw nitong si Kumag.

" Ano ka ba Kita mong nagmomoment ako dito panira ka talaga lagi . " mahinahon Kong Sabi sa kanya. Nasa mood kasi ako ngayon.

" Lah moment ka diyan mukha Kang baliw tumigil ka " sagot niya naman sa akin.

" Ano ba kasi kailangan mo Ramos " pagbanggit ko sa apelyido niya.

" Lah Ramos , pahiram ako ng notes mo sa PR1 " Sabi niya sa akin. Kinuha ko naman ang notebook ko ng PR1 at ibinigay sa kanya.

" Oh ayan may mga highlights na iyang dapat pag-aralan huh kumag " pagpapaliwanag ko sa kanya.

Tumango lang naman ito sa akin sabay baling ng kanyang attention sa mga nakasulat sa aking notebook.

Sa mga nakalipas na araw lagi talaga kami nitong magkasama. Minsan nga napagkakamalan kaming magjowa. Pero Wala talagang kami na hanggang ngayon umaasa pa rin ako dahil sa mga pinapakitang kilos ni kumag.

Bumalik Naman ako sa pag-aaral sa MIL dahil isa ito ngayon sa mga eexam namin.

Dumating naman si sir Ceej na siyang proctor namin ngayon. Naging tahimik ang aming pagsusulit. May mga espasyo sa pagitan namin upang maiwasan ang pagtutularan. Ang Hindi Alam Ng mga guro " We find ways " during examination. I bet Gawain niyo din Yan.

Afternoon pala ang exam namin ngayon dahil kahapon sa umaga kami.

Exam

Exam

Exam

Exam

" Good-bye students " pagpaalam ni sir Picondo sa Amin na siyang nagbantay sa huling exam namin for today na siyang pinakamatagal.

" Goodbye sir " we said in unison.

Naupo naman ako pagkatapos ipasa ang test paper ko dahil ayoko muna kumilos at tinatamad pa ako.

Napansin ko naman na hapon na pala base sa aking nakikita sa labas ng bintana.

" Hoy ano may balak ka bang umuwi bakla? " Tanong ng isa

Nanatili naman akong nakatingin sa mga ulap sa labas cause it gives me chill nakakawala ng stress. Its color the shapes everything that occupy space char. I mean everything even the blue sky.

" Lah tinotopak ka na Naman ba bakla " sundot niya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

Nakatingin pa rin ako sa mga ulap na gumagalaw ngayon sa kalangitan.

Napangiti naman ako dahil alam Kong masaya sila inang at papang ngayon kung nasan man sila ngayon.

" Hoy tara na tayo nalang dalawa andito oh " Sabi sa akin ni Gabriel.

Tumingin naman ako dito na ngayon kunot ang noo naiinip na siguro kakaantay sa akin.

" Mauna kana kumag '' Sabi ko sa kanya.

" Ayoko nga Bala ka diyan. Akin na nga mga gamit mo " kinuha naman niya mga gamit ko at inilagay sa bag ko. May mga araw talagang tinatamad akong kumilos.

Tumayo naman ako para lumapit sa bintana dahil mas maganda ngayon ang kalangitan kulay orange na may blue pa. Nag-aagaw ang dilim at liwanag.

Bigla naman tumahimik ang paligid nagulat nalang ako ng bigla nalang yumakap sa akin si Gabriel.

The Uncertain Life of Ronnie ( Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon