__
__Chapter 4
Nagtitigan kami nang papalapit siya sa'kin pero nagtaka ako nang lagpasan niya ako at nakita kong niyakap niya ang babae sabay halik nito sa labi.Agad akong umiwas ng tingin at panay kurap ako ng mata at iling ng ulo ko.Hindi makapaniwala sa nangyari.
Shit lang! Assuming ko talaga pero nakatingin siya sa'kin eh! Akala ko..tss bwisit na lalake.
"Baby I miss you!"
I rolled my eyes.Napagdesisyunan ko nalang na bumalik sa loob kaya tumayo ako at inubos na ang dutch mill ko pagkatapos ay tinapon sa basurahan.
"Saan ka galing?" Tanong agad ni Wendyl nang umupo ako.
"Nagpahangin lang sa labas."
Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok na si Gabriel kasama ang bagong babae niya.
"Oh girlfriend?" Tanong ni Leo
"Louissa! Nandito kana pala sa pinas?" Tanong ni Chris na nagulat pa.
"Kailan ka pa nakauwi? Namiss kana namin!" Sabi ni Ace at niyakap niya siya.
Oh I must be misinterpret.It seems like she's not Gabriel's new girl.
"Yes, I'm back for my love." Lumingon ito kay Gabriel at hinalikan niya sa noo si Louissa.
"Oh my! Louissa welcome back!" Sinalubong siya ng yakap ng dalawang babae.
"I miss you two, Laura and Ivory!"
Umupo si Gabriel sa dulo ng couch at nagsiksikan na kami ng upo dito.Sila Gian at Chris ay nakatayo nalang kasi hindi na kasya.
"Gab! Bawal dinadala ang jowa dito!" Singit ni Ate Jeni.
"Jeni is that you? I miss you girl!" Pumunta pa si Louissa sa pwesto namin at niyakap si Ate Jeni na nakaupo kaya nakita ko siya ng malapitan.
She's so gorgeous at the same time cute because of her rosy chubby cheeks,kissable lips,sobrang puti at makinis pa.Katamtaman lang ang katawan niya pero may kurba parin sa suot niyang black fitted dress.Nakalugay ang maitim niyang straight but curly sa dulo ng hair niya.
"Huhu I miss you too!"
Tumayo si Ate Jeni at pumunta kung saan nakapwesto lahat ng kaibigan niya kaya umusog ako para tumabi na ulit kay Mika.
"Baby saan ako uupo?" Rinig ko pang tanong ni Louissa.
"Sit on my lap"
"Ayiiee hindi parin talaga nalalaos ang pagmamahal mo kay Louissa,Gab!"
Ilang oras pa silang kumanta at nagextend na rin ng oras dahil nabibitin pa sila.Ang mga barkada naman ni Jeni kasama sila Leo,Wendyl at Gian ay nagiinuman nang bumili ng isang bucket ng alak si Ace.
"Kumanta ka naman Sania! Kanina ka pa tahimik dyan!" Sabi ni Mika at hinampas ako.
"Hahanapan kita ng kanta! Wait!" Kinalabit niya si Bea na kasalukuyang kumakanta at tinanong kung nasaan ang song book.Tinuro naman ni Bea na kay Wendyl ang song book.
"Wen akin na ang song book! Hahanapan ko ng kanta si Sania!" Kukunin na sana ni Mika ang song book kay Wendyl na nasa tabi ko parin kaso hindi niya nakuha dahil humigpit ang pagkakahawak nito sa libro.
"Kita mong naghahanap pa ako ng kakantahin ko eh! Maghintay ka!"
"Luh wag ka ng kumanta! Panget naman boses mo!"
"Hindi kaya! Madaming babae na ang nainlove sa boses ko noh!"
"Saglit lang naman! Nakalimutan ko kasi kung anong number ang gusto kong pakantahin kay Sania!" Hindi na umangal pa si Wendyl at inabot nalang ang song book sakanya.Tumungga nalang siya ng San mig.
BINABASA MO ANG
Waves Of Devotion
Teen FictionYung tipong naghihintay ka ng masakyan. Hinihintay ang inorder mo. Hinihintay mapuno ang battery ng phone mo. Hinihintay maging umaga ang gabi. Hinihintay na may magkagusto sayo. Yung feeling na naghihintay ka at inaasahan mong darating yon. Parang...