[3]

0 0 0
                                    

_____
_____

Chapter 3



"H-Huh? What are you talking about?!"

Ngumisi lang siya kaya todo ang pagkunot ng noo ko.Lalo akong nairita sa reaksyon niya.He looks like a monkey when he smile.Nanlaki ang mata ko nang pinitik niya ako sa noo kaya napahawak ako dito kasi masakit.

"Aray ha! May sakit ka ba sa utak?!"

"Bakit ka sumisigaw?" Seryoso niyang sabi.Hindi ko alam kung nangaasar ba siya o ano.

"Kasi masakit ang pitik mo! Are we close?"

"No,we're open."

"What?"

"Water."

"Ano ba?!"

"Are you stalking me?"

Nagulat ako sa sinabi niya.Ang kapal!

"Ang feeling mo amp! Ganyan na ba kalaki ang ulo mo?!"

"Sus kunware ka pa"

"Bahala ka nga dyan! Feeling close." I rolled my eyes at nilagpasan ko nalang siya,hinayaang tumawa siyang magisa doon.Ang weird niya!

Nakasimangot akong pumasok sa room at wala akong pakialam sa mga nakatitig sa'kin.

"Hi! Anong pangalan mo?"

May tumabi sa'kin na lalake at matalim ko siyang tinitigan.

"Hindi mo ba narinig yung pagpapakilala ko sa harapan kanina?"

"Nakalimutan ko eh" napakamot siya sa ulo

"Edi nakalimutan ko din." I rolled my eyes.Stating the fact that I don't want to talk to him.

"Sungit" bulong ng lalake at umalis na siya sa tabi ko,narinig ko namang tinatawanan siya ng mga kaibigan niya sa kabilang row.

I'm not in the mood alright.Mas lumala pa ang pagkainis ko sa lalakeng kinausap ko sa hagdan.Gabriel ba pangalan niya? Hmp. Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa'kin na sini-stalk ko siya at feeling close pa!

Hindi ko alam na whole day pala ang pasukan dito kaya nakisabay lang ako sa mga barkada ni Mika pagkadating ng lunch time.Ganoon din ang nangyari makalipas ng ilang araw.

"Guys saan niyo gustong kumain mamayang uwian?" Tanong ni Bea habang naglalakad kaming lahat papalabas ng gate.

"Sa gold bar sis! Libre mo!" Ngising sabi ni Althea

"Ay sa gelato nalang kaya?" Agap ni Bea

"O sa Jollibee nalang!" Hinila agad ni Bea ang buhok ni Althea.

"Ang dami mo namang suggest!"

"Kayo Leo sasabay kayo sa'min mamaya?" Tanong ni Mika sa mga boys na nasa likuran lang namin.

"Hindi miks eh.Mag movie marathon kami sa bahay ni Gian."

"Ha? Bakit hindi ko yan alam?!" Sigaw na tanong ni Wendyl na binatukan naman agad ni Paulo.

"Tanga sinabi na namin sayo yan! Panay tingin ka kasi kay Kaily eh"

"Ayieeee!" Pangaasar nilang lahat kay Wendyl at natawa nalang ako.

"May tinatago ka palang pagtingin sa pinsan ko ah!" Si Mika na natatawa pa.

"Luh grabe kayo! Hindi ah"

Waves Of DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon