_____
_____"Tito dito na si Sania magaral?"
Nilibot ko ang tingin ko sa di kalakihang bahay na pagmamay-ari ng babaeng kapatid ni Dad.
Bakasyon na ngayon at isang buwan pa bago magpasukan pero parang ayaw ko nalang pumasok.
Tinignan ko ang babaeng medyo kulot ang buhok na kinakausap si Dad na ngayon ay nasa likuran ko kasama si Mom at Kuya. Maganda siya at maputi pero kung ipagtabi kami dalawa ay mas maputi parin ako kaysa sakanya.Parehas kami ng Mata na kulay brown at kilay na halatang namana niya ito sa Ina niya na parehas lang din kay Dad. Hindi ito ang first time na pagkikita namin dahil no'ng maliit pa ako minsan ko na siyang naging kalaro sa t'wing nagbabakasyon kami dito pero ilang years na din kaming hindi nakapagbakasyon simula nun.I think 8 years na or 7? I lost my count.
"Yes Mikaela kaya bantayan mo 'tong pinsan mo ah? Ito ang kapalit ng kasalanan niya." Hinawakan ni Dad ang balikat ko at napasimangot ako.Nalilito naman si Mika sa sinabi ni Dad pero binalewala nalang niya.
"Ah sige po tito..Sania akin na ang maleta mo para mailagay na natin sa bagong kwarto mo." Kinuha niya ang malaking maletang hawak ko at iniwan namin sila Dad na nakikipag kwentuhan na sa kapatid niya kasama ang asawa nito,sumunod ako kay Mika na umakyat sa second floor nila.
"Pasensya na 'tong bagong kwarto mo.Walang aircon at hindi sobrang lambot ng kama at hindi ganoon kalaki katulad ng kwarto mo sa manila pero nilinis ko na 'to kahapon." Pagkapasok ni Mika nang binuksan niya ang color white na pintuan at pink naman ang door knob.Ngumiti siya sa'kin bago ako pumasok sa silid.
"Naku okay lang naman sa'kin Mika.Hindi ako pumipili." Nilibot ko ang tingin ko sa silid.Maganda naman siya, nagustuhan ko kasi simple lang at sakto.Kama, electric fan at maliit lang na cabinet ang nandito sa kwarto. Umupo ako sa kama.
"Bakit ka nga pala nila pinatransfer dito? Ang gandang magaral sa Manila ah." Lumingon ako sakanya nang umupo din siya sa Kama.Kahit ako masasabi kong mas maganda talagang magaral doon kaysa dito.
"May kasalanan lang akong ginawa." I shrugged.
"Grabe naman sila tito pero wag kang magalala masayang magaral dito.Saang school ka ba magta-transfer? Private or public?" Akala ko tatanungin niya pa ako kung anong kasalanan ko pero mabuti naman hindi kasi parang ang babaw lang ng parusa nila sa'kin.Nagkaboyfriend lang tapos pinalipat na agad sa ibang lugar?
"Depende, kung saan ka nagaaral,doon nalang din ako."
Simula nang sigurado na talaga sila Mom na itransfer ako dito ay nakipagbreak na ako kay Dennis at nagpaalam sa mga lalakeng kaibigan ko lalo na kay Bianca.Sinulit na din namin ni Bianca pagkadating ng March dahil matagal pa kaming hindi magkita kaya nang huling araw na ay nagiyakan pa kami kasi mamimiss namin ang isa't Isa dahil pagka April hindi ko na siya makikita kasi nagbakasyon kami sa ibang lugar at pupunta na rin dito sa probinsya para itransfer ako.
Komportable naman akong kausapin si Mika pati na din ang ate niya na si Jeni kaya hindi ako ganoong nahihirapan.Ganoon din ang parents niya hindi mahirap pakisamahan. Ilang days lang ang stay nila mom dito dahil may trabaho pang aasikasuhin at ganoon din si Kuya kaya nalungkot ako kahit nagtatampo parin ako sakanila.
"It's better if you will stay here,mas mababantayan ka nila ng maigi dito at safe pa.Okay?" Yun lang ang sinabi sa'kin ni Mom at hinalikan niya ako sa cheek.Nakasimangot lang ako buong araw na yon dahil aalis na sila Dad at iiwan na nila ako dito.
Pagkarating ng Enrollment ay sabay kaming pumunta ni Mika sa school kung saan siya nagaaral.Katulad lang no'ng nasa Manila ako halos lahat ng taong nakakasalubong namin ay nakatingin sa'kin. Pagpasok namin sa Gate ay dumiretso na kami sa registrar para makaenroll.

BINABASA MO ANG
Waves Of Devotion
Fiksi RemajaYung tipong naghihintay ka ng masakyan. Hinihintay ang inorder mo. Hinihintay mapuno ang battery ng phone mo. Hinihintay maging umaga ang gabi. Hinihintay na may magkagusto sayo. Yung feeling na naghihintay ka at inaasahan mong darating yon. Parang...