[1]

4 0 0
                                    

_____
_____

Chapter 1

"Please,let me be your boyfriend. Promise iba ako sa mga lalakeng nakilala mo"

Napatitig lang ako kay Lorenz na nagmamakaawa sa'kin. Lahat ng sinasabi niya ay nasabi na rin ng mga manliligaw ko.Wala na bang bagong salita? New sweet words that would flatter a girl's heart? Gwapo na sana at habulin ng mga babae pero still the same as my suitors. Crush ko si Lorenz but his words made me turned off.

"Hmm.. Let's say is a yes?" Hindi pa ako sigurado sa sinasabi ko ay lumiwanag na ang mukha niya.

Ayaw ng parents kong magkaroon ako ng boyfriend kaya binabalaan na nila ako tungkol dito at for sure magagalit sila pag nalaman nila ang pinag gagawa ko.I'm just having fun at my age, nothing's serious, that's all.

"Ihahatid na kita sainyo babe" inakbayan niya agad ako at nagsimulang maglakad papunta sa gate.I crossed my arms then pout my lips.Lalong na turn off because I found out na he's not gentleman.

Napansin niya namang nakasimangot ako kaya napataas nalang ang isang kilay niya.Napatigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako.Matangkad si Lorenz kaya kailangan ko pang tumingala sakanya habang nakasimangot parin ako,still crossing my arms.Hinawakan niya naman ang magkabilang braso ko.

"What's wrong? Na-offend ka ba sa ginawa ko? Ganito naman ginagawa ng magjowa di'ba?" I rolled my eyes.

"You're not picking my bag! You should be gentleman to your girlfriend." Napaawang ang bibig niya at natauhan nang kinuha niya ang bag sa likod ko.Hindi naman ganoon kadami ang laman ng nasa bag ko kaya hindi iyon ganoon kabigat dalhin.

Pinagtitinginan kami ng ibang studyanteng nakasalubong namin lalo na ang mga babae nang nakita nilang kasama ko si Lorenz,yeah he's one of the heart-throb here in campus.Ang iba ay nagbubulungan pa habang nakatingin sa'min kaya halatang kami talaga ang pinaguusapan.

Sa hindi kalayuan nakita ko si Kuya naghihintay sa mismong gate palabas ng school.Nakatayo siya doon at nakatingin sa direksyon namin.Parehas lang kami ng features ni Kuya pero ang pinagkaiba lang namin ay ang paguugali,kung ako ay nagi-entertain sa mga lalake,siya naman ay hindi nakikipagusap sa mga babae.Nasa akin lang ang atensyon niya at hindi sa mga babaeng nagkakagusto sakanya at kahit nahahalatang pinag pantasyahan na siya ng mga babae sa paligid niya ngayon kahit magaganda sila ay wala siyang pakialam.

"Don't tell kuya that you're my boyfriend."

Napatingin si Lorenz sa'kin kahit hindi ko ito nakikita dahil deretso lang ang tingin ko kay Kuya na ngayong naniningkit na ang mga mata.Singkit na nga, sumisingkit pa lalo.

"I know because your parents was strict,right?"

Hindi ko na sinagot si Lorenz nang sinalubong ako ng yakap ni kuya at hinalikan sa cheek.Tumitig pa siya sakin saglit na parang may gusto siyang tanungin pero lumingon ito kay Lorenz at bumaba ang tingin nito sa bag ko na hawak niya.Nagpalipat-lipat lang ako ng tingin sakanilang dalawa,walang masabi dahil umuurong ang dila ko.

"Uh..Ako nga pala si Lorenz,friend ni Kaily." Nilahad pa ni Lorenz ang kamay niya sa harap ni Kuya at tinitigan niya lang ito.Kinagat ko ang mga daliri ko dahil alam kong hindi iyon basta-basta tatanggapin ni Kuya kasi alam ko sa expression niya palang ay may hindi na siya nagugustuhan. Dahil sa pinapakita ni Kuya,binaba nalang ni Lorenz ang kamay niya.

"I just want to help your little sister because her bag looks so heavy." Pinipigilan ni Lorenz na hindi mautal.Nahalata kong natakot siya kay Kuya pero hindi niya pinapakita.Nakatitig lamang si Kuya sa kanya at walang pag alinlangang kinuha ang bag ko na hawak ni Lorenz tsaka ay bumaling na siya sa'kin.

Waves Of DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon