Chapter 2

13 2 0
                                    

A Living Soul

-

Nagising na lamang ako nang niyuyugyog ako ng kapatid ko.

"Breakfast is ready! Wake up!" Gising saakin ni Bianca at nagtatatalon pa sa kama ko.

"Maria, Bianca, bumaba na kayo. Nagluto ako ng favorite niyo." Bungad ni daddy sa pinto.

"Uy ate, pancakes whaaa!" Dali-daling bumaba si Bianca sa kama at tumakbo palabas. Binuhat ni daddy si Bianca at bumaba na sila.

"Sumunod ka na lang!" Sigaw saakin ni daddy.

I fixed myself at inayos ang kwarto ko bago lumabas. Pagkatapos noon ay bumaba at pumunta sa dinning. Nakita ko sila doon na kumakain na.

"Here ate, nilagyan na kita sa plate mo with chocolate sryup on top." And she giggled. Kinurot ko na lamang ang pisngi niya dahil sa katabaan nito.

"Thank you! Ba't sayo ang dami?" Puno ang plato niya ng pancakes. Iba talaga ang katakawan ng batang ito.

"I'm hungry!" She pouted na akala mo ay mauubusan. Tinawanan na lamang namin siya ni daddy.

Hanggang kumakain, biglang may pumasok sa isip ko... ang nangyari kagabi.

"Ain't gifted for the life that I want, but still thankful for the things that I met...you."

"Ain't gifted for the life that I want, but still thankful for the things that I met...you."

"Ain't gifted for the life that I want, but still thankful for the things that I met...you."

Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko. Ano bang nangyayari saakin?! After breakfast pumanik ulit ako sa kwarto. Dahil si daddy at Bianca manunuod muna ng princesses sa baba, kailangan pakisamahan ng matatanda ang bata. Well, si daddy talaga ginagawa ang lahat mapasaya lang kami. We're greatful having a dad like him.

Binuksan ko ang laptop ko habang nakaupo ako sa malambot kong kama. I saw my friends, online. Kaya napagdesisyonan kong mag-groupcall kaming tatlo.

"Hello girls!" - bungad ni Mj na may make-up sa mukha.

"Good morning." Bagong gising na si Cassie.

"Ang aga aga may make-up ka agad sa mukha Mj, baka pagalitan ka na naman." Sambit ko kay Mj pero 'di niya ko napansin. Dahil sa pagsingit ni Cassie.

"Usap lang kayo diyan, I'm going to fix myself." Paalam ni Cassie.

"Go girl, mukha kang dracula sa istura mo." At nagtawanan kaming tatlo.

We spend our time in home. Tamang chikahan, kwento lang kaming tatlo. Pag may bakla ka talagang kausap 'di ka mauubusan ng topic. Tawanan kami ni Cassie dahil sa mga pinagsasabi ni Mj. Halos sumakit ang tiyan namin kakatawa sa mga jokes niya.

Matapos ang usapan namin ay nag-offline na ko. Nagkalkal ako sa damitan ko kung ano dapat ang suotin. Kasi may napag-usapan kami ni Lukas na magkita ulit mamaya doon, kung saan namin natagpuan ang isa't-isa.

-

"Lagi ka bang nandito?" Tanong ko kay Lukas nung gabing yun.

"Yep, always." Tipid na sagot niya.

"Pwede ba ulit ako pumunta dito?" Tanong ko ulit.

Natawa siya sa sinabi ko. Kahit wala naman nakakatawa doon. "Oo naman, I do not owned this place." Ngising sambit niya. Tumango ako lamang ako at ngumiti pabalik. "Pwede kang pumunta dito hangga't gusto mo."

Wings Of Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now