Last Chapter

12 2 0
                                    

Maria Oceana

-

"Handa kana ba?" Tanong saakin ng isang Anghel.

Tila napapaisip pa rin ako, sasaya ba ulit ako? O ganun pa rin ang kapalaran ko katulad noon? Bumuntong hininga na lamang ako sa pag-iisip.

Namuhay ako ng mapayapa, at walang pinoproblema. Para lamang ako nasa isang paraiso, may sariwang hangin, huni ng mga ibon, punong-puno ng mga puno na may bunga, at mga bata at matandang nagsasaya, tsaka mga hayop na turing sayo ay parang isang kaibigan.

Ganto pala ang pinagmulan ng aking ina. Pero nawala rin siya at sumakibilang buhay ulit, pero sino na siya ngayon? Masaya kaya siya? May masayang pamilya?

'Di ko pa rin makalimutan ang mga taong naging malapit saakin. Humarap ako kay Anghel at niyakap ko ito. At hinaplos ko ang kanyang malalambot na pakpak na nasa kanyang likod.

Tinanggal ko ang pagkakayakap ko at ngumiti. Gagawin ko to para sa aking sarili. Sa lahat ng pinagdaan ko, isa na rin tong aral para saakin.

"I'm ready."

"Babalik ako."

-

3rd Person Point of View.

"Manganganak na yata ako." Sabi ng isang babaeng na napapapikit na lamang sa sakit.

"Fuck! Wait the car." Tarantang sabi ng lalaki. Hindi ito mapakali sa kanyang ginagawa.

"Alalayan mo ko! Isakay mo ko sa sasakyan!" Sigaw sigaw ng babae.

Inalalayan naman ng lalaki ang babae at isinakay sa sasakyan. Agad naman binuksan ang engine ng sasakyan, at agad pinaharurot sa hospital.

"You're gonna be okay, baby." Sambit ng lalaki sa babae. "Nandito na tayo." Dagdag pa niya.

Inalalayan ng lalaki palabas ang asawa niyang buntis. At pinasok sa hospital. Nang makita ng mga nurse ang mag-asawa agad nilang dinaluhan ang babae. At pinasok ito sa operating room.

Ang lalaki naman ay naghintay lamang sa labas ng operating room, hindi mapakali at kinakabahan. At laging sinasabing. "Everything gonna be alright." Lagi niyang bulong sa sarili.

Sa kakahintay niya, at wakas lumabas na ang doktor.

"Doc, how is she?" Tanong niya sa doktor.

"Congratualations, it's a girl." At agad na kinamayan ng doktor ang lalaki.

Naiwang nakatulala ang lalaki sa labas ng operating room. May isang lumabas na nurse at sinabi niyang maghintay muna siya at ililipat lamang siya ng kwarto. Tumango-tango na lamang ito.

Hindi niya mapaliwanag sa kanyang sarili kung gaano siya ngayon kasaya. Napapangiti na lamang ito mag-isa.

Nang sinabihan siya ng nurse kung saan kwarto siya nilagay, agad-agad naman tong pumunta doon. Nakita niya ang asawang mahimbing na natutulog sa puting kama.

Tumabi ito sa kanyang asawa at hinaplos ang kanyang buhok. "Thank you for making me happy." Sambit niya sa mahimbing na natutulog na babae.

Nilibot niya ang tingin niya sa paligid at nakita ang kalendaryong nakasabit sa pader. At nakita niya doon ay August 12, 2022, august pala pinanganak ang kanyang panganay na anak. Napangiti na lamang ito dahil sa naalala niya.

May pumasok na isang nurse sa loob ng kanilang kwarto. May buhat buhay ito na isang sanggol, ang kanyang anak.

Binigay naman ng nurse ang bata doon sa Ama. At kinuha naman niya yun.

"Hello, little fella. Daddy's here." Kausap niya sa batang mahimbing na natutulog. Binaling niya ang tingin niya sa asawa at gising na pala ito.

"She's beautiful." Saad niya sa asawa. Pinakita niya ang batang karga-karga niya. At napaluha na lamang sa tuwa ang kanyang asawa.

"I make it." Ngiting sambit ng babae. "We make it." At tuwang tuwa ito.

"Aalagan ko kayong dalawa, you and this little fella will be my priority for now on."

Walang ginagawa ang pamilya sa kwarto, kundi magsaya. Pero mag isa pa silang nakakalimutan. May kumatok doon at dumukwang ang isang nurse. May hawak itong listahan.

"Excuse me po. Matanong ko lang po kung ano ang ipapangalan sa bata?"

"Anna..." hindi naituloy ang sasabihin ng babae ng sumagot agad ang kanyang asawa na lalaki.

"Maria Oceana."

Wala nang nagawa si Cassie sa sinabi ni Lukas. Napangiti na lamang si Cassie, dahil sa hindi pa rin niya nakakalimutan ang kaibigan niyang namayapa.

-

Cassie's POV

"Maria, wag kang tumakbo!" Sigaw ko sa aking anak. Nakikipaghabulan ito sa kanyang Ama.

"Ayan na si daddy!" Habol naman ni Lukas kay Maria. Masaya akong pinagmamasdan sila.

Nandito kami ngayon sa park at nagpicnic. Napabaling ako kay Lukas ng umupo ito sa tabi ko.

"Nasan si Maria?" At nilibot ko ang mata ko sa paligid.

"She's playing with the kid, over there." Sabay turo doon sa lalaking kausap ng aking anak.

Limang taon na rin ang lumipas simula ng pinanganak ko Maria. Nakita ko si Maria tumatakbo papunta dito.

"Mommy, penge candies." Hingi niya saakin. Binigyan ko na lamang ito at hindi na tinanong pa.

Pagkabigay ko ay agad agad naman itong umalis sa aking harapan at tumakbo sa kanyang kalaro. Kitang kita ko ang pagbibigay ng candies sa kausap niya kanina.

"She's really look like her." Sambit ni Lukas.

"Yeah." Tipid na sagot ko at ngumiti.

Napailing na lamang ako, kagaya na kagaya nga siya ni Maria. Mabait, matulungin, kagaya na lamang ng pagpapalaki ko sa kanya nung unang buhay niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wings Of Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now