Chapter 4

6 1 0
                                    

Please don't...

-

Naisipan kong maglibot ulit, tila 'di mawala sa isip ko si Lukas. Paano kaya kung buhay pa ko at siya ang makakasama ko? Bumuntong hiningan ako kasi imposible naman mangyari ang mga iyon.

Naglalakad ako sa gitnang kalsada kahit madilim na. Walang katao katao, ako lamang mag-isa.

Nakarinig ako ng isang tahol ng aso, hinahanap ko kung saang tahol galing iyon. Nahagip na lamang ng mata ko ang asong iyon, sa tapat ng isang bahay na kulay asul.

"Bronson!" Tawag ko. Alaga nila Mj iyon. Tumakbo ako patungo doon. Walang tigil ang pagtahol saakin ng asong askal, tila ba'y nakikita ako. Doon ko napagtanto totoo ang kasabihan na iyon, nakikita ako ng asong ito.

"Bronson, nasan ang amo mo?" Tanong ko sa walang muwang na aso. Alam ko naman hindi ako masasagot nito.

Dumiretso ako sa loob ng bahay nila Mj, wala ang sasakyan ng magulang niya. Siguro may pinuntahan ang mga iyon. Pero ang motor ni Mj, nasa labas ng kanilang garahe.

Walang pagdadalwang isip na pinasok ko ang bahay nila. Tahimik iyon, pero nakabukas ang mga ilaw. Sigurado akong nandito si Mj.

Nilibot ko ang bahay nila, sakto lang ang laki noon. Pumanik ako sa taas at nakita kong bukas ang isang pintuan. Pinasok ko iyon at nakita ko si Mj, mahimbing na natutulog. 

Natatawa na lamang ako dahil sa disenyo ng kwarto niya. Punong puno ng male models. Nakakamiss din makipagharutan  sa mga kaibigan ko.

Naupo ako sa gilid ng kanyang kama at sumandal sa pader. Pinagmasdan ko na lamang ang tulog na si Mj, hanggang sa nakatulog din ako.

-

Nagising na lamang ako dahil sa maingay na patugtog.

"Like a virgin!" Kita kong kanta ni Mj, at sumasayaw sayaw pa ito. Natatawa na lamang ako dahil sa pinag gagawa niya.

"Hay nako! Ano kaya pwede kong suotin sa mga ito? Hmm..." sabay kalkal niya sa kanyang damitan. At pagkatapos noon ay nag make-up naman siya.

Kita ko ang paglagay niya ng makapal na eye liner sa kanyang mata, nagkilay, at naglagay ng pulang lipstick sa kanyang labi.

"Oh! Kabog!" Tingin niya sa salamin. "For sure maiinggit si Cassie at Maria sa beauty ko!" Tawang sabi niya at napawi iyon nang maalala niyang wala na pala si Maria, wala ako.

Sumilip ako sa bintana sa kwarto ni Mj, nakita ko ang sasakyan ng magulang niya. Oh my god!

"Mj, burahin mo na yan. Ngayon na!' Sigaw ko sa kanya. Paano ba to?

"Like a virgin, in every first time!" Kanta pa niya at pasayaw sayaw sa loob ng kanyang kwarto.

Hindi ko alam kung paano ko matutulungan si Mj, tiyak ako na mapapagalitan ito. I hate this scene!

"Mj, anak. Nandito na kami." Nakita ko ang bakas ng pagkagulat sa mukha ni Mj.

"Yeah, your dad is here." Sambit ko kahit 'di niya ko naririnig. Napakagat labi na lamang ako. Wrong timing ang make-up mo sis!

Nakarinig ako ng yapak, alam kong sa hagdan yun. May papanik, sana si tita. Please please.

"Johnson." At niluwa sa pinto ang papa ni Mj.

"Mj, anak." Tsaka si Tita. Kita ko sa gulat sa kanya.

"A-Ah pa. N-Nandito na pala kayo." Lumapit siya sa papa niya para magmano. Pero nilayo ni Tito ang kamay niya para hindi ito mahawakan ng kanyang anak.

Wings Of Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now