I'd like to thank my friends @KaiUwe86 and @jhenacheco for keeping me sane. Thank you!
I had trouble sleeping today and played Penny Tai's Ni Yao De Ai on loop and it this is the result. 😅 It's is my first time uploading my written work and nothing has been finalized yet. I look forward to your feedback. Arigatou!
"Rose! Sandali!" sigaw ng kaibigan kong si Ish. "Ang bilis mo naman maglakad! Teka nga!" pahingal niyang habol.
"Oh?" tanong ko.
"Papunta ka ba sa Lecture Hall 3?"
"You know my schedule. Mas saulado mo pa nga kesa sakin tapos nagtatanong ka pa?"
"Ay wow teh, kung di lang ako concerned sa'yo sinabunutan na kita." She rolled her eyes.
"What are you trying to say?" Nagtaka ako.
"Wag ka muna pumasok. Wag kang papasok, okay? OKAY?!"
"Give me a good reason not to. Sabihin mo na lang kasi. May problema ba?"
"Si ano... Basta! Wag ka muna pumasok please." pagmamakaawa niya.
"Okay, okay, pero sabihin mo sa akin ang nangyayari."
-----------------------------
"I can't believe nagcutting class ako dahil sa'yo. Sinira mo yung perfect attendance ko!" I glared at her.
"Beb, you should be thankful. Niligtas lang naman kita sa kapamahakan. Alam mo naman ngayon, delikado ang panahon. You'd be in deep shit if it wasn't for me." sabi ni Ish na nakaupo sa harapan ko. We're having milk teas in our favorite cafe a few blocks away from the university.
"Ano ba kasi?"
"He's back. That bastard, Adrian. He's back."
Napatigil ako sa paghigop ng milk tea at napaubo. Agad naman ako inabutan ni Ish ng tissue.
"Okay ka lang? Kanina ko lang din nalaman. I would've told you sooner if I knew." pag aalala niya.
"Honestly... di ko alam ang sasabihin ko. I can't say I didn't expect him to be back but it's too soon. It's been only two months."
"I know right. Sana di na siya bumalik." gigil niyang sagot.
Adrian, my ex-boyfriend of two years, came back from France. We were childhood friends even before nagging nobyo ko siya. You could say we've practically known each other since forever. We looked good together. We were good together or so I thought. Kaya sobrang pagkabigla na lang ng friends ko na naghiwalay kami. Adrian and I didn't tell our families that we broke up kasi ayoko masaktan lalo na ang mga mommies namin na mas excited pa sa amin when we told them we were dating. Si Ish lang at Anthony nakakaalam ng katotohanan.
"I should ring Anthony. Baka kailangan natin magpa pray over para di ka lapitan ng demonyo." Ngumisi siya na parang lukaret. Si Anthony ay isa pa naming malapit na kaibigan.
"Siraulo ka talaga beb. Okay lang ako. It's not like maiiwasan ko na makipagsalamuha sa kanya. Magkapitbahay lang kami 'no." Natatawa kong tugon.
BINABASA MO ANG
A Rose's Thorn
Romance"How are you?" I just looked at him. "Babe...please?" inabot niya ang kamay ko "Stop calling me that. Wala ang parents natin dito. Drop it." He looked hurt. The last time we saw each other was when I broke up with him dito sa garden. "Until when are...