Part 2

12 2 0
                                    



"Rose?" katok ni mommy sa pintuan.

"Bakit 'my?"

"Make sure to dress up later at dito maghahapunan sila Tita Marites mo" excited na sabi niya.

Natahimik ako.

"Anak? Is everything okay?"

"Okay lang ako 'my... Pagod lang siguro"

"Adrian is back! Make sure you look presentable ha, anak? I'm sure miss mo na rin ang boyfriend mo"


"Yes 'my."

If you only knew 'my, if you only knew. Napabuntong hininga na lang ako.


--------------


I braced myself and went down the stairs. Ayoko makita ang pagmumukha ni Adrian but it's not like I have a choice. Di ko siya pwedeng iwasan lalo na't di alam ng pamilya namin ang nangyari.

"Rose darling, lalo kang gumaganda tuwing nakikita kita" bungad ni Tita Marites.

"Pareho tayong gumaganda Tita." biro ko sabay beso ko sa kanya. Si Tita Marites ang mommy ni Adrian at best friend ng mommy ko.

"Why don't you and Adrian get married so your mom and I will have babies to play with?" pabiro niyang balik.

"Mom, don't pressure her." sabi ng boses sa likod ni Tita Marites.

"Shit" Napausal ako sa isipan ko. Speaking of the devil.

"Hi babe! I missed you" halik niya sa pisngi ko.

"Adrian." pilit kong ngiti.

"Ang gwapo at ang ganda niyong dalawa, bagay na bagay. Siguradong magaganda at gwapo din ang magiging apo namin sa inyo." tudyo din ng mommy na siyang ikinatuwa ni Tita Marites. I just smiled and stopped myself from saying words I'd regret later on.

"Kuu kayong dalawa! Tigilan niyo ang mga bata. Sa mesa na natin ituloy ang kamustahan at gutom na kami ng kumpare ko" saway naman ng daddy ko na katabi ni Tito Luis.

----------------


"Hija, ilang buwan na lang at graduation niyo na. Anong regalo ang gusto mo?" tanong ng daddy ni Adrian. Kaharap ko siya sa mesa habang nasa kanan ko naman si Adrian.

"Don't bother Tito Luis. I couldn't ask for more. Sobrang bait niyo po sa'kin ni Tita Marites."

"Pamilya ka para sa amin, hija. Please humor this old man." daing niya

"Darling, pagbigyan mo na ang tito mo." dagdag pa ni Tita Marites.

"Well if you insist... Balak ko sana ipa customize si Klare." Si Klare ang Audi A4 na regalo sa'kin ng daddy ko noong ika-18th birthday ko.

"No problem hija. Dalhin mo lang sa talyer, ako ang bahala kay Klare" agad naman ikinatuwa ni tito ang request ko.

"Thank you Tito." ngumiti ko sa kanya. 

A Rose's ThornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon