(7:30 am)
From: Danica
Sorry hehe ngayon lang ako nagkaload. Our driver will pick you up today. If he does something bad to you, tell me. I will break his bones. Ingat!
"Bunso! Andito na si Future Bayaw! Hinahanap ka!" sigaw ni kuya mula sa baba.
Punyemas! Bakit andito yan!
"Bilisan mo! Inaantay ka niya doon! Papasok nako sa trabaho ko! Bye baby sister!" sigaw ni kuya. Nandidiri ako sa baby sister niya errrr.
Mabilis akong bumaba ng hagdan at salubungin ang mokong.
"Anong kailangan mo?" inis na tanong ko.
King ina! Nagmamadali ako putragis ka!
"Asan ang bagahe mo?" tanong niya.
Ngumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Para saan ang bagahe? Eh pupunta lang naman ako sa bahay ni Danica?" tanong ko pabalik.
Napataas ang kilay ng gago na para bang may mali sa sinabi ko.
"Future bayaw! Eto na pala ang bagahe ni Allison! Tatlong bagahe atsaka isang malaking bag! Kuya! Paki lagay nga po ang mga bagahe at bag ni Miss Alyzon sa kotse ng magiging asawa niya." utos ni kuya sa driver niya.
Pot--- AKALA KO BA NAKA ALIS NATO?!
"KUYAAAAA! ANONG AKALA MO SAKIN?! DOON AKO TITIRA HABANG BUHAY?!" Sigaw ko mismo sa mukha ni kuya.
Nakakainis kasi.
Ngunot noong tinignan ako ng baliw kong kuya.
"Aba Alyzon, Hindi ba't sabay kayo pupunta ni Danica sa school nyo mamaya? Syempre dadalhin mo ang mga bagahe at ang bag mo kasi Monday na bukas at klase nyo na, hindi ba?" Sermon sakin ni kuya habang nakapameywang.
Ok po. Sorry po, I'm false.
"Ayaw mo bang bumalik sa Serenity High?" Naka taas ang kilay na tanong sa akin ni Killian. Napangiwi nalang ako. Pinagtutulungan ako ng dalawang bwisit.
"Sir, andoon na po sa likod ng sasakyan nyo ang bagahe ni Miss Alyzon" sabi ni kuya driver.
Nakita ko naman na ngumiti ang loko.
"Just call me Ian. And next time, please call Alyzon as Mrs. Castellano, because she's my Wifey." sabi ni Ian at kumindat pa sakin.W-wifey?
"A-anong wifey kajan? Di tayo kasal ulol! Ni hindi nga tayo magjowa eh!" Sabi ko sa kaniya.
Totoo naman ah!
Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sakin.
Hoy puta! Bakit sobrang lapit!
"Then, be my girlfriend, Alyzon. Be my future wife, honey." sabi nito at ngumiti ng matamis.
YOU ARE READING
HOPLOPHOBIA (Phobia Series #1)
Mistero / ThrillerPhobia series #1 Collaboration with; @icecreeameu @Ianaa_Y @yanana_banana @Mccnl1ght Hoplophobia - The fear of guns. Alyzon Zelle Seviria, A girl who is afraid of guns because of her past. One day, She bumped in to a member of a mafia group-and he...