Chapter 11 - Can i just go back home?

36 7 4
                                    

Nyssa's

Noong mga nakaraang linggo namasyal si Kuya Mark at Cailean, noong mga nakaraang araw din napansin ko na super busy sila sa kanilang mga trabaho at halos wala na silang oras magkita dahil aligagang aligaga ang mga ito sa kani- kanilang trabaho, Ang pokus muna nila ay ang kani-kanilang trabaho, Si kuya Cailean ay Isang Teacher dito sa Dublin at hindi kami parehas ng School na pinapasukan at naintindihan ko naman yun dahil mahirap din maging isang guro medyo Nakakairita din lalo na't pag makukulit ang ibang estudyante, naranasan ko na iyon noong naging Student Teacher ako o counterpart ng English Subject, Nagturo ako, may ibang nakikinig at meron namang hindi. Ang masama ay yung iba nakakainis dahil may iba silang pinagkakaabalahan at pagsinita mo naman ay sasagutin ka pa, Kaya mahirap din maging isang guro.
Si Kuya Mark naman ay pinaghahandaan ang mga kanta niya sa Fire album, Hindi na ako makapaghintay na marinig ang mga kanta niya dahil super fan niya ako. Pag naiinip ako sa school ayun lagi ang iniisip ko, Naalala ko noong nagrecord siya ng kanta, Dalawang kanta na Sanctuary at Only You, Napaka ganda ng mga kantang iyon at nastock na sa utak ko yung napaka ganda niyang boses, Kailan kaya ulit yun mauulit? Sana maulit at imbitahan niya ulit kami, Pero hindi ko din alam Maaring si Kuya Cailean na lang ang imbitahan niya dahil super nagiging close sila at alam ko naman may gusto si Kuya Mark kay kuya Cailean, Ewan ko ba Syempre gusto nila magkaroon ng oras na sila lang dalawa ang magkasama. Siguro Pero Hindi ko din alam, tingnan na lang muna natin.

Kagigising ko lang pero nakaupo lang ako sa kinahihigaan ko nagiisip ng mga pangyayari noong nakaraan, Namimiss ko lang talaga dahil super saya non. May napansin ako at biglang umilaw ang aking cellphone dahil may nagnotification sa akin. May isang message at dali-dali ko itong binuksan.

"Faye, Bumangon ka na jan. May pasok ka pa. Mamaya baka malate ka pa sa School niyo at mapagalitan ka nanaman ng Teacher niyo. Sensya na anak kung wala kami jaan, Super busy lang talaga sa trabaho si Mama at Daddy mo. Bawi ulit kami sayo, Malay mo sa linggo maulit uli yung ginawa natin noong nakaraan, Bangon ka na jaan! Love you Nak!"

*May mga ngiting bumalot sa Mga muka ni Nyssa at tumayo na siya at naghanda dahil may pasok nga pala siya, Alas Singko na ng umaga non at wala pa din siya sa sarili dahil may pakiramdam siya na ngayung araw na ito ay medyo tinatamad siya pumasok.*

Ano ba yan, Nakakatamad pumasok, bakit ba kasi ang boring ng buhay ko. Bakit parang wala akong magulang na gumagabay sakin, Walang gumigising sakin, puro text nalang ba, Ang hirap kasi maayos nga ang mga trabaho nila pero wala naman silang oras para sakin. Hay ewan ko ba, Siguro Kailangan ko nalang talaga magtiyaga, Atleast naibibigay nila yung mga pangangailangan ko. 

Hayst *buntong hininga niya*  papasalamat nalang din ako na kahit busy sila suportadong suportado nila ako, di man sa lahat ng oras nandito sila, ang importante nandyan sila para sakin. Ayoko na magreklamo, ganyan talaga buhay, Magaaral nalang talaga ako ng mabuti para sa kanila, para maging proud sila sakin.

Ano kayang pwedeng umagahan??  Ano kayang meron sa ref,
Uhmmm, May Chocolates, May Gatas, Cookies, Biscuits, may itlog at hotdog, May tinapay naman kaya? Ayun meron. Lutuin ko nalang muna yung hotdog at itlog para may palaman ako sa tinapay.

Anong oras na ba?? 5:30 na ngayun may oras pa naman, 7:30 naman pasok ko, hindi ako nagmamadali ngayun.

Niluto na ng Dalaga ang kanyang umagahan at agad itong napaisip muli, Lagi siyang ganito tuwing umaga kaya hindi niya na napapansin na tumatakbo ang oras at lagi siyang nagmamadali pagpapasok dahil andami niyang naiisip at lagi siyang nagiging lutang.

Nako, Musta kaya si Shirley at Ivy? Nagawa na kaya nila homeworks nila? Sana naman nagawa na nila alam ko den mga tamad yun, at baka kumopya lang den sakin yun mamaya. Bahala na tapusin ko nalang tong kinakain ko tapos maliligo na ako.

I Will Reach You - Mark Feehily FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon