~~~~> CAMPUS COUPLE ~ ♡
CHAPTER 4: DORMITORY.
Suzy’s POV:
Sa kabilang banda, si Suzy ay super duper excited ngayon. Uwian na kasi nila at ilalagay na lang nila ang iba nilang aklat sa kanilang locker bago sila pupunta sa kanilang dorm para magpahinga.
Yura: Hindi mawala-wala yang ngiti sa labi mo ah?
Sabi ni Yura sa akin habang nilalagay ang Geometry book nya sa kanyang locker.
Suzy: Excited na talaga kasi ako. Imagine? First time kong mararanasan ang mag-dorm.
Jihae: Ako rin ‘no. Excited na excited dahil sa wakas apat na rin kami sa dorm. Kailangan pala nating magcelebrate. Gusto nyo bang magpadeliver tayo sa McDo ng dinner natin nang hindi na tayo umalis pa sa dorm at magpunta ng canteen?
Yura: Nice idea! Nakakapagod na ring bumaba papuntang canteen ‘no.
Jihae: Tama ka dyan. Tara na nga sa dorm.
Mga approximately 5 minutes bago namin narating yung dorm. Habang paakyat kami nadaanan namin sina Minah sa sala na nagkukwentuhan kasama si Sheena at ilang mga 6th year students. Nag-‘hi’ sila sa amin bago ipinagpatuloy ang kanilang mga kuwentuhan.
Sa wakas, andito na rin kami sa room namin. Pagpasok namin ay nakita naming si Jiyoung na nakahiga sa kama habang nagla-laptop. Naka-on na rin ang aircon.
Jiyoung: Oh, andyan na pala kayo. Musta?
Yura: Ayos lang, teka bat naka-on ang ilaw sa c.r.?
Jiyoung: Ay, sorry! Nakalimutan kong patayin.
Si Jihae na ang pumatay ng ilaw sa c.r..
Jiyoung: Hi, Suzy.. bumili nga pala ako ng mga biscuits and curls.. naisip ko kasing maglaro ng truth and dare mamaya.. to know more about you at syempre sa amin. At after that, let’s have a midnight snack.
BINABASA MO ANG
Campus Couple ~ ♡
FanfictionSi Suzy ay isang transferee student sa Pledis University kung saan nakilala nya ang mga true friends at ang brokenhearted na si Kiseop. Anong mangyayari kung bigla syang niyaya nitong makipagdate? Read to find out!