Chapter 37: Complete

115 4 8
                                    

ARCI's POV

Nang mayari kaming mag-usap ay nag-ayos ako saglit dahil baka muka na akong halimaw, imposibleng hindi kumalat yung make-up ko sa tindi ng iyak ko!

Baka mapangitan sa akin si Ian at iwan na lang ako bigla!

Nang bumalik ako sa kina-uupuan namin ni Chairman Park kanina ay wala na sya dun... 

Nag-tungo na ulit ako pabalik sa likod at ng makabalik ako dun ay...

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU"

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU"

"HAPPY BIRTHDAY DEAR ARCI"

"HAPPY BIRTHDAY ARCI!!!!!!!" sigaw nila ng matapos silang kumanta.

Nahinto ang paningin ko sa gitna ng lumaba dun si Ian na may dalang cake at bulaklak, narinig ko naman ang mga pangangantyaw nila Mia at nung mga bata sa gilid pero hindi ko yun pinansinat nanatili lang sa kanya ang paningin ko.

"Happy Bithday" bati nya ng makalapit sya sa akin, sinubukan kong pigilan ang mga ngiti ko pero hindi ko magawa!

Inabot nya sa akin yung bulaklak na agad ko namang tinangap, iniharap nya sa akin yung cake "Make a wish" 

"Wala akong wish ngayon" sabi ko sa kanya at nagtataka naman nya akong tinignan "I have evrything ang that's enough because i feel that everything in my life is already complete" nakangiting sabi ko sa kanya at sinuklian nya din yun ng napaka-tamis na ngiti.

"Tigilan na yang sweet sweet na yan may mga naiingit oh! Tara na sa lamesa para maka-lamon na ako!" natawa naman ang lahat kay Mia ng isigaw nya yun.

Magkatabi kami ni Ian nandito kami sa dulo ng lamesa nag-so-solo hahaha.

Magkakasama naman ang parents ko at parent ni Ian, si Mia naman ay kasama si Charlotte at ang mga bata.

"Nasan nga pala yung Lolo mo?" tanong ko kay Ian ng hindi ko mapansin yung Lolo nya.

"Ahh nagpaalam na sya kanina, may emergency ata" sagot nya habang nilalagyan ng pag-kain yung plato ko.

"Tama na yan" pigil ko sa kanya ng makita kong umaapaw na yung plato ko sa dami ng laman.

"Eat more" 

"Ayaw ko, kailangan kong i-maintain ang image ko, ayaw kong maging katulad ni Bella" inis na sabi ko sa kanya.

Siguro nagtataka kayo kung anong itsura ni Bella Yui. Hindi sya ganon katangkad at hindi din sya bansot, tama lang pero mas matangkad pa din ako, flat ang tyan nya pero masaydo namang malapad kaya medyo malaki ang waistline nya, masyadong pale ang balat nya, singkit ang mata at kadalasan hindi ko alam kung may mata pa ba sya kasi palagi yun natatakpan ng sobrang kapal na fake eyelashes, malaki yung bibig nya kaya kung-ano-anong basura ang lumalabas at pumapasok duon, manipis ang kilay nya yung para sina-unang kilay pa, hindi ko nga alam kung totoo ba yung kilay na yun o kung may kilay pa ba sya, sobrang tangos ng ilong nya kaya naman agad mong mahahalata na nagpa-retoke talaga sya... yan ang itsura ni Isabella Yui.

Kung yung muka naman nung ex ni Ian ay---tsh sa kanya nyo na lang tanongin naiinis ako sa tuwing naiisip ko yung dalawa na yun!

"Ang arte nyong mga babae" 

"Tsh, manloloko naman kayong mga lalake" ganti ko sa kanya at sinamaan nya ako ng tingin, tsk sya ang nagsimula tapos sya ang mapipikon.

"Pano mo naman nalaman eh ako ang unang boyfriend mo"

"Base sa mga nababasa at napapanood ko" sagot ko sa kanya.

"Tss baka nga ako ang first kiss mo eh" mayabang na sabi nya pa.

"Eh ikas sino ba first kiss mo? Si Angel?"

"Hindi, madami akong fling nung college eh, at yung iba sa mga babae na yun ay ako ang first kiss at ako din ang first nila" mayabang na sabi nya kaya naman napairap ako.

"Tss Oo ikaw ang first boyfriend ko pero hindi ko sure kung ikaw din yung first kiss ko, pero para sa akin ay first kiss kita dahil ikaw pa lang yung lalaking hinalikan ko ng buong puso at may halong pagmamahal"

"Panong hindi mo sure?" nalilitong tanong nya sa akin.

"Tsk, artista ako at meron akong mga movies na Rom-Com at may mga kissing scene dun"

"ANO?!"

"Wag ka ngang maingay!" bawal ko sa kanya.

"So ibig mong sabihin ay madami ka ng lalaking nahalikan bago ako?" 

"Oo naman, tsh anong klaseng romance movie naman yun kung alang kissing at bed scene"

"Bed scene?! What the fu---" tinakpan ko yung bibig nya.

"Wag ka ngang mag-mura kita mong puro madre at bata yung nandito eh" bawal ko sa kanya pero tinangal nya kang yung palad ko na nakatakip sa bibig nya.

"Bed scene?" mahina ngunit madiing sabi nya sa akin.

"Oo" sagot ko.

Teka nga, bakit ba nagagalit sya?!

"So sinasabi mo ba na nahalikan ka na ng lalaki sa labi, sa pisngi, sa nuo, sa leeg? Tapos nahawakan na nila yang---yang katawan mo?" pigil na sigaw na tanong nya sa akin.

"Natural alangan namang ten feet apart kami habang may  bed scene" sarkastikong sabi ko sa kanya at kitang kita ko naman kung panong nagliyab yung mga mata nya.

Ano bang problema neto--- N-Nagseselos ba sya?!

Patago akong napangiti dahil sa naisip ko, hahahah nakakatuwang panoorin magselos ang isang Kim Ian Asher...

"Actually meron pa ngang gustong kumuha sa akin nun para sa isang erotic drama eh, alam mo ba sampu mahigit yung bed scene dun tapos gusto pa nila yung nakikita toh" sabi ko atsaka itinuro yung dibdib ko at pinilit kong hindi matawa ng makita ko yung expresyon ng muka nya!

Parang handang handa na syang pumatay sa sobrang talas ng tingin at sa sobrang diin ng pagkakakuyom ng dalawang kamay nya.

"Tapos ang sexy nung leading man" patuloy ko pa "Grabe yung muscles, bicep at abs nya" sabi ko at kinagat ko pa yung labi ko at kunwaring iniisip yun pero sa totoo lang ay gustong gusto ko ng matawa!

"Hey" tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin at masama pa din ang tingin nya at hindi ko na napigilan yung tawa ko "Hahahahahahahahahahahahaha" tawa ko pero hindi nya pa din ako pinansin at lalong sumama yung muka nya kaya naman natawa ulit ako.

Ilang segundo din siguro ang lumipas bago ako huminto "Ouy, Joke lang yun hahahaha, ang cute cute mo kasing magselos eh"

"Hindi ako nagseselos" depensa nya naman.

"Eh anong tawag dyan?"

"Naiingit" sagot nya sa akin.

"Naiingit?" takang tanong ko.

"Oo naiingit ako, gusto ko ding hawakan ang katawan mo, gusto ko ding halikan at dilaan lahat ng parte ng katawan mo, i want to smell and taste you and i think i'll enjoy your flavor, i also want to hear your moan and i want to be your first and your forever" sabi nya na ikinalaki naman ng mata ko.

Hindi ako nakahinga ng ilapit nya ang labi nya sa tenga ko atsaka bumulong "I want to be the one who will take your virginity away" pakiramdam ko ay sinimulan na akong pawisan.

H-He wants to what?!

"But don't worry... Papakasalan muna kita"

~TO BE CONTINUED~

Beauty Inside: The True MeaningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon