Chapter 48 : The Wedding

143 7 3
                                    

ARCI's POV

4 months later.

"Mom, san ba dinala ni Daddy si Ian?" pangungulit ko kay Mommy.

Pinag-hiwalay kasi nila kami, hindi pa kami nag-kikita simula kaninang umaga! Bad luck daw kasi yun.

"Tsh makikita mo din naman sya bukas. But i feel you ganyan din ako bago kami ikasal ni Liam" komento ni Mia.

Nung isang linggo pa dumating si Mia at Liam dito sa Bali, Indonesia, sila Mommy at Daddy naman ay pinuntahan pa kami sa Alaska nung malaman nila na nag-propose na si Ian. Kaya ayun wala kaming alone time sa Alaska! Epal kasi sila Mommy at Daddy!

"Isa ka pa Mia! Alam mo bang nagalit sa akin si Ian kahapon nung nalaman nyang may nag-sayaw na mga lalaki sa harap ko nung isang araw dun sa bachelorette party na in-organise mo para sa akin"

Tinawanan nya lang ako.

Ito kasing loka-lokang babae na toh ang sabi ay mga girls lang yung nanduon tapos nung kalagitnaan ng party piniringan nila ako ng mata tapos nung tinangal nila yun nasa gitna na ako ng mini stage tapos napapalibutan ako ng mga lalaking dancer!

Tapos kalaki-laki ng bumanganga kaya ayun dumulas nai-kwento nya, pati si Liam ay pinagalitan sya.

Na-ayos na namin lahat para sa kasal namin. Akala ko ay sapat na ang three months pero hindi pa pala. Natagalan kasi nilang tapusin yung wedding dress ko!

Ang ganda ng wedding dress ko! I really really love it!

Gaya ng sinabi ko ay ako mismo ang nag-design ng isusuot ng lahat.

Mahigit limang daan yung bisita namin dahil inimbitahan ni Mommy yung mga close friend nya na sobrang dami, yung mga kaibigan at kamag-anak pa ni Daddy pero hindi daw makaka-punta ang Mommy ni Angel at pati na din sya dahil out of country daw sila ngayon, matagal ko na syang hindi nakikita. Yung parents naman ni Ian nag-imbita din ng mga kaibigan at kamag-anak nila, pati na din yung mga close friend ni Ian nung college, yung iba ay nakilala ko na nuon sa reunion tapos ako naman ay yung iilan kong kaibigan nung college ako.

Si Mia ang Bride's maid ko tapos yung anak naman nyang lalaki yung ring bearer namin.

Tapos yung iba naming flower girl ay mga anak ng kaibigan ni Ace.

Si Liam naman ang best man.

"Papunta na ba dito yung mga girls?" tanong ko kay Mia.

Hindi ko pa kasi naiipakita sa kanila yung mga gown nila, katulad ng sinabi ko ay ako ang nag design nun pati na din yung mga suit ng boys, hindi pa din nila nakikita pero pina-deliver ko na.

"Oo, on the way na daw sila"

Maya-maya lang ay nag-datingan na ang mga girls.

Kumpleto kaming lahat ngayon dito at puro babae lang kami.

"Are you ready?" naka-ngiting tanong ko at excited naman silang nag-sagutan, pati tuloy ako ay na-e-excite!

Ipinakita ko sa kanila yung mga gown nila at agad naman akong naka-tanggap ng papuri dahil daw ang ganda!

Napa-ngiti na lang ako habang isa-isa nilang sinukat yung mga gown nila.

Iba-iba yung style ng dress nila pero pare-pareho lang ng kulay, dusty blue. May off-shoulder, sleeveless, long sleeve, halter, may naka-paibabaw din na lace sa skirt nung gown, may medyo dark blue sya na flowers sa dulo ng dress at may mga sparkle din sya.

Pero naiiba yung dress ni Mia dahil sya ang Maid of honour ko and it's also my way of saying thank you because she's always there with me.

Her dress is a dusty blue lace gown with an a-line neckline. Yung top ng sa kanya ay may mga bulaklak na maliliit parang yung ganun sa mga bulaklak sa dulo ng palda ng ibang gown pero yung sa kanya naman ay nasa top, pinuno ko yung top ng ganun tapos may medyo manipis na rhinestone belt, tapos yung gitanang bahagi ng skirt ay nilagyan ko din ng mga bulaklak pababa, yung pinaka-baba naman nung skirt ay pinuno ko ulit nung bulaklak.

Beauty Inside: The True MeaningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon