Chapter 52: Events

169 7 2
                                    

ARCI's POV

Alas ocho na ng mapag-desisyunan ko na mag-gayak para sa party na gaganapin sa bahay ng Lolo ni Ian.

Kanina pa ako pinag-gagayak ni Ian dahil eight thirty daw magsisimula yung party pero tinatamad ako kaya naman heto ako ngayon at nag-mamadali!

I chose black v-neck long sleeve, ankle length maternity dress and a nude colour low block heels sandals and a beige colour coat.

Manipis na makeup lang ang nilagay ko then a pair of diamond earrings and necklace, naka-lugay lang ang buhok ko.

Nang makapag-ready na ako ay lumabas na ako ng kuwarto at naabutan ko si Ian na naka-suot ng black na suit.

Nakangiting lumapit ako sa kanya "How do i look?" tanong ko atsaka ako dahan-dahang umikot sa harap nya.

"You look amazing Babe... except for the shoes, why are you wearing heels? Baka matapilok ka" nag-aalalang sabi nya.

"Babe hindi naman ganon kataas yung heels neto" nakangusong sabi ko.

Narinig kong huminga lang sya ng malalim atsaka umakbay sa akin "Let's go?"

Naka-ngiting tumango ako.

Ilang minuto ang naging byahe namin bago kami makarating sa bahay ng Lolo nya.

Nang makarating kami ay agad kaming sinalubong ng mga bodyguard nila at binati at inalalayan ako pero dahil masyadong seloso ang asawa ko.

Naka-kapit ako sa isang braso nya habang nag-lalakad kaming dalawa.

Nang makarating kami sa loob ng mansion ay lahat ng tao ay napa-tingin sa amin.

Ngumiti ako at nanatili namang seryoso ang ekspresyon ni Ian.

Sinalubong kami ng parents namin "You look stunning tonight iha" sabi ng Mommy nya.

"You also look gorgeous Mom"

Napa-tingin kami sa stage ng mag-salita yung Emcee "Ladies and gentleman may we all welcome Mr. Ian Asher and his Wife Mrs Arceli Christine" the emcee announced, may tumapat sa amin yung spot light.

After nung announcement ay nagsilapitan na sa amin yung mga bisita at binati kami. Maraming natuwa dahil may susunod na tagapag-mana na daw.

Nalaman din nila na kambal ang pinag-bubuntis ko dahil proud na proud yun na ikinuwento ng parents namin.

Maraming lumalapit sa amin na mga businessman, they will say their congratulations to us then after that they will talk about business, yung iba ay may mga kasamang asawa kaya naman nakikipag-usap ako sa mga asawa nila.

Sanay na ako sa ganito dahil medyo maraming beses na din akong sinama ni Ian sa mga business parties at parang ganito lang din ang ginagawa ko sa mga fashion events ko.

Naka-upo sila Ian sa isang round table, puro businessman ang kasama nya ako naman ay nasa kabilang table lang na katabi ng table nila at nakiki-pagusap sa mga asawa nung mga businessman.

"Ilang buwan ka na?" tanong ni Rica na ilang taon lang ang tanda sa akin.

"Seven months" nakangiting sagot ko habang hinihimas-himas ko ang tyan ko.

"Grabe ang hirap siguro mag-buntis ng kambal ako nga iisa lang ang baby na pinag-buntis ko ay hirap na hirap na ako eh" komento naman ni Evelyn.

"Nung mga naunang buwan ay nahirapan talaga ako lalo na ang asawa ko, pabago-bago kasi ang hormones ko"

"Ganyan naman talaga pag-buntis pero piling ko mas mahirap pag dalawa ang laman ng tyan" si Rica.

Beauty Inside: The True MeaningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon