Chapter One

0 0 0
                                    

Disclamer: This a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either products of the Authors imagination and has nothing to do with the present's events and happenings, Any actual resemblance to Any person, living or dead and/or actual events are purely coincidental

The contents of this story; it's plot and it's characters are all   being used in a ficticous manner

ANTARES

JANUARY 5 ,2119

"Rigel, anak, gising ka na ba?", dinig ko'ng sabi ni papa habang kumakatok.

"Opo, gising na po"

"Magmadali ka na may thirty minutes ka na lang".

'Bakit ba kase sabado pa, SABADO, tsk araw ng pahinga ko toh tsk.'

Agad naman akong naligo at saka nagbihis.

"Rigel, mag-agahan ka muna",sabi mama, pagkababa ko

"Ma, bawal po, kumain kung may biyahe sa space, tsk baka magsuka ako dun"

"Oh, siya , bahala ka"

"Kuya, Sa anong division sa military ka nga po pala nag palista?"tanong sa akin ni Glythe, kapatid ko, habang nagpupunas pa ako ng buhok

"Ahh, ang nilistahan ko talaga ay Navy, pero nilipat ako Stellar Strike Force, puno na raw kase, sinubukan ko rin naman sa Air force at sa Army pero pareho na rin silang puno hehe----"

"Ano!?"

Agad akong napalingon kay Papa na nagdugtungan na ang mga kilay

"Di'ba binalaan na kita dyan" dagdag niya pa."Hala sige magbackout ka!."

"Tay' naman, nakapag decide na po ako, at saka, nakapasa na ako sa evaluation, ngayon pa ba ako aatras".Nakanguso ko'ng sagot habang hinihimas pa ang batok ko. "Pero di'ba tay' kahit saang'  division naman sa military puro delekado", dagdag ko pa matapos ko'ng makita na salubong parin ang kilay ni papa. "At saka isa rin naman kayo sa mga magdedesenyo sa mga gagamitin naming ship di'ba?",paninigurado ko pa, bumuntong hininga na lang si papa,

"Owwss, ano naman ngayon kung isa nga ako sa nagdesenyo?"

"Edi alam ko na safe ako, kase, ang alam ko, ang warship na gagamitin ko ligtas, dahil ang pinakamagaling na designer ang gumawa nito,"

Pulit-ulit na lang siyang bumuntong hininga

"Oh sige na, hindi na ako aangal, dahil alam kong hindi ako mananalo nga debate sa'yo", parang wala nang magawa na sabi niya pa. Bahagya naman akong natawa

"Hahaha, kahit hindi niyo ko payagan pipilitin ko parin naman kayo, hahaha"

Nadinig ko ang busina ng taxi na inarkela ko at nagpaalam na ako sa kanila

Pagkapasok ko ng taxi agad na itong lumipad papuntang transport hub, naparami na  ang mga pagbabago na nangyari sa mga nagdaang dekada, Nabawasan ang traffic dahil ang iba naging airborne na, kadalasan sa mga building mas tumaas at mas lumapad, ang pinaka mataas nga ay yung sa shipyard tower.

Lumampas na nga ito sa kardishan line kaya kinalangan gamitan ng gravity generators, dito ginagawa halos lahat ng mga operational na spaceship ngayon, malaki man o maliit.

"Sir nandito na po tayo," sabi nung driver.

"Salamat kuya" sabi ko habang inaabot yung bayad

Ang transport hub ang isa sa mga pinakaliit na building na makikita mo rito, may tatlong palapag lang ito at may isang kilometrong haba na barrel, dito nilalagay ang shuttle at saka tinitira paitaas sa ere gamit ang Electromagnetic Canon

A Soldier In SkyWhere stories live. Discover now