Chapter Three

0 0 0
                                    

ANTARES

NAGISING ang diwa ko nang may marinig akong sumisigaw sa may pintuan. Hindi ko amasyadong narinig ang mga pinagsasabi ng sumigaw kaya bumangon na ako para magtanong-tanong, nakita ko naman si Jam este Yumi, na kakabangon rin.

"Oi, Yumi", nakatalikod si Yumi sa akin kaya medyo nagulat siya sa bigla ko'ng pagtawag ko sa kanya.

"Oh, bakit?.", tanong niya

"Nadinig mo ba ang sigaw ng lalake kanina?", tanong ko

"Ahh, oo, ang sabi niya pumunta raw tayo sa mess hall, mamayang alas-syete.", sagot niya, napatingin naman ako sa relo ko.

'Mag-aalas-syete na'

Nagpaalam na'ko kay Yumi para mag shower. Pagkatapos ko'ng maligo nakita ko sila Nick na nasa labas.

"Oh, ba't nandito pa kayo?", tanong ko sa kanila.

"Mas okay kasi kung pupunta tayo roon as a group.", sagot ni Nick.

"Sabagay", yun nalang ang sagot ko.

Iilang sandali pa ay lumakad na kami papauntang canteen, kapapansin pansin ang katahimikan sa grupo namin, nasa likod kasi ako kaya ramdam ko talaga ang katahimikan nila.

Pagdating namin sa canteen maraming na ang kumakain,

'Ngayon alam ko na kung bakit 'mess hall' ang tawag nila rito'

Napakakalat kasi ng mga mesa at nagkakandarapa na yung mga nasa counter, matapos naming umorder naghanap na kami ng mauupuan na table at sakto naman na may bakante.

Malamapit na kaming matapos sa pagkain nang lumapit sa amin yung gumising sa amin kanina.

"I'm Major Ford", panimula niya, "I am in charge of your day to day activities, you may check your tablets to see your schedules", sabi niya habang tinitignan ang ang mga kinakainan namin. "I guess your almost done eating so clean your dishes and follow me to the simulation deck.", sabi niya at tinignan ang relo niya, nagsitayuan naman kami at hinatid ang mga pinagkainan namin sa hugasan. Pagkatapos n'un agad na kaming sumunod kay Major.

Pagkadating namin sa simulation deck, nagassign ang Major para sa mga unit namin, ang unit ko ay kinabibilangan nila, Yumi, Nick, isang lalaki na ang pangalan ay Zach at si Anne.

"Okay get inside the Sims, you will be having a five-man free for all, last man standing wins.", sabi ni major, pumasok naman kami sa mga simulator.

'Tsk ito nga yun, ang LS35-Swiflet.'

Nilibot ko ang paningin ko sa cockpit at hinawakan ang kontrols, mukha lang siyang normal na fighter na ginagamit sa ere, pero may mga controls para manuvering thrusters, kinambyo ko na ito, parehong may mga controls ang throtle at ang joystick ni ginagamit sa pagpihit ng sasakyan.

Inisa-isa  ko muna ang mga armas, may mga laser, apat na anti-fighter missiles, at dalawang rear turrets.

Biglang may umilaw na kulay dilaw sa bandang kanan ko, senyales ito na may kalaban.

Pumihit ako kung saan banda ang kalaban, bigla na lang ako nitong pinaulanan ng mga laser kaya napaikot ako.

Hindi ko maiwasang maimpress, the fighter's agility is really high, pinahabol ko naman ang kalaban ko papuntang asteroid belt, masyadong maganda ang pagkakasimulate sa space, para talagang totoo ang nakikita ko sa labas ng bintana.

Papalapit ako ngayon sa isang malaking asteroid, sinadya ko pang bilisan ang paglipad ko, medyo sanay narin kase ako dahil sinasanay ako ni papa dati dun sa triton.

A Soldier In SkyWhere stories live. Discover now