Chapter 1- Neraviagh

472 7 2
                                    

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

Dedicated po sa kanya dahil ang ganda ng mga stories niya!!! At isa rin po siya sa inspiration ko sa story na ‘to! :D

Sorry po ate! Isa po kasi ako sa mga silent readers mo..  Haha.

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

Chapter 1

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

(Ice Keira Saavedra’s POV)

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

“Yan na siya… Umalis na tayo.”

“WAAHHHHH.. Siya ‘yun diba? Marami na daw yang napatay eh.”

“Oo.. Siya nga ‘ung babaeng ‘un..  Yung naka-cloak. Siya ‘ung may magic na kakaiba. ”

“Nakakatakot naman siya.. ”

“Hindi kaya! Ang cool niya nga eh!”

1st day nanaman ng school ngayon kaya naririnig ko nanaman ang mga salitang mas nanaisin ko pang hindi ko nalang marinig. Haaaaay. Alam ko namang nakakatakot ako. Isang maling galaw ko lang kasi maaring makapag-wakas ako ng isang buhay.. Kaya kahit sa sarili ko ay natatakot ako.. Pero para nga sa iba.. Cool ‘eto. Mula noon at hanggang ngayon ay gulong-gulo ang utak ko. Haaayst.

Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa cloak ko.. Naiinis ako.. Naiinis ako sa sarili ko.. Bakit ba kasi ako naging ganito? Salamat nalang sa cloak ko at nagagawa kong maitago ang sarili ko pati ang mukha ko.. Ayaw ko kasing may makakilala sa akin. Saka mas comfortable ako pag may suot akong cloak.. Para bang nakakalimutan ko lahat ng mga bagay na ayaw ko.

Nakayuko nalang ako hanggang makarating ako sa registrar’s office. Pinagpipilitan kong huwag sana nila akong mapansin. Hahay.

Saka para din naman itong normal na academy. May principal’s office at Faculty room din naman dito kaso hindi ito pangkaraniwan. Ang pinagkaiba dito, magic ang tinuturo sa academy na ‘to. :D

*Knock**Knock*

“Come in.” Sabi ng taong nasa loob. Pero bago ko pa man mahawakan ang door knob ay kusa na itong bumukas.

“Lore?” Tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

“Ako nga. :)” Siya si Lore. At hindi ko alam ang surname niya. Sa pagkakaalam ko siya ay isang teacher sa school na ito. At siya rin ang dahilan kung bakit ako napadpad sa academy na ito. At siya rin ang tumulong sa akin dito.

1 year ago.

“Quando momento venit..”  Isang tinig ang naririnig ko. Masyadong madilim.. Pero unti-unti, nagkakaroon ng liwanag.  Isang apoy, kulay puti at itim.

Tu et ego fiet unum.” Paunti-unti lumalaki ito hanggang halos maging kasing-laki ko ito. Hindi man ito tubig pero nakikita ko ang repleksyon ko sa dalawang apoy.

Bago pa man ako makapag-salita ay  bigla itong lumakas hanggang sa umabot ito sa akin. Hindi ako nasasaktan ngunit hindi rin naman ako makagalaw.  Tapos biglang lumiwanang ng sobra at nagsama ang dalawang apoy at bigla akong nakaramdam ng isang pag-sabog.

“Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!” Sigaw ko habang hinahabol ang aking pag-hinga.

Isang panaginip. Panaginip lang pala. Ang gara naman.. masyadong magulo. Pero bigla akong naninibago sa nararamdaman ko.

Neraviagh's Academy of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon