Chapter 2- Meeting Someone.

307 5 0
                                    

=-=-=-=-=-=-=-=-=

Chapter 2

=-=-=-=-=-=-=-=-=

“Oi.. Psssssst! Buhay ka pa ba?” Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ulit ang boses ni Lore. Sa kanya palang hindi nangyayari yung nangyari kay Mama at Allinah kahit nahawakan niya na ako.. Sabi niya kaya daw ganun dahil White Flame daw ang magic niya at siguro nagagawa niyang pigilan ang maaring mangyari sa kanya. Tulad nga ng sabi ko dati, rare ito dahil ang iilan lang ang may main magic na hindi nabibilang sa ‘8 main class’. At ang magaling pa doon. Pareho kami na may White Flame.

“Kanina ka pa tulala, mga 30 minutes at 16 seconds.Kanina pa rin ako nagsasalita kaso mukhang walang nangyayari.” Ganun na ba akong katagal na lumutang ang isip ko? Baka isipin niya pa na baliw ako.

“Hehehehe. May naalala lang kasi ako.” Sabi ko sa kanya.. At pagkatapos ng pangyayaring ‘yon kay Allinah ay kumalat ito sa academy at nagbago pa lalo ang tingin ng mga tao sa akin. Buti nalang tinulungan ako ni Lore nung mga panahon na ‘yon at naintindihan din ng principal ang nangyari..  

“Haaaay. Kung ano man ‘yan. Kalimutan mo na. Eto nga pala yung maari mong maging schedule” Tapos may inabot siya sa aking papel na blangko.  At tama nga ako, pagkatapos ng ilang segundo ay unti-unting nagkakaroon ng nakasulat dito. Kaso may part na blangko pa rin dahil hindi pa ako nakakapili ng iba pang class na kukunin ko. Ang cool di’ba? Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa mga bagay-bagay dito. ^Q^

“Salamat po.  Mauuna na po ako. :)” Sabi ko bago umalis ng office niya.

“Excited ka na ba?” tanong niya.

“Hindi ko po.. alam” Nalilito pa rin ako dahil unang beses ko pa lang mararanasan na maging isang normal na estudyante sa academy no ‘to. Yung may makakasama ka tuwing may klase.. Kasi sa isang taon ko rito. Mag-isa lang akong tinuruan ng basic magic dahil nga sa mga nangyari..

“Hahahaha. Goodluck sa’yo. Alam kong kaya mo ‘yan. Ikaw pa! Saka napansin ko yatang lagi mo nalang gamit yan.” Sabi niya sabay turo sa cloak na suot ko.

“Nasanay na din po kasi ako.. Saka komportable po ako pag suot ‘to. Sige po mauuna na po ako! Sige po.. Aalis na ako! :)” Sabi ko sa kanya at tuluyan na akong nakalabas ng office.

Haaaaaayyyy… KInakabahan ako..  Nakakatae lang ang feeling..

“To all Neraviagh’s Academy students, your class will start in 1 hour.. You may now proceed to your respective rooms. Thank you.” Isang tinig ang naririnig ko. Huwaaaaaaaaaaah! Ano gagawin ko! Nanginginig tuhod ko.. Amp.. Ayaw ko na! >.<

Bago ako pumunta ng classroom namin ay dumeretso muna ako sa room ko dito sa likod ng academy. Nasa Arquemis’ dorm ang kwarto ko. At tulad ng kakabanggit lang, nasa likod ito ng academy. Ito lang ang dorm na naka hiwalay dahil yung iba pang dorms ay nasa loob  ng mismong academy. At may 4 pa ditong kwarto at hindi pa nao-occupy.. yan tuloy mag-isa ako. Pero okay lang basta ba tahimik at payapa dito.

Pagkabukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang makalat kong kwarto, magulong higaan, nagkalat na damit at kung anu-ano pa. Hindi pa pala ako nakakapag-linis. Nice. Kung akala niyong maliit lang ang mga kwarto dito. Nagkakamali kayo.. malaki pa nga eh. =.=

Hinubad ko muna yung cloak ko at kinuha ko nga yung walis at nagsimulang tanggalin yung sapot, mushrooms, lumot , alikabok at kung ano pang bagay na nakakapagpadumi sa kwarto ko. Pero biro lang yung sa lumot at mushrooms. Hehe. Saka kaunting sapot lang naman pero maalikabok.  Mga 2 o 3 araw yata kasi akong hindi nakapag-linis.. Busy kasi? Ahahaha. ^u^

Neraviagh's Academy of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon