Chapter 3- Guardians and Someone AGAIN?

278 6 2
                                    

=-=-=-=-=-=-=-=-=

Chapter 3

=-=-=-=-=-=-=-=-=

(Ice Keira Saavedra’s POV)

=-=-=-=-=-=-=-=-=

“Kyuu.” Napatigil ako sa pagpasok sa loob ng may marinig akong maliit na tinig. Malalate na ako pero uunahin ko pa yata ‘to.

“Ano ‘yun?” Guni-guni lang ba’yon, o meron talagang nagsalita?

“Kyuu.” Meron talaga ehh! May naririnig talaga ako eh!

“Kyuu.” Kaya naman sinundan ko kung saan nanggagaling yung tinig na ‘yon. At napadpad ako sa gilid ng room namin. Tumingin ako sa paligid, wala naman akong nakita. Yumuko ako, wala din naman. Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko. Wala rin. Pero pag-tingala ko,

“Kyuu~” Wahhhhhh! Ang cute!! Isang fairy! Pero tingin ko hindi lang siya basta isang fairy! Kundi isang guardian pa!

“Nasaan ‘ung  master mo? Alam mo..  Ang cute mo!” Sabi ko sa kanya.. Kung akala niyo pag sinabing ‘fairy’ ay babae agad ‘yan. Nagkakamali kayo! Isa siyang lalaking fairy! Huwag na kayong magtaka dahil marami talagang uri ang mga fairies! Siguro kung naging totoong tao ’to.. Gwapo ‘to!

“Nasa loob siya. Kyuu.” Wow, ang bait naman ng guardian na ‘to.. Nakikipag-usap sa iba kahit di niya naman kilala. Lalo na at ako ang kausap niya.

“Sumama ka na lang sa akin. Puntahan mo nalang ‘ung master mo mamaya.”

“Kyuuuuu~” Tumango naman siya at sumama siya sa akin pag-pasok. Ang gara naman. PInabayaan kaya ng master nito na maiwan mag-isa ‘ung guardian niya? Parang ang sama naman kung ganun.

Natural pagpasok ko sa loob ng room namin ay pinagtitinginan nila ako at nagbubulungan nanaman sila. Dapat sanayin ko na yung sarili ko sa ganito.. Kundi sa huli ako pa ‘ung mahihirapan. Nakaasar lang kasi ehh.. Paulit-ulit ko nalang naririnig na nakakatakot ako, masama ako, maraming napatay at kung ano pang mga salita na pagnarinig mo.. Mas gugustuhin mong tumakbo palayo at umiyak. >.<

Napabuntong-hininga nalang ako habang papunta sa bakanteng upuan sa likuran. Napapala ng late. Tsk. Madalas sa likod napupunta. Pero okay na din ‘to. Hindi ako pansinin.. Saka maiiwasan kong may lumapit sa akin.

“Good morning special class.” Bati ng teacher namin. “Hindi na kayo magpapakilala o anuman dahil malalaman ko din kung sino kayo. :)”

“Bago tayo magsimula, ako nga pala si Heline Cyrem. Ang magiging teacher niyo.. ” Lahat naman ngayon ay tahimik at nakikinig sa kanya.. Ano nga kaya ‘ung magic niya?

“Sino dito ang may mga guardian na?” Tanong niya. At walo lang ang nagtaas ng kamay.. Ahhhh..  Kakaunti palang pala ang meron.

“Good.. Alam niyo ba kung ano sila?” Tumango lang naman kami. Mukhang alam ko na ang isa sa magic niya ah.. Magic of obedience siguro.

“Okay. Bilang recall. A guardian is your companion.They will be always at your side. They can’t cast a spell but they can make barriers to protect you. In some cases, they can fight but they use weapons. Every guardian is unique, they may vary in sizes or types. One can be a fairy, gnome , humanoid, bunny, cat, pig or anything. You can have a guardian if you only felt real happiness in your heart. But they are not permanent. If you don’t treat them well or if they already finished their task in guiding you. Or if you’re badly hurt physically. They will disappear .” Tapos tiningnan ko ‘ung guardian na nasa loob ng bag ko. Sana okay lang siya.

Neraviagh's Academy of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon