Saan Po Ako Mag E-enroll?

49 4 7
                                    

Dahil uso dito sa wattpad ang pahabaan ng pangalan makiki join na rin ako.

Ako nga pala si Maria Asuncion Graciana Dalawanghari Agoncillo. Magda for short. Isang high school student, maputi matangkad, mahaba at makintab ang buhok at balingkinitan ang katawan.

Syempre dapat sexy at maganda rin ako ayaw ko namang mapag iwanan ng ibang bida dito noh. Dapat maladyosa rin ako, saklap kasi dito sa wattpad pag hindi ka kagandahan at katangkaran less chances mo maging bida. Yong mga kontrabida nga mala dyosa pa din. Walang gustong mag adjust eh, kaya kung ordinary ka lang pwedeng ikaw lang yong kaklaseng hindi naman nabibigyang pansin. O d naman kaya napadaan lang at madalas ikaw yong tagasilbi. Swerte na kung maging bff ka ng bida un nga lang kakayanin mo bang araw araw ma compare? Sad life. Akala ko nga magtutuloy tuloy na kasi naging bida na ang mga hobbit pero hanggang don lang pala. As usual Beauty is everything.

Nasa kalagitnaan na ako ng senior year pero sa di inaasahang pangyayare ay kinailangan kong lumipat. Un na nga, trend din dito sa wattpad ang panay transfer ng school kahit na tapos na ang midterm. O di ba ang gulo? Hindi na lang magdrop o tiisin na lang matapos ang school year. Pabida ka teh? Lahat mag aadjust mapagbigyan ka lang.

Madalas reason nila para lumipat dahil lumabas powers nila, oh wow! O di naman kaya nakasakit ng kaklase dahil nga sa powers eklabu. Ung nakasakit ng kaklase tanggap ko un pero gaano ba kalaki ang pinsala? 50-50 ba si classmate? Kung hindi naman sinasadya, wala bang ground for suspension lang? Expulsion agad? Ung iba naman dahil may humahabol daw na masasamang loob. Di nyo i pa blotter? Wala bang presento dyan sa inyo?

Anyways, in my case wala sa nabanggit ang reason ko. Wala akong powers kahit sa kili kili, excuse me maladyosa tas walang pambili ng tawas. Mababaw lang ang reason ko, nakakain lang ako ng pancit ni Mama Mosang na may panis na kikiam. Ayon nag alburoto ang tiyan ko. Promise pinilit ko naman siyang pigilan pero wala eh. Nagtalo pa nga kami ni Teacher kasi naturingang may CR sa classroom pero bawal daw magbawas? Papatakbuhin pa ako sa labas eh lalabas na nga. Ano kaya yon? To cut the story short, kusa nga siyang lumabas. Totoo pala talaga ang kasabihang, lahat ng baho ay kusang lumalabas. And in fairness ung sakin paglabas ng paglabas nakapaminsala agad.

Akala nyo ba kinahiya ko? No. My mom raised me well, taas noo akong lumabas ng classroom at tinuloy sa bahay. Lawak kaya ng CR namin. Yon nga lang dahil sa letseng social media na yan na stress mommy ko hanggang makaabot kay daddy. O d ba, take note daddy. Mayaman kami.

    Dahil nga sa hiya pinilit ako ni daddy na lumipat ng school. Doon daw sa walang nakakakilala sakin. Di na lang niya ako iparetoke o d naman pabago name ko. Mayaman tong si Dad pero may pagka shunga. At dahil nga bait baitan ako sa story na to wala akong choice kundi sumunod.

     Nilatag niyang lahat ang mga schools, academy, university, institute. Ganun dito sa wattpad daming school try nyo i search, malulula kayo sa dami kulang na lang yata academy for pets o baka meron na rin di lang ako updated. Gusto ko na ngang i suggest ang home schooling pero ayaw niya, magastos daw, magbabayad pa daw siya ng malaki sa mga teachers at sa mga kunya kunyarian kong mga classmates. Tsaka d daw niya pwedeng gawing school ang mansion namin. O di ba ang shunga? Again dahil mabait ako yes pa rin ang Magda.

     Sinubukan ko pa ring mamili. May mga school para daw sa may mga magic, ansabe. Special ability, baka pwede ako don abot kaya ng dila ko ang cleavage ko. Pero ng mabasa ko na may mga laban laban pass na ako, ano weapon ko dila? Tsaka  ayoko ko ng violence. Maganda na nga ako magpapaka warrior pa? E di ako na.

     Bigo si Daddy dahil wala akong napili, bat di niya na lang kasi ako ibalik sa dati kong school. Ayaw pa rin niya kasi may social media. Jusko naman lahat naman ng tao tumatae at nag i-LBM. Nagbanta pa siyang pag di daw ano pumili bibilihin niyang lahat ng school at academy na pinakita niya sakin. Sige dad gawin mo ng mamulubi ka.

    Binili nga niyang lahat, ganun kami kayaman. Pinagsama sama niyang lahat at pinangalanang MAGDA Academy a school intended for me. O ngayon saksi na kayo kung gaano katalino daddy ko.

     Hindi ako excited sa bago kung school, kahit namin kasi initials ko yon, tinatago nga ako ni daddy remember? Try ko daw muna magpaka low profile. O di sige.

     Aba, talaga naman tong bago kong school. School ba to ng mga diyos at diyosa? I-merged ba naman lahat ng Academy at schools dito sa wattpad. Walang itulak kabigin pati ako nagmumukha ng ordinaryo. Yong mga pangit na lang yata ang magiging stand out kung ilalagay dito. Paartihan dito, pagandahan doon, kanya kanyang paandan ang mga bida bida ng kani-kanilang school. 

       Pati mga boys ayaw paawat sa panunuyo sa mga pabebeng girlats. May isa pang feel na feel na pinag aagawan siya ng dalawang baby boy. In fairness naman kay ate pwede na, pero sabi ko nga baby boys ang nag aagawan sa kanya. Di ko bet ang mga boys, wala pang alam mga yan. Ano, ako pa ang magtuturo kung paano at san ako ikikiss? No way! Mas bet ko yong mga Christian Grey ang datingan. Yong babaliwin ako sa sarap. Oops, too much for that, pang teens lang pala tong kwento ko.

       Dahil nga may mga powers, ability, magic chuchu ang mga nandito hindi maiiwasang  magkagulo. Nakita kong natisod ni ateng naka pout ang nagmamaganda rin pero tatanga tangang  babae. Sabi na eh nobody's perfect, baka ako lang. School ko to huwag na kayong  umangal.

      Tiningnan lang ni Ateng nakapout na hindi ko alam kung si Angelina Jolie o Pops Fernandez ang peg, ang namudmod na tangang babae. Kaagad naman siyang tumayo at hala si Ate nag super saiyan. Agad agad wala man lang explaination daanin agad sa lakas? Hindi naman nagpatalo si goldfish este yong ateng naka pout, nag super saiyan na rin.

     First day of school ko dito pero riot na agad sila. Nagbatuhan ng mga bolang gawa sa kung ano ano ang dalawa. Hanggang nagkampi kampihan na sila. Followers ni Ateng naka pout at ni Ateng Tanga.

     Hindi ko na ikwekwento kong anong kasunod na mga nangyari dahil umexit na ako. First and last day ko na sa school ko, dahil sa malalakas sila e di wasak ang school. 

     Lesson learned, huwag pagsamahin ang malalakas dahil bukod sa walang nagpaparaya mga inggereta rin mga yan. Hayaan niyo na sila sa kani kanilang academy. Huwag na nating ipilit ang Hindi pwede.

    As for me balik sa dati kong school. So what kung natae ako at least maganda ako. Sa yaman ni daddy lahat ng mangbubully sakin ipapapatay ko. Tingnan ko lang.

    Dito ko na tatapusin ang wala namang katuturan kong kwento. Huwag niyo nang tanungin kung ano ang moral lesson dahil maski ako confused. Tulad lang yan ng ibang kwento dito sa wattpad na akala mo may magandang katapusan pero na budol ka lang pala sa simula. Hanggang sa susunod na kwentong pang uurat.

   Nagmamaganda,

Magda.



    

  

WATTY'S PARODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon