Paano Kung?

11 0 0
                                    


Paano kung
kumapit ka pa
Kahit
ang sakit-sakit na

Paano kung
lumaban ka pa
Kahit parang
nakapapagod na

Paano kung
tumingin ka pa
Kahit parang
malabo na

Paano kung
'di natin pinansin
ang sinasabi ng iba
Kahit nakakabingi na
ang mga salita

Paano kung 
sinubukan pa natin
Kahit parang
wala nang pag-asa

'Paano kung'
Marami pa
Pero hindi
Ko na kayang
Isa-isahin pa

'Paano kung'
Iyon na lang
Ang natitira–
Mga bagay
Na hindi ko
Kaya na
Itanong sa iyo
Sa ngayon,
Kung magkalakas
Man ng loob
Sana kayanin
Ko na humarap
Muli sa'yo

Ito na lamang
Ang natira
Mga tanong
Mga baka sakali
Mga paano kung
Kasi wala ka na

-08.17.2020

PossibilitiesWhere stories live. Discover now