Maaari Ba?

9 0 0
                                    


Maaari bang
Pahintuin
Ang kamay 
Ng relo

Maaari bang 
Makapiling
Kang muli
Sa bisig ko

Maaari bang
Hayaan na
Sa gabing ito
Ay magkaroon
Muli ng
'Ikaw at Ako'

Maaari ba
Na kahit
Ilang sandali
Ay muli
Kang mahagkan

Maaari bang 
Sa huling
Pagkakataon
Ikaw ang
Aking maging 
Tahanan,
Ikaw ang
Aking uuwian

Maaari bang
Kahit sa 
Ilang sandali
Ay kalimutan
Natin na
Hindi na maaari
Pa dahil
Wala nang
Tayo at
Mayroon ka
Ng iba

Maaari ba
Kahit ngayon
Lamang 
Ay maging
Akin kang
Muli, Sinta?

-08.17.2020

PossibilitiesWhere stories live. Discover now