dalampasigan.

30 0 2
                                    

🌊

Narito ako
Sa dalampasigan
Abutin man
Ng kadiliman
Abutin man ng
Kinabukasan
Magbabakasakaling
Muling babalikan

Narito ako
Sa dalampasigan
Maghihintay
Mag-aabang
Ninanamnam ang
Mga hampas ng alon
Sa aking katawan

Naririto ako
Sa dalampasigan
Sa pampang
Kung saan
Tayo nangako
Kung saan
Tayo muling
Magtatagpo
Sa gitna ng gulo
Naririto ako
Kumakapit
Sa pangakong
Binitiwan
Sa isa't isa
Bago naglaho
Ang nakasanayan

Narito ako
Sa dalampasigan
Hinahayaang
Tumulo ang
Mga luha sa mukha
Nanghihinayang
Na sana dati pa lang
Ay hindi ka na
Binitiwan pa
Inaalala
Ang mga kuwento
Ng ating pag-iibigang
Hindi ko na maibabalik

Dahil narito ako
Sa dalampasigan
Kung saan
Ikaw ay nawala
Hindi lang sa
Buhay ko
Kundi sa buhay na rin
Ng ibang tao
Na nagmamahal sa'yo
Dahil dito mismo
Ikaw ay sumuko
Ikaw ay bumitaw
Ikaw ay namaalam
Sa mundong kinatatayuan

Dito sa dalampsigan
Nagtapos
Ang istorya
Nating dalawa
At ang kanta
Ng iyong buhay
Na ngayon
Ay binabalikan ko
Na parang sirang plaka
Na hindi ko matapon-tapon
Dahil importante
Dahil mahalaga
Dahil mahal pa rin kita.

—08.31.2020

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PossibilitiesWhere stories live. Discover now