Buddy

8 1 0
                                    

"I think we need to break up. Our relatioship is not healthy anymore. We need to end this"

"Wait what? No way?! You can't do this. You've promised that you will never leave me. Is there any problem? Talk to me! Did I've done something bad that makes you want to break up with me?" hindi ko na napigilang umiyak.

"No you have done nothing. There's nothing wrong with you.It's something about me. It's just..."

"What?? Answer me!!! Oh wait, do you already have someone new that's why you're breaking up with me?"

"No.. I don't have someone new"

"Then why?? Tell me why???" patuloy at hindi nagpapaawat sa pagpatak ang mga luha ko mula sa mga mata ko.

"I don't feel the spark anymore. I don't see you anymore the way I see you before. I'm so sorry"

"Wait.. Don't you love me anymore??"

"I don't know. I'm so sorry"

"Hey!!! Don't leave me alone!!! I need you!!!" napahagulgol na ako. Tulo ng tulo ang luha ko na parang gripo na sira at hindi na maayos. Hindi ko na din alam kung ano pa ang itsura ko ngayon, kung maayos pa ba o hindi.

Natigil ako sa kakaiyak sa pinapanood kong pelikula nang makarinig ako ng sumisigaw mula sa kabilang bahay. Pinause ko muna ang pelikula bago ako pumunta sa balcony ng kwarto ko na katapat ng balcony ng isang bahay kung saan galing ang ingay.

"Hey Finn!!! Lower down your voice" sigaw ko sa lalaking nasa katapat kong balcony.

"Hey Kurt! Sorry sa ingay" pinatay nya na ang tawag sa cellphone nya.

"Sino ba kasi kausap mo??" usisa ko.

"Ah wala yun. Si Quinn lang iyon"

"May problema na naman??"

"Ah wala lang yun"

"Huwag ako Finn. I know you since we we're in primary school. So anong nangyari?"

"Quinn is being unreasonable again. Hindi ko na siya maintindihan. Ang gulo na niya lately. Nakipagbreak naman siya ulit" kwento niya. Quinn is a cheerleader from our school. His on-off girlfriend.

"And nakipagbreak ka naman din?"

"Of course. Hindi ko na talaga siya maintindihan"

"I hope Finn, this would be your last break up. Huwag ka nang makipag balikan kung hindi na healthy ang relasyon nyo. Maiistress ka lang" payo ko sa kanya.

"Alright Mr. Never been in a relationship" pang-aasar nya sa akin.

"Kaysa naman sa iyo. May jowa nga pero parang christmas lights naman. on-off"

"Maiba nga tayo. Ikaw kamusta? Bakit maga iyang mata mo? Sino ba nagpaiyak sa iyo?? Sabihan mo ako. Bubugbugin ko iyan.

"Siraulo ka. Mahilig ka talaga sa kabiyolentehan kaya bagay na bagay ka sa Rugby team kaloka ka. Tsaka nanonood kasi ako ng sad movie kaya maga tong mata ko kakaiyak kaso thanks to you naistorbo ang panonood ko" inirapan ko pa siya.

"Well I'm sorry. Pero maiba tayo, kapag may nanligaw sa iyong lalaki dapat makilala ko muna para alam ko kung sino bubugbugin ko pag umiyak ka"

"Siraulo ka talaga!! As if naman may magkakagusto sa akin sa school natin"

"Bakit?? Meron yang magkakagusto sa iyo for sure. Matalino, mabait at talented ka. Kung hindi nga lang siguro tayo magkakilala baka nagkagusto na ako sa iyo"

"Lol. Huwag ako Finn Ramirez. Nababaliw ka na naman kaya kung ano pinagsasabi mo. Kabaliwang isipin na magkakagusto ka sa akin. Hahahaha"

"Pero seryoso. Kailangan ko makilala kung sino man manliligaw sa iyo. Promise me Kurt Rodriguez"

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now