Sorry not Sorry (Take A Bow Part 2)

4 1 0
                                    

"Alexandria,nahihibang ka na ba?? You really accepted that project??" halos mabingi ako sa boses ng manager ko sa kabilang linya.

"Oo naman. Ano bang mali doon?" tanong ko sa kanya.

"Talaga ba, Alexandria?? Hindi ka ba nahihibang?? Tinanggap mo ba talaga yung offer na maging kontrabida sa movie ni Cairo at Kylie??"

"May mali ba doon?? Well magandang exposure rin naman iyon tsaka mukhang maganda naman yung offer na role. Bagong environment para sa akin"

"Totoo ka ba talaga,Alexandria?? Makakaya mong makatrabaho si Cairo pagkatapos ang nangyari last year?" isa siya sa mga nakakaalam kung ano ba talagang nangyari dati.

"Oo naman. Tsaka don't worry mamsh. I accepted the offer kasi mukhang maganda. I'm doing it for work so don't worry. Calm down"

"Okay okay. Alam na ba ito ni James?"

"Of course. Siya nga ang maghahatid sa akin ngayon sa briefing ng movie. Tsaka pinsa niya yung director so wala kang dapat ipagkabahala, okay?"

"Oh sige na. Balitaan mo na lang ako"

"Sige.. bye" inend ko na ang call.

"Are you ready Alex?" tanong sa akin ni James.

"Oo. Let's go.." sabi ko sa kanya.

Mabilis lang naman ang naging biyahe namin since wala namang traffic. Pagdating namin sa meeting area, andoon na sila Cairo at Kylie. Pasimple ko silang tiningnan at saka lumapit sa director.

"Hello, direk. Am I late??" tanong ko sa kanya.

"No Alex. You're just in time. Okay have a sit" sabi niya at naupo na din ako. Pansin ko ang pasimpleng tingin sa akin ni Cairo pero hindi ko ito pinansin. Habang si Kylie naman ay grabe ang pagkalingkis sa brason ni Cairo na kala mo naman ay aalis ito. Pasimple ko na lang silang inirapan at umayos ng upo.

"So I bet you know already each other right?"tanong sa amin ni Direk Louie.

"Yes naman po Direk" sagot ni Kylie habang si Cairo naman ay tumango lang.

"I think wala naman sigurong magiging problema sa gaganapin nating project. Okay lang naman na magkaroon ng third party sa movie. And wala naman siguro itong problema sa fans ng real life love team, right?"

Sasagot sana si Cairo pero inunahan ko siya.

"Of course, Direk. I think wala namang magiging problema. Nagkasama naman na kami ni Cairo sa acting debut niya so hindi na rin bago sa amin ang isa't isa while kay Kylie, it's our first time to work together but it will not be a problem. And hindi naman din siguro magkakaproblema sa love team nila ang pagiging kontrabida ko since naging magpartner naman kami ni Cairo sa movie namin"sabi ko sa kanila.

"Well, that's nice. How about you Cairo and Kylie?" tanong sa kanila.

"Okay lang sa akin Direk tsaka for sure okay lang din sa fans namin iyon since alam naman nila na kami talaga ni Cairo in real life" makahulugang sabi nito sa akin. Napairap na lang ako sa sinabi niya.

"How about you Cairo?"

"Okay lang naman, Direk. Gaya nga ng sabi ni Alexandria, nagkasama na kami sa isang project" nakangiting sabi nito habang ang mata ay nasa akin. Napairap na lang ako ulit dahil doon.

"Well, that's good. Mukhang magiging maganda ang kakalabasan ng movie natin. Sige mag-usap muna kayo para mas lalo niyo pang makilala ang isa't isa.

"Hi Alexandria,buti naman at tinanggap mo yung project" nakangiting sabi ni Kylie pero isang lang masasabi ko sa kanya. Plastik.

"Well, maganda naman kasi ang offer. And nireview ko ang role and maganda naman ang role niya as kontrabida,so why not?" nakangiting plastik kong pagsagot sa kanya.

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now