Great Pretender

6 1 0
                                    

"Omg Jane. Jane!! Magkikiss na sila!!!!! Omg ah!!!!!!" hindi ko napigilang mapatili ng makita kong nagkiss ang dalawang bidang lalaki sa pinapanood kong bl series.

"Ano ba Dione?! Bakla ka ang ingay mo naman!!" reklamo ng kaibigan kong si Jane na nagrereview sa tabi ko.

"Kasi naman Jane!!! Tingnan mo kasi!!! Nagkiss na sila!!! Ughh!! Kakiliig!!!!"

"Alam mo Dione,magreview ka na lang kaya. Malapit na exams natin oh, hindi ka maipapasa ng panood mo ng Thai Bl series na yan" inirapan niya pa ako bago nagpatuloy sa kakareview nya. Nasa favorite spot namin kaming dalawa, ang library. Favorite niya ito dahil dito nakakapag review siya nang maayos habang ako naman, naging paborito ang lugar na ito dahil may wifi at nakakanood ako ng Thai BL series na paborito ko

"Hindi ko naman na kailangang pumasa kasi maghahanap na lang ako ng gwapong Thai napapangasawa ko hahahaha. Hintayin mo lang na magpasurgery ako sa Thailand hahaha" pinatuloy ko na ang panonood ko ng series.

"Kalandian mo Dione"

"Kaboringan mo naman Jane"

Ganito kami lagi ng kaibigan kong si Jane. Lagi naming pinagtatalunan ang panonood ko ng series kaysa sa pagrereview. Kaya ko naman mapasa ang test kahit hindi ako kagaya nya na laging tutok sa pag-aaral. Laging libro lang ang kaharap nya kaya medyo boring ang highschool life nya. Ako lang ang kaibigan niya. Marami namang gustong makipagkaibigan sa kanya lalo na ang manligaw dahil sa ganda niya kaso puro pag-aaral lang ang ginagawa niya. Minsan nga iniisip ko baka tomboy sya at ako ang bet nya. Jeezzz.

"Hey Dion, ilan score mo?" tanong sa akin ni Jane.

"Ikaw muna"

"Uhm 98 ako" proud na sabi nya.

"85 lang ako haha pero okay lang, pasado naman na yun" natatawa kong sabi

"Huh? okay na sa iyo yun? I know you can do better than that. Tigilan mo muna kaya yang panonood mo kahit one week lang"

"No I can't Jane. Mamatay ako" biro ko sa kanya.

"Kalandian mong bakla ka" biro nya sa akin.

"Boring ka lang kamo kasi wala kang lovelife" biro ko pabalik.

"Nagsalita ang may lovelife"

"Cheee. Kapag ako talaga nakahanap ng gwapong thai na magiging boyfriend"

"Sige managinip ka lang ng gising Dione"

Hindi ko na pinansin ang panenermon at kinuha ko na lang ang cellphone ko at itinuloy ang pinapanood kong series. Enjoy na enjoy ako sa panonood at hindi ko napigilang tumili kaya naman ilang beses akong nasisita ng librarian pero hindi ko siya pinapansin at si Jane na ang humihingi ng sorry.

"OMG!!!!! Ah!!!!!!!" natigilan ako sa panonood ng series ng biglang may nagnotif sa facebook account ko.

"Hoy Dione? Ano ba? Ang ingay mo" saway sa akin ni Jane.

"Kasi naman Jane!!! Tingnan mo!!!!" napatili pa ako.

"Ehem?? Kanina ko pa kayo sinasaway at hindi talaga ako papaawat? Now get out!!" singit ng supladang librarian sa amin.

"Mam sorry po. Hindi na po mauulit" paghingi ng tawad ni Jane.

"No I said get out!!!" wala kaming nagawa ni Jane kung hindi lumabas.

"Nice!! Ngayon pinalabas na tayo sa library. So saan na ako magrereview ngayon nito? Ang ingay mo kasi bakla"paninisi ni Jane.

"Why me? Tsaka hello Jane, ang lawak ng school natin gurl. Kahit saan pwede ka magreview"

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now