Take A Bow

15 2 2
                                    

Oh.. how 'bout around of applause..
A standin' ovation..

Isa-isang nagtayuan at nagpalakpakan ang mga tao habang naglalakad ako sa gitna ng red carpet hanggang makarating sa upuan ko. Kitang kita ko din ang mga saya sa mga mata mo habang ikaw naman ang naglalakad sa gitna ng red carpet.  Kaway sa kaliwa, ngiti sa camera sa kanan. Malayong-malayo sa sitwasyon mo noong nakaraang taon.

You look so dumb right now..
Standing outside my house..
Tryin' to apologize, you're so ugly when you cry..
Please, Just cut it out.

Naalala ko pa dati kung paano kaya magmakaawa sa akin sa labas ng condo unit ko.  May paiyak iyak ka pang nalalaman noong mga panahong iyon pero buti na lang hindi ako naging marupok sa iyo.  Pero paano ba tayo nagsimula??

Flashback

"Hey Alexandria.. Asan ka na ba?? . Malalate ka na para sa workshop para sa upcoming series mo" sabi ng manager ko mula sa kabilang linya.

"Eto na pababa na ako  sa lobby.  Bakit mo pa kasi tinanggap tanggap yung project na iyon. Alam mo naman hindi pa ako comfortable na magkaron ng partner on screen" sabi ko sa kanya habang sinasarado ang pinto ng condo unit ko.

"Kasi naman Alexandria, maganda itong way para mas makilala ka. Tsaka maraming magrequest na bigyan ka ng partner on screen pagkatapos makita yung galing mong umarte sa last project mo. Daming hindi makamove on na hindi ka nagkaroon ng kapartner doon. Don't worry baguhang artista ang magiging kapartner mo"

"Alam nya ba yung tungkol sa akin?" tanong ko sa manager ko.

"Oo naman at okay lang sa kanya iyon kaya dalian mo na diyan, malalate ka na sa call time"

"Oo na, pasakay na ako ng elevator" sabi ko at pinatay na ang call.

Nang makarating ako sa labas ng building ng condo ko, agad akong pumara ng taxi. Sira kasi ang kotse ko kaya nadesisyon na lang ako magcommute.

Naging mabilis naman ang biyahe namin since wala namang masyadong traffic sa way ng pupuntahan ko pero late pa din akong nakarating.

"Buti naman, dumating ka na Alexandria. Dalian mo na, andyan na si direk at yung partner mo" bungad sa akin ng manager ko pagpasok ng building.  Tinarayan ko na lang siya at naglakad papuntang kwarto kung saan gaganapin ang workshop namin.

"Direk sorry po sa pagiging late" sabi ko sa director pagkapasok ko doon.

"It's okay Alexandria. Halos kararating lang din naman namin. So it's good that you're finally here.  Madison this si Cairo Natividad,you're partner for the movie"

Natigilan ako nang ipakilala niya ang magiging partner ko.  Hindi ko ba alam kung tao o demi-god ba itong nasa harapan ko dahil sobrang perpekto ng mukha niya. Seriously, siya talaga ang magiging partner ko??? Mukhang gusto ko nang bawiin ang pagkadisgusto ko sa project na ito.

"Hi I'm Cairo Natividad. Nice to meet you" nilahad niya ang kamay niya sa akin pagkatapos magpakilala ulit.

"I'm Alexandria Madison. Nice to meet you" nanginginig pa ang kamay ko nang inabot ang kamay niya.

Idiniscuss ang magiging project namin kung saan kaming dalawa ni Ciaro ang on-screen partners. Pagkatapos noon ay agad nang nag-umpisang mag workshop kasama ang iba pang cast. Love scene kaagad ang unang iniworkshop sa aming dalawa ni Cairo kaya naman medyo ilang pa ako sa kanya pero siya ay bigay na bigay naman at mukhang hindi baguhan. Late na din kaming natapos at isa-isang nag-ayos pauwi.

"Oh Alexandria, asan ang kotse mo?" tanong sa akin ng manager ko.

"Hindi ko dala kasi sira. Nagcommute lang ako papunta"sagot ko.

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now