Chapter 18: Gulat ka?

1 0 0
                                    

       SHE is wearing a robe habang nagluluto sa bahay ng lalaki, pinagpahinga na muna niya ang mga maids doon para may private time silang dalawa, Two months na kasi ang nakalipas ang nakalipas ng mangyari iyong make out nila sa bahay niya. At masasabi naman niyang masaya na sila parehong dalawa, inaayos niya ngayon ang business ng mama niya, at nag stop muna sya ng modeling. Wala namang mawawala kasi malaki parin ang sahod niya sa mga events kahit guest lang sya, she still earned 40 million a month at ayos na iyon besides hindi naman sya magastos.

"Where did you go?! Kanina pa kita hinahanap eh! A-akala ko!"
Nagulat sya ng humahangos ang lalaki habang papalapit sa kanya, at naka boxers lang ito.

"I'm sorry, na malengke lang ako wala na kasing stocks eh"
Lumapit sa kanya sa kanya ang lalaki at niyakap sya ng mahigpit naguguluhan naman syang yumapos dito.

"Did you have a nightmare again? Nandito lang naman ako"
Hinagod niya ang likod nito, habang nakayakap sya dito.

"Hindi ka kasi nag paalam I thought y-you"
Umuling nalang sya, hanggang ngayon may times parin na nagpa-panic ang lalaki sa tuwing umaalis sya na hindi nagpapaalam.

"Dito lang ako okay? Tulog kapa kasi I don't want to disturbed you during your sleep. Bihis ka na don, I'll prepare your breakfast para maaga ka pa sa work mo"
She smiled at kumawala na sa pagkakayakap nito.

Tumango lang ang lalaki, at times na ganito sya he looks like a baby pag sila ang magkasama but pag nasa work naman ito ay napaka cold parin hindi man lang nabawasan iyon.

Makalaan ng ilang minuto ay nakita niya ang lalaki na pababa ito ng hagdan.

"Come here, let's eat na"
Ngumiti lang ang lalaki at hinandaan niya ito ng makakakain niya.

Nakatitig lang sya habang maganang kumain lang lalaki, may iba dito ngayon, nanginginig sya na ewan.

"Hey, bakit nanginginig iyang kamay mo? Are you feeling something?"
Nagalala syang tinanong iyon.

"N-nothing kinakabahan lang ako"
That's new kinakabahan sya? Ilang ulit na ba syang nakapag meeting at harap sa maraming tao, ni minsan hindi niya naman na sabi na kinakabahan sya, ngayon lang talaga.

"You can do it, ngayon ka lang kinabahan ng ganyan? Sanay ka nang humarap sa maraming tao, kaya mo iyan"
Ngumiti pa sya para sabihing wag sya dapat kabahan.

"Do you think they'll say yes?"
Tila makahulugan ang salita nito pero sinawalang bahala nalang nya ito.

"Oo naman! Kaya wag ka nang kabahan"
Tumayo na sya ng matapos ito sa pagkain, at sya na ang naghatid ng plato nito sa sink.

Inayos rin niya ang tie nito, pati ang buhok at tinulungan niya itong isuot ang tuxedo nito.

"Hays, bakit ba ang pogi mo?"
Nakatitig lang sa kanya ang lalaki habang inaayosan nya ang lalaki.

"Wag mong masdayong problemahin iyon, okay? You can do it!"
Nakanguso na kasi ang labi nito, kaya hinalikan niya ito.

Nanlalamig parin ang kamay ng lalaki ng hawakan niya ito, tapos iniwas niya ito.

May something talaga eh.

Bago pa tumalikod ang lalaki ay kinawayan niya ito.

"I love you honey"
His manly voice echoed, kahit na hindi sya ganoon ka showy, still it's enough for her.

"I love you too!"
Nag flying kiss pa ang luko at sya naman kunwariy sinalo niya iyon at kumaway ulit.

Tumalikod na sya at pumasok sa loob ng bahay, then the thought comes out on her mind maguusap pa pala sila ni Tiffany.

The Reign Of HeartWhere stories live. Discover now