Dedicated to JNIANS
Chapter 3Sandra's POV
"Welcome back to Philippines!!" Magkaaabay pang sigaw nila Ella at Lorenz pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng private airplane na pagmamay-ari daw ng VSC.
Nakakairita! Nakakairita na ang ingay-ingay at sayasaya nila knowing na labag sa kalooban ko ang pag-uwi ng Pilipinas.
"Cassy, we're finally home!!" Excited pa siyang umakbay sa akin.
"Ingay, tsk!" Inirapan ko siya bagoalisin ang kanyang pagkaka-akbay sa akin. "Get off me, you leech!" Tinapunan ko pa siya ng masamang tingin.
"Let's go, Cassy. May pinadalang sasakyan si Dad para hindi na hassel sa pag-uwi." Nakangiti pa niya akong hinila sa paglalakad to the point na makaladkad na ako. Nakita ko pang nataranta si Ella sa pag-sunod sa amin but she still managed to keep a distance from us, maging ang mga tao sa paligid ay nakatuon na sa amin ang atensyon.
"Stop!!" Sigaw ko sa kanya bago huminto sa paglalakad. "Anong akala mo? Uuwi pa ako sa bahay ng tatay mo?" Taas-kilay kong tanong sa kanya. "There is no way I'm staying with your father and his mistress in one roof."
"Cassy, for the record, he's your father too." Sagot naman niya. "And tita Gina is not his mistress."
"Who are you trying to fool?" Napaismid pa ako sa kanya. "Ako pa ba?"
"Fine. Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin." Huminga pa siya malalim. "Basta, uuwi na tayo."
"No. Sa hotel kami tutuloy ni Ella." Matigas kong sagot.
"Yes, ma'am?" Nagmamadali pa siyang lumapit sa amin.
"Call for a cab. We'll go straight to the hotel I asked you to book." Utos ko sa kanya.
"Yes, ma'am." Tumango pa siya pero kaagad din siyang pinigilan ni Lorenz.
"No need for that, ako na ang maghahatid sa inyo." Nagkatinginan kami ni Ella, she waited for my signal kung itutuloy pa niya ang pagtawag ng taxi kaya umiling ako. Wala namang point kung magtatalo kami ni Lorenz, he'll always win and get whatever he wants.
Sumakay na kami sa sasakyang ipinahanda daw ng magaling naming ama, at dahil wala ako sa mood na makipag-usap kay Lorenz, I decided to have a short nap. Hindi naman nagtagal may naramdaman akong tumutusok sa pisngi ko kaya dumilat na ako at pagmumukha ni Lorenz amg bumungad sa akin. Tss! Abot-tainga pa ang pagkakangiti niya laya bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Mabilis akong lumabas ng sasakyan, just to confirm my suspicion...
"You liar! Sabi mo hindi dito?!" Galit kong sigaw sa kanya dahil nasa harapan lang naman kami ng mismo naming bahay. Tangna lang! Bakit ba kasi nagtiwala ako sa hayop na 'to?!
"Hindi nga," todo ngiti pa niyang sagot sa akin, "as in hindi ka nagkakamali!" Dagdag pa niya bago humagalpak sa kakatawa. Pumikit muna ako upang pigilan ang sarili ko na masaktan siya pero hindi mawala sa isip ko ang nakakapeste niyang mga ngiti. "Sorry, alam ko kasing hindi ka sasama kung hindi ako magsisinungaling sayo, e." Paliwanag pa niya, pero wala ako sa kundisyon upang tanggapin ang paliwanag niya kaya kusang umigkas ang kaliwang kamao ko papunta sa kanyang mukha.
"You!" Sigaw ko sa kanya at sinuntok ulit siya sa mukha kahit hindi pa siya nakakabawi sa nauna kong suntok. "Nasisiraan ka na ba?! D'yan mo ako patitirahin?! Baliw ka na talaga!" Sunod-sunod kong tanong sa kanya habang hawak ang kwelyo ng suot niyang polo shirt.
BINABASA MO ANG
THE REASONS (COMPLETED|EDITING)
Fiksi UmumSandra Martin is a young and competent CEO of her very own business called Angel's Clothing Line. Isa itong kompanya na naka-base sa California, USA. Kilala ang ACL sa paggawa ng mga kalidad at high-fashioned na damit na tinatangkilik sa buong mund...