Chapter Two

15 0 0
                                    

Arden Guevarra's Point Of View

May narinig akong malakas na katok sa pintuan. Sus maryanong garapon naman 'tong mga kapitbahay ko parang papatayin yung pinto eh. Alas nueve na, bakit wala pa kaya si mama? Ah, baka si mama 'yon pero may susi naman siya eh. Agad akong bumaba at binuksan ang pintuan. 

"Den! Nabalitaan mo ba ang nangyari? Kailangan na nating pumunta ng ospital."

"Wait lang po, hinay-hinay lang. Bakit po ba? Anong pong nangyari?"

"Hindi mo pa alam? Ayy, Diyos ko po! Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko ha."

"Depende, ano po ba yun?"

"Yung nanay mo kasi eh... kasi ano... yung nanay mo... kasi yung nanay mo ano eh."

"Ano pong si inay? May nangyari po ba?" 

"Dinala sa ospital ang nanay mo kasi naaksidente siya. Hala, bilisan mo na. Malapit lang naman ang St. Mary's Hospital dito eh." Ayoko sanang maging bastos pero kaagad na kong tumakbo papuntang ospital.

Alam na mag-goodbye pa ko. Syempre nataranta ako, nanay ko yun eh. Talagang diretsyo ang pagkasabi eh, sana naman mahinahon. Hindi mukhang gusto niya kong mamatay sa pagkagulat. 

"Dinala sa ospital ang nanay mo kasi naaksidente siya."

"Dinala sa ospital ang nanay mo kasi naaksidente siya." 

Hindi sa hindi ako makapaniwala pero ayaw kong paniwalaan. Ayaw kong paniwalaan na merong nangyari. Ewan ko nga kung tama ba ang daan kung saan ako dinadala ng paa ko. 

Muntik na pala akong masagasaan, lumilipad kasi ang utak ko eh. Lumabas ang driver ng sasakyan. Uso na ba ang car accidents? 

"Are you stupid? Want to die, I can help you para naman mabawasan ng t*nga sa mundo!" Hindi ko maintindihan ang sinabi niya pero mukha siyang galit.

Nginitian ko nalang at hiningan ng pasensya. Iwas lang ako sa gulo mukha kasing maiinit ang ulo ni mister. 

Naglakad nalang ako papuntang ospital, ayoko pang mamatay. Sana hindi malala ang nangyari kay mama.

Nanginginig akong pumasok sa kwartong sinabi ng babae kung nasaan si mama, siguro sa pagod at takot kung anong maabutan ko dun. Yung doktor din daw susunod na lang para ipaliwanag ang kalagayan ni mama. 

Hintayin ko na lang sa labas ang doktor, pasama lang ako sa loob. Parang hindi ko kayang pumasok dyan mag-isa.

"Arden?" 

"Po? Ay tito!" Si tito pala ang doktor. Kaibigan namin siya ni mama eh, kaklase daw niya dati.

"Si mama po? Okay lang po ba siya? Diba mabilis rin pong gagaling si ma?"

Just A WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon