Grey Fuente's Point Of View
Nagmamadali akong pumunta sa hospital kung saan nakaconfine si Mr. Galvantes kaya mas lalo ko pang binilisan ang speed.
I know I'm violating traffic rules but this is urgent.
Biglang may estupidang tumawid, buti nalang on time kong natapakan ang brake.
What the hell? Ididiretso pa ko nito sa morgue.
Agad akong lumabas, syempre para tignan kung buhay pa yun.
"Are you stupid? Want to die, I can help you para naman mabawasan ng t*nga sa mundo!"
I know that was too harsh pero hindi ko kasi alam kung paano pakita ang concern ko kaya i end up hurting the person.
At talagang lumilipad ang utak ko. Paano ba naman, may posibilidad na mawala ang nagiisang taong mahalaga sa akin.
She just smiled. "Pasensya na po kayo, medyo wala po kasi ako sa sarili." then she walked away.
Ngayon ko lang napansin na umiiyak siya. Ako na guilty! Hindi ko naman kasi alam kung anong pinagdadaanan ng tao tapos sinigawsigawan ko pa.
Aish! I learned to live na walang pakialam sa ibang tao kaya ngayon I should let that slip away at pumunta na sa ospital.
Kailangan ko pa bang magpakilala?
Psh! Imposibleng walang nakakakilala sakin pero kung hindi mo talaga alam kung sino ako, magtanong tanong ka na lang.
Nakakatamad magisip at magsalita tutal lahat naman dito alam ata pati history ng buhay ko. Mga tsismosa at tsismoso eh!
^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^
Naabutan kong nakabusangot ang mukha ng doctor, halatang may ibabalitang masama.
Alam ko critical na ang condition ni sir but I'm still hoping.
"Grey, I'm sorry but--"
"It's okay doc, puntahan ko lang po si sir." Tumango lang yung doktor kaya pumasok na ko.
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng doctor, memorize ko na eh pag ganun ang itsura nila at humihingi ng pasensya.
Yang "I'm sorry, we did everything we can but he/she didn't made it." nila, ilang besses ko na yan narinig at hindi na maririinig kasi wala na silang lahat.
Yan ang pinakamasakit pakinggan dahil ang ibig sabihin nun, may nawala nanamang isang taong sobrang halaga sayo.
Mom died when i was five and dad followed after a couple of years.
So seven palang ako, wala na kong magulang. Dun ko nakilala si Mr. Dan Galvantes.
Wala na din daw siyang pamilya kaya kinupkop niya ko at inalagaan na parang tunay na anak pero hindi naging legal sa papers.
Kaya sobrang laki ng respeto at utang na loob ko sakanya. Ilang minuto rin muna ako nanatili dun sa kwarto ni sir ng dumating ulit ang family doctor namin.
"Grey, your lawyer called. Puntahan mo daw siya sa Vierras Resto at may kailangan siyang sabihin. Kami na bahala kay Mr. Galvantes."
"Thank you po doc."
Tinignan ko lang ulit si sir Dan, ito na ang huling besses na makikita ko siya.
Agad na kong lumabas ng kwarto niya. Hindi ba nagpaawat ang abogada ni sir eh kanina nga lang siya binawian ng buhay tapos may kailangan ng pagusapan. Agad-agad?
Paalis na sana ako but something caught my eyes.
Let me rephrase it, someone caught my eyes.
Hindi nga ako nagkakamali siya yung babaeng muntik ko nang mabangga kanina.
Kaya pala siya umiiyak kanina. Pareho pala kaming nawalan ngayong araw na 'to.
"Ma, makakapagpahinga ka na. Maganda po ba diyan? Huwag niyo na kong alalahanin basta hindi na po kayo magkakaproblema at magkakasakkit okay na ko. Tandaan, ako ata si Arden Guevarra ang pinaka palaban na babae kaya kayang-kaya ko 'to basta alam ko na masaya po kayo. Si papa, kasama niyo po kaya? Sabihin niyo po kay pa na love ko rin siya kahit hindi kami nagkita. Goodbye po." Parang may sariling utak yung paa at kamay ko, hindi ko alam na nasa tabi ko na pala siya at inaabutan ng panyo.
Umalis na ko kaagad baka isipin niya tsismoso ako. Pinuntahan ko na yung maarteng attorney ni sir.
"Pinatawag lang kita kasi I have to give you Mr. Galvantes personal letter na para sayo lang." May ibibigay lang pala, kailangan sa restaurant pa. Ang arte talaga nito, ang sarap batukan baka sakaling umayos ang utak.
"I better get going, it's kinda late na eh. Sorry for your lost ulit Mr. Fuente" Then she left. Umupo muna ako at binuksan ang sulat.
"Grey, I know that you can be trust so I will not just inherit you some of my estates and properties but also my daughter's future. I had been keeping this secret from everyone and you are the only person who will find out. Yes, I have a daughter. My dad threatened me long ago na kung hindi ko pinakasalan si Eliza at iwanan ang mag-ina ko, he will make my daughter and her mom's life miserable kaya para hindi sila madamay lumayo ako kaso nagkasakit si dad at hindi nagtagal iniwan niya rin ako kaya hindi ko na pinakasalan si Eliza. Sinubukan kong kumbinsihin ang nanay ng anak ko pero galit siya sa akin at sabi niya ilalayo daw niya ang anak namin paglinapitan ko sila kaya pinilit kong makuntento na panuurin lang sila sa malayo at tulungan sila anonymously. Ngayong hindi ko na magagawa yun, I have one favor to ask. Please tulungan mo sila pero this time magpakilala ka, don't let them hate me. Patirahin mo sila sa magandang bahay at pagaralin ang anak ko sa maayos na paaralan. Ang pangalan ng anak ko ay Arden Guevarra. Ipakilala mo rin siya sa lahat bilang anak ko at ang magmamana ng mga ariarian ko. This is my first and last wish sayo kaya sana hindi mo ko tatalikuran. Thank you for just simply being my son, my confidant, my inheritor and someone who I can trust, Goodbye."-Mr. Dan Galvantes
Kasama ng sulat ay ang description tungkol sa anak niya, pati birth certificate at nakasulat na din ang address ng pinagtitirahan nila. Teka, Arden Guvarra? Parang narinig ko na yun.
"Tandaan, ako ata si Arden Guevarra ang pinaka palaban na babae kaya kayang-kaya ko 'to basta alam ko na masaya po kayo." Yung babaeng muntik ko ng mabangga kanina at yung nakita ko sa ospital.
Agad akong bumalik sa ospital pero ang family doctor na lang naabutan ko sa kwarto kung nasaan yung babaeng yun kanina.
"Doc, asan na yung babae kanina dito?"
"Si Arden? Nakaalis na eh at bakit mo naman hinahanap, kilala mo?"
"Is that her mom?" Hindi ko na sinagot ang tanong ni doc.
"Oo. Naawa nga ko sa batang yun pero kahit na anong dumating na problema sa buhay nila, nakuha parin niyang ngumiti at hanapin ang Diyos kaya hanga ako sa kanya."
"Kilala niyo rin po siya?"
"Her mom is a friend of mine. Bakit mo pala siya hinahanap?"
"May nakalimutan lang akong kunin sa kanya."
Kailangan ko munang ayusin lahat bago ipakilala yung anak ni sir. Pagkatapos ko na lang asikasuhin ang burial ni sir, dun ko na lang din sasabihin lahat sa anak niya.
Siguro next time na lang din paguusapan yung last will and testament ni sir. Yung sa akin, ayoko ng tanggapin kasi malaki na ang utang na loob ko kay sir na ipinalaki niya ko at tinuruan.
Pero hindi ko rin pwedeng tangihan ng ganun-ganun lang. Dapat iwan ko sa taong kayang ipagpatuloy ang pinaghirapan ni sir at alam kong yung anak niya yun.
I don't know if I'm really trustworthy and capable of all the things you left for me but I'll try my best to be one. I will never let you down sir and I hope you're contented and blissful.
^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^°^
BINABASA MO ANG
Just A Wish
Novela JuvenilShe's Arden, a commoner. She and her mom live averagely with the help of an anonymous person sending great riches. After her mom's death, she thought life would be more troublesome and distressing but it's the other way around. He stepped in her lif...