Gray Fuente's Point Of View
Two weeks and three days ang nakalipas at natapos na rin lahat, ang burial ni sir at ang panandaliang closing ng companies niya.
Ngayon naman, pinuntahan ko na yung address kung saan daw nakatira yung anak ni sir. Paano ko kukumbinsihin yun? Baka isipin niya na baliw ako at kung ano-anong pinagsasabi. Bahala na nga.
Lumabas na ko sa kotse ko at kumatok sa pintuan nila.
After a hundred years, may na rinig na kong 'Teka lang'. Ang bagal ng teka lang niya ah.
"Ah, kayo po ulit? Hello po mister! Diba kayo po ang nagpahiram ng panyo sa akin? Yun po ba ang kailangan niyo?"
Naalala pa niya talaga yung panyo ko ha. Ang tagal na nun eh. Sobrang gwapo talaga ng mukhang 'to, wala tuloy nakakalimot.
Stupid, hindi naman ako magaabala kung panyo lang ang kailangan ko at ayoko na ulit makita yang mukha mo kaso kailangan eh. Joke!
"No, I wouldn't go through much trouble para lang sa panyo ko. Ang layo kaya ng bahay niyo at ang sikip ng daan papunta dito. Anyway, I came here because of your father's request. Marami pa akong dapat ipaliwanag sayo."
"My father? Request? Sorry po mister pero wrong number po ata kayo eh. Matagal na pong patay ang papa ko, hindi ko na nga siya nakilala."
"Yun ang akala mo Ms. Guevarra. Actually, yung nagkita tayo sa ospital dun palang siya binawian ng buhay."
"Woah, alam niyo po ang pangalan ko? Lasing po ata kayo pero siguro po ang mama ko ang tinutukoy niyo. Kaya nga po ako nandun sa ospital para sa mama ko."
"Hindi yung mama mo ang tinutukoy ko. Ba't ba ang kulit mo, yung papa mo nga nalayo lang sa inyo pero hindi pa siya patay. Patay na pala siya pero nung October 16, 2012 lang. Gets? Hindi pa no? Slow mo, sumama ka na nga lang sa akin. Sumasakit ulo ko sayo."
Dapat maganda ang turing ko sa kanya but I can't help it. Sobrang slow kasi, nakaka-high blood!
Hinatak ko na yung kamay niya at sinakay sa sasakyan.
"Hoy mister! Saan niyo po ba ako dadalhin? Jusko, kidnap po ba 'to? Hala, wala po akong kayamanan kaya wala po kayong makukuha sa akin. Mister naman eh, sino po ba kayo? Wala na nga po akong tatay kaya siguro po mali ang biktimang nakuha niyo. Mister! Bingi po ba kayo?"
"Grey Fuente, that's my name kaya shut up and stop calling me mister. Hindi ako kidnapper at hindi rin ako magsasayang ng oras kung hindi kita kailangan kausapin. Huwag ka ngang o.a. masyado, wala tayo sa teleserye. Don't worry at walang mangyayaring masama sayo lalo na't kasama mo ko." Sakit sa lalamunan pero buti na lang that shuts her up.
Mabilis rin kaming nakarating sa sementeryo.
"Oi, anong ginagawa natin dito? Ililibing niyo po ba ko?"
"Pag hindi ka tumahimik, pwede. Sundan mo na nga lang ako."
I follow a familiar path na papunta sa grave ng papa niya. Buti masunurin 'to kahit na hindi niya ko kilala.
Nung nakarating kami dun, umiral nanaman ang pagka-slow ng babaeng 'to.
"Ano po 'to? Ano po bang ginagawa natin dito?"
"Libingan siguro? Diba ang pinaguusapan natin kanina is yung tungkol sa papa mo. Ano pa bang ginagawa natin dito? Diba binibisita siya?" Wala akong naaalalang nag-apply ako para magturo sa isang grade one.

BINABASA MO ANG
Just A Wish
Teen FictionShe's Arden, a commoner. She and her mom live averagely with the help of an anonymous person sending great riches. After her mom's death, she thought life would be more troublesome and distressing but it's the other way around. He stepped in her lif...