Chapter Four

19 2 0
                                    

Grey Fuente's Point Of View

 Para siyang nastatwa sa kinatatayuan niya nung nakarating kami sa bahay niya.

"You can stop acting weird now. From now on, dito ka na titira."

"Ako? Dito titira?"

 "Hindi, kinakausap ko kasi diba yung sasakyan ko. From now on car, you will live here. Tsk!"

"Eh? Kasya na yung buong barangay dito. Hala, dito ako titira?"

"Huwag kang over-acting, hindi kasya buong barangay dito. Dito ka nga titira, mahirap ba yun intindihin? As in dito ka matutulog, kakain at kung ano man ang gusto mong gawin kasi sayo 'to. Gets?"

"As in ako lang mag-isa?"

"Kung gusto mong patirahin yung mga asong kalye at yung mga baliw at lasingero sa kanto, pwede rin."

"Hoy, don't be sarcastic! Wala 'tong renta? As in ako lang dito tapos akin 'to?"

"Lahat nga ng nakikita mo sayo so walang renta. I will live here for one to two months kasi ang mahal kaya ng mga appliances at electronis diyan."

"Anong kinalaman kung mahal ang appliances at electronics?"

"Tuturuan kita kung paano gamitin, sayang naman kung masisira. Ipapakita ko muna sayo lahat." Sumunod lang siya sa akin.

"Itong magkatabing kwarto 'to ay guest room. Kung may bisita ka, dito mo sila papatulugin."

"Grabe naman, para sa bisita lang dapat ganito kalaki? Kalahati lang 'to ng bahay namin dati eh."

"Dun naman ang maid's quarter pero for three months wala ka munang maid kasi nakabakasyon si manang." Tumango lang siya.

"Halata namang kitchen at dinning room yan at itong katabi ay ang main bathroom pero medyo walang kwenta kasi yung guest rooms at yung kwarto mo ay may sariling banyo." 

"Woah, ano yun? Ba't may sariling dagat 'tong bahay na 'to?"

"Swimming pool po yan, paano naman magkakadagat sa likod ng bahay mo?"

"Joke lang kaya yun. Ituloy mo na nga lang yang pagtotour sa akin."

"Dito ang movie room katabi ng kwarto mo."

"May sarili pa akong sine? Masyado naman makatotohanan 'tong panaginip ko baka maniwala ako." Mabatukan nga 'to, kanina pa ko paliwanag ng paliwanag pero hindi pa rin naniniwala na sa kanya lahat 'to.

"Jus maryanong garapon ka naman oh! Para san yun?" 

"Gising ka na siguro sa panaginip mo? O di iligpit na natin ang gamit mo."

"Bukas nalang yan, pasyal muna tayo. Sige na!"

"Anong pasyal? Hindi ka pa ba pagod?"

"Hindi pa kaya tara na?"

"Pwes, ako pagod na kaya kayang-kaya mo na yan mag-isa."

"Wala kasi akong alam na lugar dito. Sige ka, mawawala ako tapos magugutom at mapapagod kaya magkakasakit ako tapos mamatay ako tapos hindi mo na ko makikita tapos mumultuhin at hindi kita papatulugin sa gabi. Bwahahaha, sige alis na ko! Bye!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just A WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon