Chapter One

1K 10 0
                                    

"Hurry up Cali! We'll be late!" Hiyaw sa kanya ni Mat. Nakatayo ito sa harap ng kotse at panay ang tingin sa relos, halatang nagmamadali.

Matthew or Mat as she's used to calling him, is her good friend and co-founder of Perfect Space, a small renovations and interior design company that they built together 3 years ago.

Mat is a graduate of Architecture habang siya naman ay undergraduate ng Interior Design. It was her dream to be an Interior Designer since she was a child, a dream that she never got to fulfill dahil sa ilang mga kaganapan sa kanyang buhay na naging dahilan upang hindi niya matapos ang natitirang semestre ng kolehiyo. Magkaganoon pa man ay nagpapasalamat pa rin siyang kahit paano ay nabigyan pa rin siya ng pagkakataon na makapagtayo ng isang maliit na negosyo kung saan ay napakikinabangan pa rin niya ang hilig sa pagdidisenyo.

Malaki ang pasasalamat niya kay Mat, kung hindi dahil dito ay hindi nila masisimulan ang Perfect Space. Si Mat kasi ang halos naglabas ng kapital upang maitatag ito. Kung hindi dahil tiwalang ibinigay nito sa kanya at sa kanyang talento ay wala sana sa kanya ngayon ay titulong "Senior Designer & Co-Owner" ng Perfect Space.

"Coming!" hiyaw-sagot niya sa kaibigan.

Tinapunan niya ng huling sulyap ang sarili sa salamin at huminga ng malalim bago dinampot ang mga folders para sa presentation mula sa kanyang desk at nagmamadaling lumabas ng opisina.

"Diyos ko naman chica!" Mat's eyes rolled up, "kapag na late tayo at hindi natin nakuha 'tong deal na ito, I'm really holding you accountable!" Sumakay na ito ng kotse at ini-start ang makina niyon.

Sumakay na rin siya sa passenger seat at nagsuot ng seat belt, "sorry na nga! May idinagdag lang akong final finishing touches para sa presentation."

"Kakadagdag mo ng kung ano-ano riyan, mamaya kliyente na sana, nawala pa!" tila nayayamot pa ring singhal ng kaibigan sa kanya.

"Calm down okay? Kayang kaya natin 'to!" she said with a broad smile. Itinaas pa niya ang dalawang kamao sa ere, "fighting!" aniya kay Mat, trying to imitate what she sees in the countless K-dramas she's watched.

Napangiti na lamang na napailing ang kaibigan sa kanya.





Ilang sandali pa ay pumarada ang puting Honda Civic nila sa harapan ng malaking building na iyon. She couldn't help surveying the place, kasabay ng pagpuno ng hangin sa dibdib.

Parang ngayon niya biglang naramdaman ang nerbiyos. This is their biggest client yet kung sakaling makuha nila ang trabahong iyon. Kadalasan na ay mga pribadong renovations lamang ng mga bahay o kaya naman ay ng mga maliliit na opisina ang nakukuha nilang trabaho. Ngayon pa lamang sila nagkaroon ng isang bigating kliyente na kagaya nito. The prospective client is a start-up hotel that will open its first branch in Tagaytay next year.

"Ready?" untag ni Mat sa kanya. Inayos nito ang sariling suit na suot at pagkatapos ay sinenyasan siya upang sabay silang pumasok ng gusali.

Hindi nagtagal ay naroon na sila sa malaking meeting room ng kumpanya. Tila nalulula pa rin si Cali sa mga nakikita.

Malaki ang boardroom na iyon na napapalibutan ng salamin. Ang wood table na oblong ay maaaring umokupa ng nasa labing limang tao marahil.

Bumaon ang takong ng sapatos niya sa malambot na carpet patungo sa isa sa mga upuan. Isang magandang office chandelier ang nagbibigay liwanag sa malaking lamesang naroroon, ganoon din ay nakapaligid ang mga malamlam na ilaw na nakapabaon sa kisame. Sa harap ay naka set-up na ang projector na kanilang gagamitin.

Nilapitan ni Mat ang kinaroroonan ng projector upang i-set up ang laptop na dala.

"Are you alright?"

"Yeah" she walked towards one of the paintings na nakaadorno sa silid. "I just can't believe a company like this might actually give us the job,"may excitement sa kanyang tinig.

A smile crossed her lips at the thought. Kapag nakuha nila ang trabaho ay malaking turning point iyon para sa kanilang business. Not only will the pay help the company's finances but a big client like this will surely attract bigger clients as well. This will be the start upang makilala ang Perfect Space sa industriya.

"Believe it, darling" may landing ani Mat sa kanya na sinabayan ng ngiti, "we got this, right?" kinindatan pa siya nito. Isang ngiti at tango at itinugon niya sa lalaki.










"Cheers!" magkapanabay nilang itinaas ni Mat ang baso ng beer at ipinaguntog ang mga iyon, pagkatapos ay tinungga.

"I really have a feeling we got this in the bag darling!" excited na ani Mat.

"Aba syempre! Ang gaganda yata ng design ideas ko no!" natatawang biro niya rito.

"Asus ayun! Nagyabang ang ale!" Muli itong lumagok mula sa baso ng beer pagkatapos ay inilapit ang mukha sa kanya. "That hot guy behind you is totally checking you out" anito pagkatapos ay muling hinayon ng paningin ang kung sino man iyon sa kanyang likuran.

She shrugged. "Not interested" tamad na sagot niya at muling uminom mula sa kanyang baso.

Pinanlakihan siya ng mata ng kaibigan "Diyos ko! Ang gwapo kaya oh! Dali! Lingunin mo!"

Inirapan niya si Mat "Eh bakit hindi na lang ikaw ang lumapit at magpakilala, huwag ako itong guluhin mo tungkol sa mga lalaking 'yan!"

"Eh kung papatulan lang ba ako niyan, why not?! Eh ang problema chica, sa'yo malagkit ang tingin"

She sighed. Here we go again! Sa tuwing lalabas sila ni Mat ay kulang na lamang ipagduldulan siya nito sa mga lalaking nakikitang may interes sa kanya.

"Wala akong panahon sa mga lalaki. You know that."

"My Gosh Cali! Hindi ka pa ba nakaka move on? Aba'y ang tagal tagal na since your marriage- "

She gave her friend the warning look. Agad naman nitong itinikom ang bibig at sumenyas na tila i-zinniper ang mga labi.

Tahimik siyang muling lumagok mula sa kanyang baso. She hates it when Mat occassionally brings up her past like this. Isa iyong parte ng kanyang nakaraan na nais niyang ibaon sa limot! Kung maaari nga lamang niyang ibalik ang kahapon ay hindi na niya nais pang makilala ang lalaking iyon!

She closed her eyes kasabay ng pagbuntong hininga. Bahagya niyang naipilig ang ulo ng tila naman isang tukso na gumuhit sa kanyang ala-ala ang pares ng mga matang iyon, looking at her with longing...

Babe... Cali...

Marahas niyang iminulat ang mga mata at padarag na inilapag ang baso sa mesa at pagkatapos ay muling sinalinan iyon gamit ang pitsel.

"Balak mong maglasing?"

Pinandilatan ni Cali si Mat "Bakit ba naman kasi palagian mong kailangang banggitin ang tungkol sa hinayupak na Drake na 'yun!"

"I didn't say any name for the record. Sa bibig mo nanggaling ang pangalang Drake Lustre"

She gritted her teeth. Pangalan pa lang ng lalaki ang marinig niya ay umaakyat talaga ang dugo niya sa ulo.

Drake Lustre. The devilishly handsome playboy she was unfortunate to cross paths with, more than 5 years ago. The reason why her life was almost messed up big time!

Humigpit ang hawak ni Cali sa basong tangan, kasabay ng pagragasa ng mga ala-ala ng kahapon...

Minsan PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon